Chapter 14

35 3 0
                                    

Alas syete ng magising ako kinabukasan, mukha namang naawa na sakin si mommy kaya tumigil na siya sa pang aasar, pero di niya ko pinaligtas kay tita.

Kwinento niya kay tita ang ‘pagnanasa’  ko daw kay Brandon, buti nalang di niya na sinama yung ‘masarap’ na part kundi magagalit na talaga ‘ko.

Buong magdamag akong nagmukmok sa kwarto dahil patuloy ang pang aasar nila sa’kin kahapon.

Gusto pa ni tita pagkwentuhin si Tito Alfred about kay Brandon kaya umalis na ‘ko at tinakot sila na kapag di pa sila tumigil ay mag aalsa balutan talaga ‘ko at uuwi na.

Nakahiga pa din ako ng may biglang kumatok, tinatamad na bumangon ako para pagbuksan ang kung sino ma iyon.

Pupungas pungas akong naglalakad habang nagkakamot ng ulo.

“Haaaaa~” paghihikab ko.

“ya-” akala ko si yaya pero si Brandon pala.

Naka beach shorts siya at muscle shirt.

Fck, ang aga aga nasisilip ko ang namumutok niyang mga muscles. Umiling iling ako sa naiisip.

“bakit?”

“pinapagising ka ni Tita Naomi, magready ka na daw, swimming tayo,” sabi niya sabay pasok sa kwarto.

“Uii, teka..”

Di ko na siya napigilan ng tuloy tuloy siyang pumasok at umupo sa kama.

“Tita ask me to make sure that you’re coming so I’ll wait for you here till you’re done,” kalmadong sagot niya habang nakatukod ang dalawang kamay sa kama.

Flex na flex ang braso niya kaya di ko maiwasang tingnan nanaman ang parteng ‘yon.

He smirk then raised a brow. Parang nakapansin ng nakakatuwang bagay.

Pakiramdam ko sinasadya niya yon para akitin ako. Umubo nalang ako at nagtungo na sa banyo para mag ayos.

Nagsuot ako ng black two piece at pinatungan iyon ng yellow off shoulder summer dress.

Nagpahid na din ako ng sun block sa buong katawan. Tinali ko ng pa bun ang buhok ko at lumabas na.

Tumingin agad siya sakin paglabas ko, sinuri niya ang buong kabuuan ko bago tumayo at lumapit sa’kin bago nilapag sa kama ang hawak na librong pagmamay ari ko.

Kinuha ko ang sun glasses ko sa dresser at inaya na siyang umalis.

Nakasunod lang siya sa likod ko.

Tinitingnan ko siya ng pailalim at sinusuri ang bawat pag galaw niya. Tumikhim siya saka sumabay ng lakad sakin.

“your mom told me na gusto mo daw magswimming, nahihiya ka lang daw magsabi sa’kin,” naubo naman ako sa sinabi niya.

Wala akong naaalalang may sinabi akong ganon!

Si mommy talaga kahit kailan, oh!

Akala ko pa naman tumigil na siya!

Napangiwi naman ako pero mas pinili kong di na magsalita.

“You know, you can tell me anything, right? You don’t have to be shy,” dagdag niya pa.

Gusto kong tanongin siya kung ano ba kami? kung ano ko ba siya? pero pinigilan ko nalang ang sarili kong magsalita.

Ayokong magtunog demanding at naghahabol dahil una sa lahat siya ang nagloko at mas lalong ayoko nang ungkatin pa ang lahat.

Dahil ikot ikotin mo man ang mundo, the damage has been done, and we’re done anyways.

Mapait akong ngumiti at tumingin sa kawalan para malimutan ang naisip.

Nang hindi ako sumagot ay marahan niya akong hinawakan sa baywang at hinila palapit sakanya.

I stiffened.

Ilang beses niya nang ginagawa ‘to, makaclassify ko na din ito as his favorite move.

Inilapit niya ang kaniyang bibig sa tainga ko.

“damn baby, why do you always seem so far?” he said then kiss my temple.

Maligayang maligaya ang bukas ng mukha ni mommy ng makita ang ayos namin ni Brandon paglapit sa kanila.

Pulang pula lang naman kasi ang mukha ko habang ang kamay ni brandon ay nasa baywang ko.

Si tita din ay di mapawi sa pagbibigay ng makahulugang tingin sa’min. Gusto kong alisin ang kamay ni Brandon dahil nagsisimula na ‘kong mahiya.

Inangat ko ang ulo ko para tingnan ang itsura niya.

At aba naman!

Ang kumag nakangiti pa! tiningnan ko siya ng masama, pakiramdam ko kasi walang akong effect sakanya, feeling ko ako lang yung parating nagugulat at kinakabahan sa’ming dalawa.

Nahuli kong nag ngingitian si tita at si mommy na para bang may secret message na pinapasa sa bawat suklian ng tingin.

Aba at ano nanaman ang trip nila sa’kin?

“Gaia mag share nalang kayo ni Brandon, honey, sa lounge huh, nako kinulang kasi yung napalabas ko kay manang,” sabi ni tita na mukhang nag aalala pero halata namang binalak nila ‘to ng magaling ‘kong ina.

Tumango nalang ako at sinimangutan sila.

Giniya ako ni Brandon sa dulong lounge, tatlong magkakalayo iyon at lahat ay may kaniya kanyang malalaking payong umupo ako habang tumabi naman siya sa’kin ng upo.

Bat ba ang dikit dikit niya?!

Kanina pa yan!

Tumingin nalang ako sa dagat parang natakam tuloy akong maligo. Napansin niya naman ata iyon kaya tumayo siya sa harap ko sabay hubad ng t shirt.

Bumagsak ang panga ko sa nakita.

Napalunok ako at di maalis ang tingin ko sa eight-pack shining, shimmering, splendid abs niya.

Sinundan ko ng tingin ang maninipis niyang balahibo pababa sa nag uumigting niyang v line.

Tubig..

Kailangan ko ng tubig! Nanunuyu na ang labi ko, humakbang pa siya papalapit sa’kin nakaface to face ko na tuloy ang shining, shimmering, splendid abs niya.

Nahihirapan na kong huminga, pakiramdam ko isang lapit niya nalang ay hihimatayin na talaga ko.

Nag sisimula nang mag init ang buong sistema ko, pakiramdam ko konti nalang ay mag oover heat na ko.

Umangat ang tingin ko papunta sa dibdib niya, light brown ang nipples niya at parang natetempt akong kurutin iyon at paglaruan.

Di ko na napigilan ang pagtaas ng kamay ko, nang madikit ay agad kong naramdaman ang init ng katawan niya.

Sinakop ng palad ko ang kalahati ng kanyang dibdib.

Naramdaman ko ang tigas ng kaniyang kalamnan. I even felt him flinch for a second. Kagat labi akong napapikit at napahinga ng malalim. Ninanamnam ang init ng nahahawakan.

I move my hand towards his abdomen. Hinihimas ko bawat isa sa kanyang splendid abs.

Ang sarap ng init ng kaniyang katawan, tamang tama lang sa hampas ng hangin galing sa aking likod.

Nang magmulat ako ng mata, nasalubong ko ang umaapoy niyang tingin, his sleepy eyes and half close mouth, turned me on.

Dumoble ang init ng paligid.

Kasabay ng hampas ng alon, ang pagliliyab ng aming pagnanasa.

Hindi pa nagtatagal ay naramdaman ko ang unti unting pagdilim ng paligid hanggang sa nahilo ako at naramdaman ko nalang ang kanyang matipunong bisig na sumalo sa pagkakahulog ko mula sa kawalan.

Hush The WailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon