Simula

652 16 4
                                    

Kane's POV

Napasalampak ako sa upuan habang kausap ang kapatid ko mula sa telepono. I am in the middle of my work but she said it's urgent.

"What is it, Gab?" I asked. She is my sister. Napamasahe ako sa noo ko habang naghihintay ng sagot niya.

"Kuya, remember the concert I told you?" she asked excitedly. Natigilan ako at umayos ng upo.

Kumunot ang noo ko, "So, did you call just to tell me about the concert, Gab?" I answered her with a question and sighs. Napailing ako ng ilang beses.

"No!," she said defensively. As far as I know, Gab is a fan girl, "Uhhmm...y-yes, kuya. The concert will be tonight and you are coming with me," she said calmly.

Lalong sumama ang mukha ko, "No way! Hindi ako sasama, Gab!" mabilis kong sagot. How I hate crowded people.

She groaned, "Pero, kuya! I can't go kapag hindi ka kasama." I can hear her loud breath. Kahit kailan hindi siya nag-missed ng kahit isang concert ng idol niya. She even asked me to buy her some stuff about her. I hate it.

I shook my head, "No, Gab. Pinagawan na kita ng banner, I even bought you your LED!" I said, raising my voice. I spoiled her, dapat pala hindi ko ginawa 'yon. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

I stiffened when I heard her sobs, "B-But, k-kuya," she whispered.

I hardened my face, "No, Gab. You are too much. Hindi puweding kung nasaan siya ay nandoon ka rin," I told her using my serious tone. I hanged up the phone without hearing her answers. I know na masasaktan siya but she have to hear that para naman bumalik siya sa senses niya.

Bumalik na ako sa trabaho pagkatapos ng pag-uusap na 'yon.

An hour later, I received phone calls from dad.

"Dad, why?" I asked him. He barely call me, kung tatawag man siya ay 'yon ay manghihingi ng favor.

He cleared his throat, "Your sister, Kane. Ayaw niya kaming pagbuksan ng kwarto," sabi niya. Ramdam na ramdam ko ang kaba sa boses niya. He's fond of my sister, just like me-masyado na naming ini-spoiled si Gab, "Go home and say sorry," utos niya sa 'kin.

Tumaas ang kaliwang kilay ko, "Hayaan mo na siya, lalabas din 'yan mamaya," kalmado kong sagot. I took a deep breathe. Inangat ko ang pulsuhan ko at hinawa ang sleeve ko. It's already 5:30 PM.

"I said go home, Kane!" he shouted. Napayukom ang kamao ko. Nagsilabasan ang ugat sa likod ng palad ko.

"May trabaho ako," I replied, remaining calm.

"KANE!"

I gritted my teeth before hangging up the phone. Bumuntong-hininga ako at napatingin sa lupa na inaapakan ko.

Napaangat ako ng tingin ng biglang may tumapik sa balikat ko, "Engineer, umuwi ka na. Ako na ang bahala dito," sabi ni Christoff sa 'kin. I clutched my jaw at tinulak ang kamay niya na nakapatong sa balikat ko.

"I know what to do," sabi ko sa kaniya at nagsimulang maglakad patungo sa office ko. Hindi ko na siya nilingon pa. Pagbukas ko ng pintuan ay agad kong hinubad ang sumbrero ko. Nagtungo ako sa upuan at nagpahinga sandali. Kinuha ko ang phone ko tiningnan kung may mensahe dito. I did not receive any.

Mahigit sampung minuto ako nakaupo hanggang makarinig ako ng muling pagtunog ng telepono ko. Mabilis ko itong sinagot.

"What now?"

"Nawawala ang kapatid mo, Kane! She's not here! She's not in her room!" natataranta niyang sigaw.

Agad akong napatayo mula sa upuan at pinulot ang coat ko, "What?! Bakit naman siya mawawala?!" napahilamos ako ng mukha. Mabilis kong hinakbang ang mga paa ko paalis sa site. I have to drive for an hour bago makarating sa bahay.

Naputol ang linya kaya sinilid ko ang telepono sa bulsa ko, "You are not going alone right, Gab?" I asked in the air. This girl. Bakit ba gustong-gusto mo ang babaeng 'yon?

Pinaharurot ko na ang kotse ko. Pinagpapawisan ako ng malamig dahil sa kaba. Nagiging matigas talaga ang ulo niya. I clenched my jaw. Pagdating ko sa bahay ay malapit ng mag-7. The concert will start at 8 or 9?

Napailing ako habang pumapasok sa loob ng bahay. Sinalubong ako ni yaya Helen, namumula ang mga mata niya, "Nakita niyo ba?" tanong ko. Binigay ko sa kaniya ang mga gamit na dala ko.

Umiling siya sa 'kin, "Hindi pa po, sir," sagot niya.

"Where's dad?" I asked again.

"Nagmamadali pong umalis, sir. Hahanapin po ata si ma'am," aniya. Dumeretso ako sa itaas para tingnan ang kwarto niya. Binuksan ko ang pintuan niya at sumilip.

"Damn it," bulong ko. Ang daming kung mukha ng idol niya ang nakakabit. Pumasok ako at sinara ang pinto. Hinakbang ko ang mga paa ko ng dahan-dahan. Natigilan ako sa harapan ng mesa niya, nakalagay ang dalawang VIP ticket dito.

I groaned while picking it up, "Baliw na ba siya?" tanong ko. Napailing ako at binulsa ang ticket at tumakbo pababa. Hindi pa man ako nakakalabas ng bahay ay nakita ko si dada na pumasok at parang nagmamadali. Puno ng pawis ang mukha niya at tila ay puno ng kaba.

Nagtama ang paningin naming dalawa kaya bumagal ang mga hakbang ko, "Dad," I mumbled.

"Kane, kapag may naghanap sa 'kin sabihin mo hindi ako umuwi, okay?" bilin niya sa 'kin at dumeretso paakyat, "Aalis muna ako. Pansamantala akong mawawala," dagdag pa niyang sabi. Kumunot ang noo ko at hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin. Ipinagsawalang bahala ko na lamang 'yon at umalis na para puntahan si Gab.

Pagdating ko sa labas ng venue ay agad kong inikot ang paningin ko. "Where are you, Gab?" I whispered. Nagtatakbo ako para hagilapin siya sa kung saan, konti na lang ang mga tao dito sa labas. Kinuha ko ang phone ko para sana tawagan siya pero naka-off ang phone niya, "Damn it!"

Inikot ko ang buong lugar pero walang Gab. Hinihingal akong napasandal sa isang kotse. Kinuha ko ang dalawang ticket sa loob ng bulsa ko at bumuntong-hininga. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang isang ice cream parlor sa harapan. Napaayos ako ng tayo at nagtungo dito.

Pagpasok ko ng parlor ay tumunog ang chimes. I roamed my sight. I saw the server smiling at me. Napaismid ako. Nakahinga naman ako ng maluwag matapos makita ang isang pamilyar na babae na may suot ng kulay pink na costume. Pagdating ko sa likuran niya ay nakita kong kumakain siya ng ice cream at umiiyak.

"How can you leave without bringing the most important thing, huh?" I asked her. Dahan-dahan siyang lumingon sa 'kin. Nanlaki ang mga mata niya. I saw her tears streaming. My lips rose.

"Kuya!" tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit, "Sorry," she whispered. Huminga ako ng malalim at hinaplos ang buhok niya na mayroong kung ano-anong kulay. Malakas siyang umiyak sa dibdib ko.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" tanong ko.

"Bakit kasi ayaw mong sumama? She's beautiful naman ah?" she replied while shoulders are shaking. Napangiwi ako.

"Because I don't want to, Gab."

She stomped her feet. I laughed. 

DS #5: Sienna x KaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon