Special Chapter (Valentine's special)

205 2 0
                                    

WARNING: SPOILER ALERT

Zyliene Amethyst's POV

"Tulungan mo nga ako rito!" Sigaw ni Nariah kay Thyrone na inaayos ang gitara niya, kaya sinipa ko ang paa niya.

"Why? Are you mad at me? What did I do again?" tanong ni Thyrone sa akin, kaya nakatanggap siya ng masamang titig galing sa 'kin. Did he even hear his twin?

"Ako na lang ang tutulong sa 'yo riyan Nari," sabi ko kay Nariah at tinulungan siya sa pag aayos ng mga decorations.

"What's wrong mahal? May nagawa ba akong kasalanan sa 'yo?" tanong ni Thyrone at lumapit sa amin ni Nariah kaya nakatanggap siya nang hampas ng cardboard sa balikat niya galing kay Nariah.

"Alis! Kanina pa kita tinatawag 'di ka man lang tutulong. Layas! h'wag mong ipakita 'yang mukha mo sa 'kin, masa sabunutan talaga kita!" Sigaw ni Nariah sa kanya dahilan upang lumayo sa amin si Thyrone habang nakayuko ang ulo niya. Kawawa naman ang mahal ko, kasalanan niya rin naman kasi. 

Nang matapos naming i arrange ang decorations ay umupo kami ni Nariah para mag kape siya habang ako naman ay tamang milktea lang.

"Mahal oh, baka gutom ka na," sabi nang kakarating lang na si Thyrone, sabay lahad ng sandwich. Si Nariah naman ay masama ang titig kay Thyrone bago ako tiningnan na para bang sinasabi niyang kapag tinanggap ko ang pagkain na dala sa akin ni Thyrone ay magagalit din siya sa akin.

I looked at my boyfriend with an apologetic look on my face, and said I was full. He just walked away with his head down. Iba talaga kapag magalit si Nariah, and knowing na red days niya ngayon.

"Sorry," I whispered to myself and look at my boyfriend who just sit to the chair with his head still down.

#

"Happy Valentines Day!" Sigaw ni BJ sa cellphone kasabay do'n ay ang sigaw din ng mga batang nakaupo na ngayon habang kumakain ng pagkain.

"Happy Valentines day too! Gago! Sayang wala ako d'yan, pero tingnan niyo 'to," sabi ni Ame sa phone saka pinakita sa amin ang decorations ng hospital kung saan siya tumutulong sa tito niya ngayon.

"We miss you," sabi ko sa kanya at ngumiti na lang siya.

"I miss you to Zyiee ko, bisitahin niyo ko dito kapag may time kayo ah," sabi niya sa amin.

"After college na, ang busy namin ngayon," sabi ni Nariah sa kanya.

"Si Magnus? Nasaan pala? Ba't kulang ang tropa?" tanong sa amin ni Ame.

"Galit pa rin ata sa 'yo kaya nandoon lang siya sa gilid, ayaw niyang kumausap sa 'yo," sabi ni Nariah kay Ame.

"Ahh gano'n ba? Hayaan mo na lang muna, sige na tawag na ako ni tito mamaya na lang." Paalam ni Ame sa amin at pinatay ang tawag.

"Cr muna ako," Paalam ko sa kanila ay pumunta ng CR bago pa sila magsalita kasi ihing-ihi na talaga ako.

Nang makalabas ako sa CR ay bumungad sa akin si Thyrone. He was pouting his lips while looking at me.

"Mahal, iihi ka rin ba?" tanong ko sa kanya, nagulat na lang ako nang biglaan niya akong niyakap.

"Uhm, are you ok?" tanong ko sa kanya at niyakap siya pabalik. I can feel his heartbeat beating fast or it was just my heartbeat?

"Are you mad at me?" tanong niya sa akin.

"Of course not, ano ba kasi ang pinag-aawayan niyo ni Nariah?" tanong ko sa kanya. 

"It's nothing," sabi niya sa 'kin.

"Tell me," pamimilit ko sa kanya. Mukha kasing may nangyari sa kanilang magkapatid na hindi namin alam. 

Since lumipat na kami ng bahay, hindi ko na alam pa kung ano ang nangyayari sa kanilang dalawa. Namiss ko na nga ang pangungulit namin ni Nariah kay Yoshi, 'yong tipong gigisingin siya namin ng 10:00 pm. para sabihing late na siya sa klase niya.

"She tried to kill herself again, and I don't want that to happen. That suicidal maniac twin of mine, muntik na nga siyang mamatay. What do I do with her mahal? I want to help her, but I don't know how?" tanong sa akin ni Thyrone dahilan upang mabigla ako.

"She… tried… to kill herself again?" tanong ko kay Thyrone. Again? Why do you really want to die Nariah?

"Yeah, can you help me mahal?" tanong niya sa akin.

"Of course, Nariah is not just your sister but also my friend. I will help you no matter what, kaya bumalik na tayo roon," sabi ko sa kanya, at aakmang bibitaw na ako sa pagka yakap ko sa kanya nang mas hinigpitan niya ang pagka yakap niya sa 'kin.

"No, mamaya na. Yakapin muna kita," sabi ni Thyrone sa akin.

"Mahal?" Tawag niya sa akin.

"Hm?" tanong ko sa kanya.

"Paki solve nga ito, 100 plus 230," sabi ni Thyrone sa akin. Ano na namang pakulo nito?

"330," sagot ko sa kanya.

"Minus mo sa 92,"

"238,"

"Multiply mo sa 2,"

"4...7...6,"

"Divide mo sa 2,"

"238,"

"Minus mo sa 95,"

"143," sagot ko sa kanya.

"I love you too," sabi niya sa akin dahilan upang mabigla ako. Inisahan na naman ako ng mokong na 'to.

"Kainis ka, sumakit utak ko do'n ah," sabi ko sa kanya at pinipigilan kong kiligin.

"Mahal? Ang bilis ata nang tibok ng puso mo ngayon ah," sabi niya sa akin.

"Kinikilig ka 'no? Successful na ang banat ko?" tanong niya sa akin.

"Hindi 'no," pagsisinungaling ko.

"Effective na nga," sabi niya saka napa "yehey!" pa siya.

"Oo na, btw h'wag kang maingay kung ayaw mong mahanap tayo dito ni Nariah," sabi ko sa kanya. Lumapit ako sa mukha niya na para bang hahalikan ko siya. Just a few inches, pero hindi ko 'yon tinuloy dahilan upang mamula ang kanyang tenga.

"You're such a tease mahal," sabi niya sa akin. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong halikan. Stop beating so fast heart! Mukhang makakawala ka na sa rib cage ko. 

Seconds later I respond to Thyrone's kiss. Nagulat na lang kaming dalawa nang may nagsalita.

"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ni Achilles sa aming dalawa, dahilan upang lumayo kami ni Thyrone sa isa't-isa.

"Ah, ano… baka hinahanap na ako ni Nariah," sabi ko at aakmang lalayo na sana ng hilain ako ni Thyrone sa ibang direksyon. 

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang naglalakad pa rin kami.

"Happy Valentines day mahal," sabi niya sa akin at binuksan ang sasakyan niya. Nakita ko na lang na may isang bouquet ng rose na nasa upuan niya. Kinuha niya iyon at ibinigay sa akin.

"Happy Valentines day too, thank you dito sa flowers," sabi ko sa kanya at kinuha sa bag ko ang isang chocolate na ginawa ko, at ibinigay 'yon sa kanya.

"Nakita ko lang 'to sa pinapanood naming Anime ni Nari," sabi ko sa kanya.

"Hindi ko alam kung masarap 'yan ah, first time ko kasing gumawa ng chocolate. Don't worry tinuruan ako ni ate Sam," sabi ko sa kanya.

"Thank you mahal," pagpapasalamat niya sa akin at saka hinalikan ako sa lips ng madalian lang.

"Thank you rin ulit," pagpapasalamat ko pabalik sa kanya.

Note: Kahapon pa sana 'to eh, kaso 'di ko natapos dahil may online class kami. BTW! Belated Happy Valentine's day everyone especially to my readers. Kung bitter ka happy undas sa puso mo.

My Bodyguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon