CHAPTER 29

171 4 0
                                    

Chapter 29:

3rd Person's POV

"Goodbye Zyliene, I hope we became friends until the next life. Nakabawi narin ako kay Athena," Sabi ng isang lalake at inangat ang ulo ni Zyliene upang makita ang kabuuan ng mukha nito tsaka sya ngumisi.

"Sayang, maganda ka pa naman kaso pambawi ko to kay daddy. Ireregalo ko sa kanya ang bangkay ng anak ni Athena. Ang pinakamamahal na anak ni Athena," Sabi niy at tiningnan ang kanyang salamin.

"Nagmukha akong inosente sa mga taong yun para lang sa panahong ito. Saksi ang salamin na ito sa pagkamatay mo ngayon, ang salaming binili mo para sa akin ang saksi ng lahat ng paglihim ko." Sabi ng lalakeng pinagkatiwalaan ni Zy ng lubos.

"Sinasabi ko na nga bang lalake ka!" Sigaw ni Thyrone at tinutukan ng baril si Miles.

"Oh well, look who's here sleeping beauty. The prince charming will save you, but it's too late," Sabi ni Miles kay Zy na wala ng malay.

"Akin na si Zy," Sabi ni Thyrone kay Miles at aakmang lalapitan nya ito ng idiin ni Miles ang baril niya sa ulo ni Zy.

"Regalo ko sya kay daddy, kaya wag mong kunin," Sabi ni Miles.

"Wag na wag mong sasaktan si Zy kung ayaw mong mapadali ang pagpatay ko sayo," Sabi ni Nariah sa kanyang sarili habang tinututok ang sniper kay Miles. Nasa kabilang building si Nariah, nagbabantay sa gagawin ni Miles.

"Wag na wag mong sasaktan si Zy at papatayin kita," Sabi ni Thyrone kay Miles.

"Too late..." Sabi ni Miles tsaka ngumisi at pinutok ang baril niya sa ulo ni Zy.

"Zyliene!" Sigaw ni Thyrone at bumagsak si Zy sa sahig tsaka kumalat ang dugo nya.

Isang putok naman ng sniper ang tumama sa tagiliran ni Miles dahilan upang mabitawan niya ang baril niya, at inagaw iyon ni Yoshi. Tiningnan nina Miles at Yoshi kung saan nanggaling ang putok ng baril ng makita nila pareho ang pigura ni Nariah.

"That girl!" Sigaw ni Yoshi.

"Dalhin niyo na si Zy sa Hospital!" Sigaw ni Nariah mula sa kabilang building.

"She have guts, a good girl indeed," Sabi ni Miles sa kanyang sarili at ngumisi. Kaya sinuntok siya ni Yoshi dahilan upang mawalan sya ng malay at mapahiga sya sa sahig.

The sound of sirens of ambulance and police have heard of all in the building. Pagkarating ng mga rescue ay dinala agad si Zy sa hospital habang si Miles naman ay diretso prisinto kahit na gusto sana ng police ay ipagamot si Miles ngunit nanlaban si Yoshia t Thyrone kaya wala ng nagawa pa ang mga pulis kaya sinunod nila ito.

"Kasalanan ko toh eh, sana di ko nalang pinabalikan sa kanya ang contrata," Sabi ni Sir Alfonso habang nasa labas sila ng Operating room at hinihintay si Zy.

"Wala ka pong kasalanan," Pagpapatahan ni Artemis dito.

"Si Zy?" Tanong ng kakarating lang na si Amethyst na nakadress pa ito.

"Nasa loob pa," Sabi ni Artemis sa ate nya.

"Ikaw, di kaba nasaktan?" Tanong ni Amethyst kay Artemis.

"Hindi naman ako nasaktan ate, don't worry," Sabi ni Artemis sa kanya.

"Nariah?" Sabi ni Amethyst ng makita si Nariah na kakarating lang at papunta sa upuan.

"Ayos kalang?" Tanong ni Ame kay Nari.

"Kung sana binaril ko nalang yung lalakeng yun ng maaga," Sabi ni Nari.

"Paano na ang contract natin sa Presidente ng Italya?" Tanong ng assistant ni Sir Alfonso.

"Ako na ang bahala sa schedule nyo sa Presidente ng Italya," Sabi ni Nariah kay Sir Alfonso.

My Bodyguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon