EPILOGUE

392 8 0
                                    

Epilogue

ZYLIENE

Ilang araw na akong kinukulit ni Thyrone at mukhang gumagana naman ang prank namin ni Nariah para sa kanya, hindi sya nawawalan ng pag-asang hindi ko na siya maalala pa kaya na touch ako.

*Flashback*

"Zy! Gising kana, ayos kana ba?" Tanong ni Nari sa akin. Medyo sumasakit din yung ulo ko.

"Si Miles? Sya-,"

"Millison Monteverde kilala bilang Miles Davis ang tagong panganay na anak ng mga Monteverde," Sabi ni Nariah sakin na ikinagulat ko. Si Miles? Monteverde?

"Anong nangyare sakin? Bakit sobrang sakit ng ulo ko?" Tanong ko kay Nariah.

"Binaril ka ni Miles sa ulo buti nalang di ka napuruhan," Sabi niya sa akin.

Hindi ako makapaniwala, si Miles na best friend ko sa Loucast noon, si Miles na sobrang inosente ay binaril ako.

Naikwento naman ni Nariah kung ano talaga ang nangyare nung araw na yun, at ilang araw narin akong nakahiga dito sa kama, di rin daw ako nakadalo sa pageant ni Ame dahil na coma ako ng ilang days.

"A little favour sana Doc." Sabi ni Nariah sa Doctor na nagmomonitor sakin.

"What's that Miss Lemaitre?" Tanong ng Doctor kay Nariah.

"Gusto ko sanang sabihin nyong may Temporary Amnesia si Zy sa lahat, gumawa ka ng fake records," Sabi ni Nariah.

"I can't do that," Sabi ng Doctor.

"Don't worry Doc. walang mangyayare sayo, you have the original record and the fake one," Sabi ni Nariah sa Doctor.

"Anong laro ang gusto mong gawin ha?" Tanong ko kay Nariah.

"Let's all prank them," Sabi ni Nariah at ngumisi.

"Sige, gagawin ko ang gusto mo Miss Lemaitre pero sasabihin nyo sa kanila kung ano ang totoo sa tamang panahon. Nagkakaintindihan ba tayo?" Tanong ng Doctor kay Nari.

"Yes Doc," Sabi ni Nari sa Doctor.

"Narinig mo yun Nurse Verde? Wag nating ipagsabi yun," Sabi ni Doc. At natawa pa sila ng nurse kaya napatawa narin kami ni Nariah.

"Nagtext si Thyrone, nanalo daw tayo sa trial nakulong na silang lahat," Sabi ni Nariah na ikinangiti ko.

"Congrats, so hihintayin muna natin dito ang boyfriend mo para umubra ang plano ni Miss Lemaitre. I hope you're be one of my students Miss Lemaitre, aasahan ko ang iyong presensya sa classroom ko," Sabi ni Doc.

"Wag kang mag-alala doc. Makikita mo ako sa classroom mo," Sabi ni Nariah sa kanya.

*End of Flashback*

"Lalabas kana Ms. Amethyst, advance congratulations sa gadruation nyo. Sayo din Nariah," Sabi ni Doc. samin.

"Thank you Doc." Sabay naming sabi ni Nariah.

#

Nagpipictorial kami ngayon para sa graduation. Natawa naman ako ng ipakita ni Ame sa camera ang sinulat nya sa whiteboard at ang ibang kaklase ko ay hinahawakan ang mga chichirya para sa background, mas lalo pa akong natawa ng makita ko ang nakasulat na motto nya.

"Kapag masarap, syempre pagkain yun kala mo ikaw nuh."

-Amethyst Andrada 2020

"Baliw na talaga yang babaeng yan," Sabi ni Nariah nasa tabi ko.

My Bodyguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon