CHAPTER 21

79 4 0
                                    

Chapter 21:

"Oo alam nilang lahat," Sabi ng isang babaeng kakarating lang.

"Sammantha?"

"Yes Zy, it's me. Nga pala anong napala mo sa mga Lemaitre pagkatapos ng mission mo?" Sabi niya sa akin at binigyan ako ng isang ngisi.

"Wala diba? Ay meron pala, kasinungalingan diba?" Sabi niya sabay tingin kay Thyrone.

Gusto kong paniwalaang walang kinalaman si Thyrone sa nangyayare ngayon, ngunit may parte sa aking nagsasabing nagsinungaling sya sa akin.

"Tama na yan Samantha! Di kita pinalaking ganyan!" Sigaw ni mama sa babaeng nasa unahan namin ngayon.

"Ma?" Tanong ko sa kanya.

"Huminahon ka muna Zy, at pag-uusapan natin toh," Sabi ni mama sa akin.

"Anong relasyon nyo ni mama?" Tanong ko sa Sammantha.

"Ako ang nawawala mong nakakatandang kapatid. I was your ate," Sabi niya sa akin.

"You also lied to me, sabi mo patay na ang ate," Sabi ko kay mama.

"I was not lying, buhay pala ang ate mo at nahanap ko sya." Sabi ni mama sa akin habang lumuluha na.

Mukhang hindi ko na ata kaya pang marining ang mga sinasabi nila. Parang bibigay na yata ako. Parang susuko na ako.

Gusto kong matapos na lahat ngayon, gusto kong sabihin nila lahat ng totoo.

"Tell me Thyrone? Did you lie to me too?" Sabi ko kay Thyrone at kwinelyuhan sya.

"Wala syang alam dito anak," Rinig kong sabi ni mama na nasa likod ko, ngunit di ko iyon pinansin.

"It was for you Zy, kaligtasan mo ang iniisip ko," Halos pabulong na sabi ni Thyrone sa akin.

"Then it was a nonsense reason! Kaligtasan ko? Ikaw ang binabantayan ko, ako ang bodyguard mo. I must be the one to protect you! Hindi mo ako pinakakatiwalaan hindi ba?" Pasigaw na sabi ko sa kanya. Iniyuko nalang ni Thyrone ang ulo nya.

Umiling ako bago nagsalita, "you all lied to me. Did you?" Sabi ko sa kanila, kasabay nun ang pagpatak ng mga luha ko.

"Love, I'm sorry," Sabi ni Thyrone sa aki

"You all lied to me, ginawa nyo akong g*go! At ako naman nagpakatanga. It is funny, right? Imagine, ako ang pinakamalakas sa grupo namin. Tapos hindi ko akalaing nanghina lang ako dahil sa mga kasinungalingan nyo," Sabi ko sa kanila.

"Zy, anak para iyon sa iyo. Inaalis kita sa kapahamakan," Sabi ni mama sa akin.

"Bakit hindi ka nagpakita sa akin, di kaya tumawag man lang? Bakit sinabi ni papa na patay kana? Bakit?"

"We all want to protect you. Kaya nga hinayaan kitang makuha pati ang purple drug, pag mamay-ari iyon ng Monteverde hindi ko naman dapat tanggihan ang kanilang gusto dahil pino protektahan kita," Sabi ni Sammantha. Should I say ate Sammantha?

"Pero bakit? Kaya ko ang sarili ko, kaya ko kayong iligtas, kaya ko kayong protektahan. Bat minamaliit nyo ako?" Sabi ko sa kanila.

"Zyliene, anak. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mananalo ka, tao ka rin. Nagkakamali," Sabi ni mama sa akin at aakmang yayakapin ako ngunit umiwas ako.

"Siguraduhin mong magpapakita na kayo kay papa," Yun nalang ang huling salita na binitawan ko bago tumakbo papunta sa yateng sinasakyan namin kanina ni Thyrone. Narinig ko pang tinawag ako ni Thyrone ngunit di ko yun pinansin.

Sobrang sakit, ang sakit. Gusto ko nang sumuko, hindi ko na kaya.

Takbo lang ako ng takbo. Medyo blurr narin ang paningin ko dahil sa luha ko. Maya-maya ay naaninag ko na ang yateng sinakyan namin kanina.

My Bodyguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon