This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incident are either the product of the author's imagination or used on a fictitious manner. Any resemblance to a actual person, living or dead,or events are purely coincidental.Do not distribute, publish, transmit, modify, Display or recreate this story in any way. Please obtain permission.
Fb acc: Shenna Mae Zabalo Gonzales
Do add me! Hihi
____________________________________
Ayon sa matatanda, may iba't-ibang uri ng engkanto, may mabait, nakakatakot, matulongin, nakakatawa, matalino, matapang at iba pa. Si Louise ay isang simpling dalaga lamang. Lumaking ulila dahil sa maagang nawala Ang kanyang pamilya sa Mundo dahil sa isang aksidente. Kung aksidente nga ba Ang maitatawag rito. Lagi niyang inaalala Ang mga payo ng lola't Lolo niya pati naden ng papa at mama niya patungkol sa Hindi paglisan ng Bansa, kahit labag iyon sa kanyang damdamin.Kakayanin ba ni Louise ang mga hamon sa kanilang buhay ng kanyang kaibigang si Jen? Mananatili bang bukas sila sa mga engkantong pinaniniwalaan nilang nakakatakot at walang mabuting maidudulot sa kanilang mga tao?. Dapat nga bang katakutan Ang mga engkanto kahit na Ang totoo ay Hindi Naman talaga sila kaaway? Anong nilalang itong pilit naghahangad na pagharian Ang kaharian ng mga engkanto pati naden Ang Mundo ng mga Tao.
Subaybayan natin ang kwento ni Louise Dela Cruz, Ang babaing naitakdang maging Reyna sa kaharian ng mga engkanto. Ang puputol ng sumpa ng di kilalang nilalang na pinipilit na maghari sa kaharian ng Esteshia at sa ating Mundo. Magtatagumpay Kaya sila ng itinakdang hari sa pagputol ng sumpang nilikha ng mga mapangahas na di kilalang nilalang?
TRIVIA: ENGKANTO
May iba't ibang uri ng engkanto sa "spiritual dimension". Ang mga nilalang na ito ay may iba't ibang lebel ng kapangyarihan o kakayahan na naaayon sa kanilang edad, kalikasan at tutulungan kung mayroon man. Tulad ng mga engkanto na kadalasang nagpapakita sa mga taong kanilang nagugustuhan lalo't higit sa mga taong may mga extraordinary gift o paranormal ability ngunit di man sila nakikita ng karamihan, sila naman ay nagpaparamdam sa taong kanilang nagugustuhan.
May mga paraan ang kanilang pagpaparamdam, at ito ay nakabatay sa kanilang lebel o category. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
Unang lebel; Sila ang mga engkantong matatagpuan sa mga mapupunong lugar. Kadalasan, sila ay nananahan sa mga punong matatanda, at matatagpuan sa mga ilang at madidilim na lugar. Ang mga engkantong ito ay ang mga duwendeng puti, engkantada at mga punso. Sila ang mga tinaguriang mga friendly spirits o good spirits. Ang kanilang kapangyarihan ang tinaguriang pinakamataas sa lahat. Ang mga ganitong engkanto ang kadalasang hinihingan ng gabay at tulong. Sila rin ay itinuturing na divine at laging maaasahan.
Ikalawang lebel; Ang mga engkanto sa kategoryang ito ay ang mga duwendeng pula at itim, at ang iba pang mga harmful entities. Ang mga duwendeng pula, white ladies at incubus spirits ay may kakayahang pumasok sa katawan ng tao. Ang kanilang karaniwang biktima ay mga bata at dalaga na may mahahabang buhok. Sila ay kadalasang nagdudulot ng pisikal na karamdaman at panghihina. Kapag ganap silang nakapasok sa loob ng katawan ng isang tao, sila ay nagdudulot ng changes of mood tulad ng irritability, loss of sleep, at iba pa. Ang kanilang kapangyarihan ay masasabing works of evil.
Ikatlong lebel; Sila ang mga engkantong katulad ng tikbalang at engkanto sa hangin. Ang mga ito ay kadalasang umaatake sa madaling araw. Ang taong kanilang nagugustuhan ay nagkakaroon ng mga pantal sa iba't ibang bahagi ng katawan. Ito ay yung mapupula at makakapal na pantal tulad ng skin allergy. Sila rin ang dahilan sa pagiging lutang ng kanilang mga biktima.
Ikaapat na lebel; Ang mga engkanto sa kategoryang ito ay mas malakas at bayolente. Sila ang tinaguriang "warriors of the dark". Sila ay binansagang warriors sa dahilang sila ang tagapagtanggol ng kanilang kaharian sa oras ng labanan ng mga espiritu. Ang kanilang hanay ay may kakayahang magsagawa ng mga chants o orasyon na pwedeng paraanin sa kanilang midyum tulad ng isang ordinaryong tao.
Ikalimang lebel; Sa kategoryang ito, ang engkanto ay may dalawang mukha. Ang mukha ay maaaring babae o lalaki, subalit kung minsan ay wala silang mukha. Ang mga ganitong uri ng espiritu ay minsang mabait, pero kadalasan ay hindi. May kakayahan silang manggaya ng mukha o kaya naman ay ng boses ng taong malapit sa biktima. Sila ang mga espiritung mapanlinlang. Kadalasan, nagaalok sila ng mga kayamanan ngunit ito ay may malaking kapalit. Ito ay ang iyong buhay.
Sadyang tunay na mahiwaga ang mundo ng mga espiritu kung ating iisipin. Kaya nga mahalaga rin na ating malaman ang mga bagay na ito upang tayo ay lubusang makapag-ingat sakaling dumating ang pagkakataong sila ay makisalamuha sa ating pisikal na katotohanan. Mas nakabubuti ang maging palaging handa at maging maingat sa lahat ng ating mga galaw at binibitawang salita, kilos, at pakikisalamuha sa ating kapwa, lalo na sa mga nilalang na hindi natin nakikita.
(© For the real owner)Sinong gustong makakita ng engkanto? Hahahaha ako Lang to. Balita ko maganda daw Doon.
Warning!
Not edited. (bundok ng mantalingajan not pangalingaan, Sabi ko nga dapat nagresearch muna ako HAHAHA. Anyways, aayusin ko nalang sya pagkatapos kong mag answer ng modules;) enjoy!)

BINABASA MO ANG
Human Queen Of Esteshia
FantasyHilig ni Louise ang pagta- travel. Mapa syudad oh bundok basta't Hindi sya lalabas sa bansa dahil sa Pangako nya sa kanyang mga yumaong magulang. Nag-iisa nalang sya sa buhay , walang kamag-anak dahil naden sa isang aksidente na kinasangkutan ng mg...