Kabanata 5

0 1 0
                                    

"oh, hi! Jen. Mind if I get your number?" Liam asked.

Tsk. tsk. Ganyang galawan. Babaero Yan.

"Ah Wala akong phone eh. Pasensya na" sabat ni Jen.

Mukhang malandi Lang yang prend ko pero di Yan tanga. Go Jen!

"Boo.." cheer ng mga tropa nya.

"Ang pangit mo Kasi Liam HAHAHA. " Sabat ni Travis.

"How about , a picture nalang? Remembrance ganon" pagpupumilit nito.

"Sige"

Agad Naman silang pumwesto at nasikuhaan ng litrato.

Naglakad lakad nalang ako habang nagpipicture sa sarili. Mamaya nalang kami magpipicture ni Jen pag tapos na sila. Mukhang di naden kami makakapag volleyball tutal busy sila.

"Hi." Salita ng Tao sa aking likuran. Binalingan ko Naman Ito.

"Ah. Hi!?"

"I'm luis jylim, may I help you?" Hinge ng permiso nito. Pansin nya atang nahihirapan akong kunan ng picture Ang sarili.

"Ah. Sige" pagkatapos ay iniabot Ang aking cellphone sa kanya at pumwesto na sa tabing dagat para makunan nya na ako ng litrato.

"123...smile. okay ibang post naman. Yeah, don Banda. 123 smile!. " Madami itong nakuha sa akin at nang tignan ko Ang mga iyon ay puro magaganda.

"Wow! Ang ganda!" Mangha Kong sagot. Para akong model dito, may naka Tayo, higa sa buhangin. Tapos meron pang napaka peaceful Yung mukha ko akala mo walang problema. Nakunan nya den pala Yung pagtawa ko kanina nung muntik nakong maabot ng Alon. Ang galing Naman.

"Napaka- photogenic mo den Kasi, btw I'm a professional photographer from America. "

"Talaga? Kaya Naman pala. Salamat dito ha!?. Ang ganda talaga. Cellphone Lang nga gamit mo eh." Papuri ko pa.

"Mind if we take a picture of two of us? " Pahinge nya ng permiso.
Masyado akong natuwa sa mga kuha nya Kaya pagbibigyan ko iyong hinihingi nya, tutal picture Lang Naman iyon.

Yes! May ipang ma- my day nako sa Facebook!.  Papalitan ko naden Yung dp ko nitong naka-ngiti Kong picture habang umiiwas sa Alon.

"Hey! Liam. Paki kunan kami ng pictures" tawag pansin nya sa kanyang kakambal.

"Bilis ah, sanaol." Sagot nito. Agad namang tumabi sa akin si luis pagkatapos iabot Kay Liam Ang aking cellphone.

"Okay smile! Isa pa, smile! Don Naman kayo Banda, smile!" Tudo Naman kami ngiti nang biglang hinawakan ni luis Ang aking bewang at hinila ako palapit sa kanya nang muntik nanaman akong ma abot ng Alon. Mamaya pa Kasi ako magsiswimming baka ginawin ako.

"Salamat"
"Your welcome"

"Ang fast naman. Oh Ito , Alis nako" paalam nito.

"Salamat Liam" he just wave his hands at me.

"Pwedi na, teka share it ko muna ito. Okay Lang?"

"Take your time" sagot ko at nang matapos sya ay agad Naman syang nagpaalam at nagpasalamat. Hininge nya pa Ang aking number kase daw may potential ako bilang isang Modelo. Pupwedi daw ako, binigay ko nalang den Kasi nga subrang tuwa ko Doon sa mga pictures na kinuha nya.

Pero tatanggi ako Kung aalukin nya akong maging Modelo. I need to focus muna sa pinapahanap sakin ni Lola.
That's all.

"Hoy babaita, grabe ha. Ang sweet."
Sabat ni Jen nang maka-lapit na ako sa aming cottage.

Pina ikutan ko Lang Ito ng Mata.

"Ang ganda ng mga kuha nya sakin oh, professional photographer pala si kuya"

"Sus. Bet ka kase nun Kaya ginalingan."

"Tigilan mo nga ako jenniouse"

"Hay naku! Tara na nga picture na Tayo! Huy! Vince picturan mo kami Dali!"

"Makapag-utos ha, akala mo pinapalamon moko."

"Edi wow ka Vince, bilis na Kasi mamaya madilim na. Magsiswimming pa Tayo oh."

"Sige na nga."

Nagsikuha Lang kami ng pictures hanggang mag alas- singko ng hapon.
Merong kami Lang dalawa ni Jen, meron ding silang dalawa at meron ding tatlo kami. Nilagyan Lang namin ng timer bago mag post. So far, magaganda naman Ang kuha namin.

"Huy Kain muna Tayo, merong putos patani si ate linda'ng niluto. Masarap Yun" anyaya ni Vince.

"Lahat Naman masarap sayo" pagbabara ko.

Nagtawanan Lang kami ni Jen. Sa huli napagpasyahan naming mag meryenda muna bago magswimming.

"Hmm...Ang sarap Naman Neto. Anong tawag sa pagkain nato Louise?" Tanong nilang dalawa sakin.

"Kalamay- hati Yan. Giniling na malagkit na bigas na may asukal at gata."

"Hmm. Ang sarap talaga"

Marami pa kaming kinain, oo kinain. Di na ata Ito matatawag na meryenda kase halos lahat nang nasa lamesa ay kinain namin.

May kalamay- hati, putos patani, biko, balensyana, palitaw, turon na may langka sa loob, pinya, watermelon, mangga, at iba pa. Sa inumin Naman, Jsm blue syaka tubig ang nakahain sa aming lamesa. Ang sarap talaga ng gantong buhay. Hay... Napaka- payapa.

"So kilan nyo balak pumuntang south?" Tanong ni Vince.

" Sa makalawa, ipapasyal ko muna si Jen sa bayan."

"Ako di nyo isasama?"

"As if naman sasama ka" sagot ni Jen.

"Sabagay" Vince

"Basta Ang usapan, sunduin mo kami sa ikalimang araw namin don. Pagkatapos Kong di ko makikita ang hinahap ko mangingibang Bansa nalang ako."

"Pano Kung di kayo makabalik agad sa loob ng limang araw? Mga babae kayo, mabagal maglakad" pagmamaliit ni Vince. Sabagay Tama nga naman siya.

"Ay wow ha. Basta Kung di kami makabalik sa loob ng limang araw o isang linggo, wag muna kami hanapin. Baka nakita na namin non Yung hinahanap ko. Sayang Lang sa gas. Uuwi den Naman kami pagkatapos Kong alamin Kung bakit ba pinapahanap Yun sakin nina lola't Lolo." Baliwala Kong sagot.

"Seriously?" Tanong ni Jen

"Wag mong sabihing magba back out ka?" Tanong ko.

"Hindi noh, pero what's with the Hindi muna kami hanapin? Pano Kung nilapa na pala tayu ng mga hayop don o nilamon ng malaking anaconda."

"Grabe Jen, may anaconda ba don? At syaka Kung lalapain man Tayo ng mga hayop don, anong used Naman ng paghahanap ni Vince eh baka gutay-gutay na Ang mga lamang loob natin non at putol na Ang hininga. " Tamad Kong sagot.

"Ewan ko sayo Louise, bahala na nga" sagot ni Jen.

"Sabagay, ayuko ding magka gutay-gutay Ang katawan ko Kaya di ko nalang kayo hahanapin. Hihintayin ko nalang kayo sa baba ng bundok Kung tatawagan nyo na ako."

"Napaka-  talawan mo Naman Vince, kilalaking Tao eh" puna ni Jen.

"Magpapakasal pa kami ni baby"

"Ayan nanaman yang dugyot na endearment nila" sabay naming puna ni jen.

Human Queen Of Esteshia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon