kabanata 1

0 1 0
                                    

"okay." sagot ko bago patayin ang tawag.

Narito ako sa aking bahay sa Laguna, Hindi iyon kalakihan sapagkat ako lang naman mag-isa ang titira. Namana kopa Ito sa aking lolo't lola sa mother side. Para bang pinasadya itong bahay para sakin, saktong- sakto Ito at napaka-payapa.

"Hayy..." Mahabang buntong hininga ko.

"Kilangan mo na ata ng pahinga, kahapon kapang ganyan." Mababang salita ni Jen. Ang nag-iisa Kong kaibigan.

Oo nag-iisa. wala masyadong nakikipagkaibigan sa akin dahil masyado daw akong tahimik,cold at snab. Well Hindi ko sila masisisi Kung di nila ako lubosang kilala at Kung ganon Ang first impression nila sakin. Ganon naman kasi talaga ako.......pag Wala sa mood makipag- usap.

"Nakatulog naman ako ng maayos kagabi, siguro naninibago lang ang katawan ko"

Mahina itong natawa. " Nanibago? HAHAHA. Naghahanap nanaman ba ng adventure? Nako! Nako!. eh halos nalibot muna ang buong pilipinas Louise! my gosh" hestirikal nitong sambit.

Hilig ko talaga Ang pagtatravel, gusto ko nga Sana sa ibang bansa. Pabor naman ang family ko dito, Lalo na si Lola sa father side ang kaso itong si  Lola masyadong weird, pinagbawalan akong lumabas ng bansa kahit anong mangyari kesyo mapuputol daw!? May kilangan daw muna akong hanapin sa bansa at Kung makikita ko daw, mas maganda pa.

Alin naman Kaya Ang mapuputol? at ano Naman Ang hahanapin ko na mas maganda pa sa ibang bansa? Ang weird nya talaga, maypagka something den itong si Lolo kesyo sundin ko nalang daw Kasi para Naman yon sa ikakabuti ng lahat. Basta lagi ko Lang daw buksan Ang aking isipan sa mga bagay-bagay na biglang dadating.

Weird.

Buti nalang kunti Lang Ang Namana ni papa sa kanila. Yung pagiging palangiti kahit walang nginingitian.

Ewan bat sya pinatulan ni mama.
I hate to say this, pero......i..think may pagka- saltik sila? Di ko sure. Bahala na. Ang importante Hindi ako sinto-sinto.

" Dito umiikot Mundo ko eh" kibit balikat Kong sagot.

"Huy babaita, ipapa-alala ko Lang sayo ha. Saang lupalop nanaman ng pilipinas ka kakampo aber? At ano? Naniniwala ka talaga sa Sabi ng lola't lolo mo? Ganon?.  Halos lahat nalibot Mona, southern Palawan nalang ata Ang Wala pa. Ano ba Kasi yang pinapahanap sayo ng Lola mo?"

Sermon nanaman.

" Aba'y Malay ko sa kanya, Hindi Naman nagsabi e"

" Edi daig pa natin Ang bulag na nangangapa ng sa dilim nyan?"

Binalingan ko Ito.

"Ako....Hindi ka kasali"

Napabuntong hininga Naman Ito.

"Ang laban mo Louise, laban ko den. Hay.. Kung Hindi Lang ako tinulungan  ni Lola Linda at Lolo ping na magluto ng adobong manok nung naglilihi si mama aba't di ko talaga sila papansinin. Ang weird nila!" Simangot nitong salita.

"Hindi ka Naman nag-iisa." Bagot kong sagot.

" Buti Hindi ka tulad sa kanila Louise"

"Pang ilang ulit mo na ba yang nasabi?"

"HAHAHA. Magpahinga kana Gaga, uuwi Tayo sa Isabela."

"Negros? Anong gagawin natin don?"

"Bisitahin natin yung tubuhan ni papa pagkatapos sasamahan kitang maghanap ng wala"

Palipat-lipat kami ng tirahan ni Jen. I mean mayaman Naman ako , sapat na hanggang sa mawala ako sa Mundo Kaya Hindi na akong nag- abala pang magtrabaho. Travel nalang sa bansa , habang naghahanap ng pinapahanap ni Lola.

Nakakapagod maghanap ng wla.

Ganto routine namin kada buwan. Lipat ng bahay ng limang beses. Ngayon Lang talaga umabot ng 3 buwan sa iisang bahay Kaya siguro bagot na bagot nako.

Manila, Quezon, Cebu, Negros (north), batanes, Bulacan, Laguna, Davao, Palawan (north)  at marami pa. Masyadong marami nakong bahay pero ako Lang Naman mag-isa Ang titira , di Naman habang buhay nasa tabi ko si Jen.

"O sige. Kamusta na daw sila Tito? "

"Ok lang, kinukulit paden sya ni ambi ng Isa pang baby brother. Akala mo naman sya iire , di na naawa Kay mama." pagtataray nito.

"Pabayaan Mona. Pagkatapos natin sa Isabela direstso muna Tayo sa bahay ko sa San Vicente. Buti nalang talaga masinop sila mama na magpagawa ng bahay Kung saan- saan. "

"Sige. Wala paden Naman ako nakapunta Doon. Lilibutin natin Ang Palawan? So sa south Tayo kase Wala mo Naman nakita don nakaraang taon Ang pinapahanap sayong Wala. "

"Ganon na nga, bukod sa feeling ko buhay na buhay ako sa probinsyang iyon. Siguro andon Ang pinapahanap sakin, gusto ko nang mangibang bansa." Sagot ko. "Hay. Ang kilangan ko Lang, bukas na pag-iisip sa ano mang bagay. Anong bagay Naman Kaya iyon?"

Natahimik nalang kami pareho hanggang sa napagpasyahang magligpit ng gamit para sa byahe.

"Good day Tito tita!" Bati ko.

" Good day den hija" sabay nilang bati.

"Ma, namiss Kona Yung tubo juice! Punta muna kami ni Louise sa bukid ha."

"O sya sige. Mag-ingat kayo at wag magpapa- Gabi. Bantayan mo iyang si Louise baka hugutin ng Kung ano." Sagot ni Tito.

"Hugutin ng alin to?" Taka Kong tanong.

Nagkatinginan lng kami ni Jen at di mapagkakaila Ang tila naiinis nang reaksyon ni tita Kay Tito dahil sa patagong paghampas dito.

"Hugutin ng lamawan hija. Hahaha. Baka madulas kayo madami pa namang putik ngayon dahil sa ulan" alinlangan nitong sagot.

"Ahh." Sagot namin ni Jen. "Sige po Alis na kami."

"Edi wow lamawan" natatawang Sabi ni Jen.

Malayo na kami pero dinig ko paden Ang pasimpling pagsaway ni tita Kay Tito na labis Kong di maintindihan.

" Hindi pa Ito Ang tamang oras pero Ito na Ang tamang panahon. Hayaan mo siya Ang makatuklas Juan dahil iyon ang nakasulat, iyon Ang bilin ng kanyang lola't lolo. Ang magagawa Lang natin sa ngayun ay gabayan sya habang andito pa sya sa ating Mundo".

"Nangako ako sa Lola nya, at....Isa Ang anak nating si Jen sa kasama nyang maglalaho. Sana....sana Tama itong naging disisyon ko. Ayukong mas marami pa Ang mawala kaya handa Kong isakripisyo Ang aking pagmamahal sa ating anak maligtas Lang Ang Mundo. Sana gawin den ni Louise ang kanyang parte, nang sagayon....Hindi ko pagsisihan Ang desisyong Ito"

Human Queen Of Esteshia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon