Nasa bukid na kami, katatapos Lang naming uminom nung juice. Kaya napagpasyahan namin ni Jen na maglibot-libot sa bukid nila.
May Kaya sila Jen, sadyang napaka simple Lang talaga ng mga magulang nyang mamuhay Kaya Hindi aakalain na may lawak silang tubuhan at kabukidan.
"Ito ata Ang boundary." Turo nya sa kapunuhan. Malayo na kami sa tubuhan pero may mga manggagawa paden namang nagagawi dito para magtabas ng mga maliliit na punong kahoy.
"Balita ko sa bunso namin, balak nila papa na i- extend Ang tubuhan hanggang dito. Not bad Naman since sayang Kung matagal na nakatiwangwang Ang lupa." Paliwanag nya.
"Sabagay."
Deritso Lang Ang lakad namin patungo sa dulo ng bukirin na Ito, Kung saan makikita ang entrada ng tubuhan.
"Narinig mo Yun?" Tanong nya
" Ang alin?" Habang palinga-linga ako sa paligid.
May mga maliliit na tawanan akong napansin sa bandang magubat na.
Nagkatinginan kami ni jen dahil we find it creepy. Akmang magsasalita na Sana uli ako nang..
"Mga hija anong ginagawa nyo rito?" Sambit ng tao sa likod namin na Amin namang hinarap.
"Ano kaba Lola berta! Ginulat mo kami" natatawang sagot ni Jen
Mariin akong tinitigan ng matanda na nagdulot ng matinding kaba sakin.
"Wag Kang basta- bastang magtiwala. Mapanlinlang Ang karamihan sa kanila. Sa kanya kalang magtiwala, ingatan mo si Jen , hija. Mag-iingat kayo." Makahuluguhang sagot nito.
Napahawak Naman ako sa kamay ni Jen dahil sa sinabi ng matanda.
Tumalikod na Ito at nagsimulang maglakad pero agad namang huminto at nagsalita uli
"Naniniwala ba kayo sa engkanto?"
Gulat man, sinikap paden naming magsalita.
"Po?"
Humarap nanaman uli Ito.
"Matangkad, asul Ang mata, mahabang buhok, mahahabang tainga, maputlang balat at maskuladong katawan. Siya iyon, sa kanya Lang kayo magtiwala.
May matandang susundo, kahawig ko siya maliban sa kanyang mahahabang tainga, maputing buhok at mas matangos na ilong. Sa kanya Lang kayo sasama dahil ihahatid niya kayo sa kanya." Salita nya habang nakatitig samin.
" Iligtas mo Ang kaharian, ikaw Lang Ang huling alas niya para Hindi maisakamay ng mga kalaban Ang kaharian. Kung magtatagpo man kayo, hinihiling Kong pumayag ka Kung aalukin ka ng kasal. Malapit na. Mag-ingat ka." At tuluyang lumisan.
Pansin na pansin Ang panginginig ko dahil sa sinabi nya. Pakiramdam ko ay kuniktado iyon sa pinapahanap ng aking Lola.
"di lang pala pamilya ng papa mo Louise ang weird, Tara na nga"
"Sino Yun?"
"Si Lola berta, Sabi ng mga tao dito sya daw Ang kauna unahang nakatira sa lugar. Matanda na sya, kahanga hanga nga kahit 129 years old na sya ay nakakapaglakad paden at subra pang lakas. Ang kaso, napaka weird den nga. Balita ko kina mama, Albularyo daw iyon. Matandang dalaga, may nagkagusto daw sa kanyang itim na dwede. Ipinagbabawal iyon , Hindi nya tinanggap Ang alok na kasal Kaya sinumpa siyang tatandang dalaga" mahaba niyang litanya.
"Totoo?"
"Ewan, Yun ang Sabi nila" kibit balikat nyang sagot habang naglalakad kami pauwi sa kanilang tahanan.
" Alam mo ba, iyong si Lola berta daw ay may mga kaibigang engkanto. Naniniwala kaba sa kanila? Ang kwento sakin ni Lola noon nakakatakot daw Ang mukha nila. Mapanakit at mapanlinlang. Hindi ko Alam Kung totoo ba sila pero Ang Sabi ni Lola, may nakita daw siya noon sa gawing kagubatan Doon sa lugar na nakita natin si Lola berta. I wonder Kung iyon Ang narinig natin kanina" patuloy niya.
"Baka naman natural na ingay Lang iyon, Yun den Ang nababasa ko sa mga socmed. Aalukin ka daw ng pagkain kapag naisama kana sa kaharian nila tapos kapag kinain mo Hindi kana makaka- alis sa lugar nila. Ano kayang mga itsura nila!? Ang Sabi pangit daw, iba iba ang uri nila na naaayon sa kategorya. Yun ang nakalap ko noon since mahilig Naman ako sa mga ganong twist sa isang kwento. Baka nga Ganon sila."
"Hay naku! Bahala na nga iyang si Lola berta. Baka dala iyon ng katandaan Kaya Kung ano-ano Ang nasasabi. Tara na nga , kumain na Tayo" panyaya nya.
"Taray ah may pa tinidor tinidor kapang nalalaman eh bagoong Lang Naman Ang ulam mo" puna ni Ambi sa ate nyang si Jen.
Taray nga HAHAHAHHAHA.
"Edi wow" tanging sagot nya.
Ngayon nanaman uli kami nakapag- ulam nito dahil wala kaming nahanap na gantong bagoong sa Laguna nakaraan.
"Ang sarap talaga!" Kalahating sigaw ni Jen
"Umayos ka nga ate" suway ni Deon. Ang nagiisa nilang lalaking kapatid.
" I love you too bunso, Ang sarap Naman nito! Sinong may gawa?" Sasang-ayon ako ngayun Kay Jen.
"Oo nga, tamang tama Ang alat at tamis. Meron pang taba at laman ng baboy." Dugtong ko
"Binili Lang iyan ni mama sa may bayan."
Napatango Naman kami at kumain ulit.
Nakakapagod. Matutulog na kami ni Jen sa kanyang kwarto, up and down itong bahay nila. Gawa sa puno ng ipil at narra. Kapansin pansin Ang mala antic na disenyo sa tirahanan.
Nasa itaas Ang kwarto ni Jen bandang dulo, at napaka ganda ng tanawin mula dito dahil kitang Kita Ang malawak nilang bukirin dahil naden sa liwanag ng buwan.
"Half moon palang pero subrang liwanag ng buwan, I bet mas maliwanag Ang whole moon ngayun kumpara nakaraang buwan"
I agree.
"So kilan Tayo babyahing Palawan?" Dugtong nya
"Bukas? Mas maganda mas mabilis Sana. Last naman den iyong lugar na iyon at kapag Hindi ko pa Doon mahanap ay mangingibang Bansa talaga ako. Sawa nakong manood ng YouTube para Lang Makita ko Ang view sa iba't-ibang Bansa"
"Anong first country na nasa list mo?"
"Canada malamang sunod Switzerland."
Nagkibit balikat nalang Ito.
"Helicopter nalang tayo para mabilis."
"Sige"
BINABASA MO ANG
Human Queen Of Esteshia
FantasiHilig ni Louise ang pagta- travel. Mapa syudad oh bundok basta't Hindi sya lalabas sa bansa dahil sa Pangako nya sa kanyang mga yumaong magulang. Nag-iisa nalang sya sa buhay , walang kamag-anak dahil naden sa isang aksidente na kinasangkutan ng mg...