Napaka-tahimik ng paligid, Maganda at payapa. Pero Alam ko na Alam di ni Jen na Wala na kami sa bundok ng panalingaan.
Hindi ganito ang lugar na iyon, batid Kong Alam din iyon ni Jen dahil pareho kaming dumungaw kanina sa bintana ng helicopter.
Matitingkad na kulay berde Ang mga damo't mga dahon. kulay brown den Ang mga kahoy pero malala Ang pagkaka- brown neto.
Madilim Ang paligid, banta ko ay bago pa Lang magbubukang liwayway sa lugar. Hindi....Wala na nga kami sa bundok O mas magandang sabihin. Wala nakami sa Mundo ng mga Tao. Hindi ganito ang kalikasan sa Mundo namin, mas maganda Ang nandito. Tutal kanina lamang ay magtatanghali na at dito ay bago palamang mag uumaga.
"Kumapit ka sa akin Jen." Paalala ko sa kanya.
Takot man ako ngayun ay mas Alam Kong takot na takot si Jen dahil sa medjo may kadiliman Ang paligid.
"Buksan mo yung flashlight." Utos ko at sinimulan nang maglakad.
"Teka, San Tayo pupunta? Uwi na Tayo Louise. May sinabi ba si Lola mo Kung ano Ang gagawin pabalik?"
Napahinto Naman ako sa kanyang tanong.
"Wa...wla. alamin nalang natin Kung anong meron sa lugar. I'm sure maganda rito, at may dahilan si Lola Kung bakit nya ako pinapunta dito." Sagot ko.
"Sige, Kung saan ka ay Doon din ako".
Sinimulang na naming maglakad sa paligid.Naalerto Naman kami ni Jen ng makarinig ng mga mahihinang tawa at sipol sa paligid.
"Louise..ba.baka may mga manyakis dito." Kinakabahan nyang salita.
"Tatakbo naba Tayo?" Tanong ko.
"Saan Naman Tayo pupunta? Meron Naman tayong kutsilyo diba? Teka, hawak Kona Ang akin. Yung sayo ba? Bilis! Baka may mga maligno rito" utos nya saakin.
Agad ko namang kinapa Ang aking bulsa Kung saan nakalagay Ang aking kutsilyo pero Wala na Ito roon. Kinabahan Naman ako NG may maliit na tinig na nagsalita sa aming likuran.
"Ito ba ang hinahap mo ganda?"
Binalingan namin Ito at nang Makita na namin Ang nagsalita ay halos mamutla kami sa takot."O...oo..i-ibalik..mo iyan. Hindi sayo..Yan" kinakabahan Kong sagot habang pinapakiramdaman si Jen na subra nang nanginginig sa takot.
"Hehehehehe" tawanang ng kasamahan nya sa paligid, Lalo Naman akong natakot.
"Ano Naman Ang gagawin mo sa bagay na Ito , Tao?" May mumunting ngiti na naka-ukit sa labi ng duwending kausap ko.
Lalo namang nagtawanan Ang mga duwende sa likod niya, kulay dilaw Ang mga iyon.
"Sabihin mo muna Kung ano sadya mo sa lugar namin at Kung papaano ka nakapasok?" Hamon nito na sinang-ayunan ng mga kapwa nya.
"Sabihin mo!"
"Wala nang Tao Ang nakaka-punta rito ulit!"Bago pa ako makapag-salita ay kamdam Kona Ang pagbigat ng aking kaliwang braso Kung saan nakakapit si Jen,
'Hala! Nahimatay sya!' kinakabahan Kong Sabi sa sarili.
Nalala ko Naman Ang sinabi saakin ni Lola, kapag daw may magtatanong Ang sasabihin ko Lang ay."Kilangan kong makausap si Eleon." Sagot ko.
Bakas Naman Ang pagka-gulat sa mukha ng mga duwende.
"Paano mo siya nakilala? Padala kaba ng mga kalaban? Kakampi kaba ni Crieoni? Mga kasamahan! Maghanda!" Naging alerto Ang mga duwende sa paligid at agad kaming pinalibutan. Halos maihi na ako sa takot, Hindi ko Naman kase aakalain na totoo Ang mga nilalang na Ito. At syaka iyong pangalang crieoni, Parang narinig Kona iyon noon.
Handa na Sana akong tanggapin ang mga Bala ng kanilang palaso ng biglang may nagsalita sa aming likuran.
"Itigil nyo na iyan" malumanay nitong utos.
"Magbigay galang kayo sa bisita, Hindi dapat ganyan Ang ugaling ipinapakita ng mga dilaw na duwende sa kanilang mga bisita. Mas masahol pa kayo sa mga itim!" Pagalit nitong dugtong nang mapansing Hindi kumikilos Ang mga duwende."Pero Lola beth! Kampon sya ni crieoni! Baka Kung anong gawin nila sa ating kaharian!" Nababahala nitong tugon.
Nilingon ko Naman Ang nagsalita sa likod. Lumiwanag Ang aking mukha ng mapagtantong parang kilala ko Ito.
"Lo..Lola berta! Tulong po." Panghihingi ko ng tulong.
Nginitian nya Naman ako ng makahulugan.
"Mukhang naagkita na kayo ng aking kakambal ah." Masaya nitong sagot.
Napagtanto Kong Hindi pala sya si Lola berta, kundi sya iyong kakambal na tinutukoy ni Lola berta.
"Lola Ang Sabi po ni Lola berta sumama daw po ako sayo Kasi ihahatid nyo ako sa kanya. Yun din Ang utos sakin ni Lola." Nginitian nya Naman ako
"Alam ko. Ang Lola mo Linda Ang nag- utos nito."
"Kilala nyo po si Lola?"
"Oo. Sumunod kayo sa akin" pang-aaya nya
"Teka saan po Tayo pupunta? Nahimatay po Ang kaibigan ko."
"Dadalhin siya ng mahika ko, wag Kang mag alala. Nga pala, sa kaharian ng mga engkanto Ang sadya natin." May mga ngiti sa labi.
"Engkanto?" Gulat Kong sigaw.
"Totoo po ba Ang engkanto? Hala! Ayuko po! Uuwi na kami! Saan ba Ang daan pauwi." Dugtong ko."Hija kilangan ka ng kaharian, ipapaliwanag ko sayo mamayang Gabi sa pamamagitan ng panaginip. Sa ngayun magtanong ka nalang muna." Suhestyon niya.
"Pa.. pangit po ba roon? Papakainin nyo den Poba kami ng pagkain nyo? Yung itim na kanin para di na kami makabalik sa Mundo namin?" Kinakabahan Kong tanong.
Natawa naman Ito sa tanong ko.
"Kayong mga Tao talaga mahilig manghusga kahit Ang totoo ay Wala Naman talagang nalalaman tungkol sa Amin." Natatawa nyang sagot. Nakaramdam Naman ako ng guilt."So... sorry po. Iyon po kasi Ang kwento." Paghingi ko ng paumanhin.
"Okay Lang. Pero totoong inaalok namin Ang mga taong nagagawi sa aming kaharian, pero Hindi katulad ng nasa kwento. Makakabalik paden Ang Tao kahit gustuhin nya." Paliwanag nya habang naglalakad kami, unti unti nading lumiliwanag at nakikita kona den Kung gaano kaganda Ang paligid.
"May signal po ba rito? Uhm..Sabi po nila pa... pangit daw po Ang mga engkanto, bakit po Ang ganda nyo? Diwata Poba kayo?" Tanong ko pa
"Engkanto ako. Hindi totoong pangit Ang mga engkanto, gawa-gawa lang iyon ng mga Tao"
Natahimik naman ako dahil sa kanyang naging sagot.
Ibig sabihin ba..... Meron ding gwapo dito?

BINABASA MO ANG
Human Queen Of Esteshia
FantasyHilig ni Louise ang pagta- travel. Mapa syudad oh bundok basta't Hindi sya lalabas sa bansa dahil sa Pangako nya sa kanyang mga yumaong magulang. Nag-iisa nalang sya sa buhay , walang kamag-anak dahil naden sa isang aksidente na kinasangkutan ng mg...