"Hello Vince? Pake sundo kami rito sa Isabela..oo...dito sa bahay nila Jen..mga mamayang 8am para maaga pa tayong makarating. Hmm.....yeah. sa bundok panalingaan. Sige" sabay putol sa tawag.Nagpasundo kami Kay Vince, balak na Kasi namin ngayong pumunta sa San Vicente para makapagpahinga ng isang araw bago tumungo sa bundok na iyon.
Bilin din Kasi ni Lola na sa mga bundok ko daw iyon mahahanap at Hindi sa syudad...sa kagubatan na madilim at tahimik.. Napaka labo daw na sa syudad ko iyon mahahanap.
Ewan ba Kay lola.
Siguro magpapahinga kami na may unting saya. Maliligo kami ni Jen sa sikat na long Beach ng bayan na iyon. Pagkatapos magpapahinga tapos pupunta na sa pinaka- mataas na bundok ng probinsya. Balita ko marami daw punong kahoy Doon at may mga rebelding nag kukuta. Sana Naman Hindi nila kami saktan Kung may mai- encounter man kami. Baka Kasi pagkamalan kaming espiya.
"Ano daw Sabi?"
" Wala naman masyado, tinanung nya Lang Kung saan Tayo pupunta pag andon na Tayo"
"Sya piloto natin papuntang bundok?"
"Oo. Sya Lang Ang bakante. Karamihan sa kanila andaming ginagawa"
"O sige, maiwan muna kita dito. Kukunin ko muna Yung gatas ng baka Kay tay arning, pabaon satin ni papa." Paalam nya.
Andito ako sa bungad, inaantay Ang pagdating ng aking helicopter para dalhin kami ni Jen sa palawan.
Sana makita ko na roon ang hinahap ko.
"Aalis naba kayo hija?" Tanong ng taong balot na balot ng makapal na kasuotan.
Ang init init kaya sa pinas, summer ngayun.
"Sino po sila?"
Tinanggal niya Ang kanyang balabal at taas noo akong nginitian.
"Napaka- ganda mo Naman."
"Ah...sa.. salamat ho."alinlangan Kong sagot
" No wonder he'll fall for you in just a sight. Sabagay, iyon naman Ang nakasulat"
"Si..Sino po?" May magkakagusto sakin? Eh Wala nang nagtangkang ligawan ako noon kase they find me scary. Taray ha , englishera pala si Lola.
"Crieoni.....iyon ang pangalan ng leader ng hukbong nais patumbahin siya. Hindi sya tao o engkanto man. Bagong diskobre Ang lahi nila,nadiskobre iyon ng mga engkanto noong isang libong daang siglong taon na Ang nakakaraan.
At di pa iyon Alam ng mga Tao sa kasalukuyan dahil sa mas nakaka angat Ang teknolohiya ng mga engkanto kesa sa atin.Mag-iingat ka."
Sumasakit nang ulo ko sa mga pinangsasabi ng matandang Ito. Kaya bahagya Kong hinilot iyon habang ipinikit Ang mga Mata.
Pansin Kong napapalibutan nga ako ng mga wirdong tao. Mapa pamilya ko man o Hindi. At engkanto? Sinong naniniwala roon eh 2022 na ngayon. Kung mga multo nga ay di ako matakot takot ano nalang Kaya sa engkanto? Mag-iingat che.
Bukod sa nakakatakot sila at may mga kapangyarihan, di kagandahan ano pabang magandang term para maidefine sila?
Crieoni.. pakialaman ko Kung sakupin nya man pati kabilang planeta. Edi wow.
"Okay Lang po Yan la, naiintindihan ko po Ang pinagdadaanan nyo. Cheer up!" Masinsin Kong Sabi sa kanya.
Napa iling iling Naman Ito.
"Hindi mo pa labis na naiintindihan hija, masaya akong nakilala Kita bago ka koronahan. Sa muli nating pagkikita, Mahal na Reyna" bago humakbang papalayo sa akin.
Sino bang tinutukoy nya, feeling ko iisa Lang Ang tinutukoy nila nung Lola kahapon. Bahala na nga.
"Okay ka Lang?" Kakarating Lang ni Jen dala Ang gatas.
"Oo. Ang dami Naman ata niyan. Baka Wala nang ipapadede Yung baka nyo sa mga tinday nila."
" Ano kaba, pwedi Naman sila Miki dede sa ibang nanay. At syaka apat na baka Lang Kaya Ang pinagkunan nito. Hindi Naman nahibasan iyon ng gatas." Pano ba Naman Kasi , halos 3litrong gatas iyong bitbit niya.
"Hindi ba Yan mapapanis agad?"
"Sinong may sabing mapapanis Ito eh baka nga mamayang Gabi ubos na Ito eh" sabay tingin sakin ng makahulugan. Sabagay HAHAHAHAH.
"Che, wag mokong simulan jenniouse Vergara. Masarap Lang Ang lasa nyan pero Hindi ko paburito"
"Ah Kaya pala, hinahap hanap mo itong fresh na gatas tuwing umaga. Ang malala , Yung subrang lamig pa talaga Yung nais mo eh ke aga - aga"
"Edi wow." Sabay rolled eyes. " May mini portable refrigerator kaba? Mas masarap kase Yung malamig eh."
" Kita mo na Yan, ayaw pang umamin. Oh, malamig iyan. Kumain pa ako NG mangga kanina bago pumunta dito. Iniwan koyan sa ref Kasi sure akong mas ganado Kang uminom Kong malamig."
"Salamat HAHAHA. " Natatawa Kong sagot habang iniignora Ang matang nakatingin sakin, pakiramdam Kong maraming nagmamasid sakin na Hindi nakikita. Nakakakilabot.
"Ano namang pumasok sa kukute nyo at Doon nyo naisipang kumuta?" Paninirmon ni Vince samin habang tinutungga ko Ang gatas sa aking baunan. Naghiwalay ako ng maiinom ko para mas komportable.
"Wala Lang, trip trip Ganon." Sagot ni Jen.
"Iba den trip nyo ano!?, Dilikado Doon, baka may mga ahas na malalaki oh paniki. Pano Kung matuklaw kayo ng ahas habang umaakyat sa bundok?"
Napagpasyahan Kasi naming bumaba sa bayan ng Rizal. Sa barangay bunog, may daan Doon patungong talon na tinatawag nilang mantayub falls. Naisip namin ni Jen na akyatin Ang bundok sa loob ng limang araw, kasama na Doon Ang araw ng aming pag uwi at susunduin nalang kami ni Vince sa mismong ikalimang araw.
"Anong lugar na nga iyon? Yung tirahan ng mga kunoy?" Tanong ko.
"Bayabas ata tawag nila. Ibang klase." Sagot ni Jen.
"Basta mag iingat kayo don ha. Puro babae pa Naman kayo. Pano Kung sumama nalang Kaya ako?" Sabat ni Vince
" Ayan kana Naman Vince, girls scout kami. Plus blackbelter kaming pareho. Marunong den kaming humawak ng samurai at iba pa. Ikaw nga dapat Ang maingat samin eh" Sabi ko
"Tss. Yabang. Basta Kung may magyari man, Kung mababali man Ang buto nyo o masugatan. Wag kayong tatawag sakin habang umiiyak" banta nya.
"Sige HAHAHA" sabay naming sagot ni Jen habang umiinom ng gatas na nangangalahati na sa lalagyan.
Sabi ko nga mauubos Namin to sa loob ng isang araw Lang.
" Andito na Tayo. " Anunsyo ni Vince.
" Ang bilis Naman. Dito ka muna sa rest house ko tumuloy ngayun Vince hanggang umuwi tayu pabalik ng Manila pagkatapos namin sa pag akyat ng bundok" bilin ko.
"Walang problema, maganda Naman dito tapos libre mo syempre" natatawa nyang sagot habang binababa na Ang helicopter.
Kitang Kita Ang linaw ng tubig at puti ng buhangin mula rito. Kaya siguro naisipan nila mama na magtayo ng rest house dito sa long Beach. Napaka- payapa.
BINABASA MO ANG
Human Queen Of Esteshia
FantastikHilig ni Louise ang pagta- travel. Mapa syudad oh bundok basta't Hindi sya lalabas sa bansa dahil sa Pangako nya sa kanyang mga yumaong magulang. Nag-iisa nalang sya sa buhay , walang kamag-anak dahil naden sa isang aksidente na kinasangkutan ng mg...