T W E N T Y

4.1K 140 3
                                    

Thank you for reading ♡.

Warning: R-18. Matured content ahead.

Nagising akong kumikirot ang sintido. Kung bakit naman kasi naisipan kong maglasing kagabi nang hindi tinatanong si Ino sa kung ano ang totoo? That’s why I highly suggest to people that they should ask or know the real story first before judging.

Humikab ako saka tumingin sa paligid. I felt relieved when I found myself inside my room on top of my bedroom. Baka kasi nananaginip lang ako kagabi o nag-ha-hallucinate.

Napahawak ako sa tiyan ko ng kumulo ito. “Gutom na ako.”

Inayos ko ang kama ko saka bumaba. Pumunta ako sa labas ng kwarto tapos ay dumeretso sa kusina.

My feet stopped when I saw Ino cooking in my kitchen. Nakatalikod siya at walang suot na pang-itaas. Naka-jeans lang siya at wala man lang suot na apron.

I smiled and walked towards him. I sat on the chair as I pursed my lips.

“Good morning,” wika ko.

Nilingon niya ako saka nagliwanag ang mukha. He walked towards me and kissed my lips quickly.

“Good morning, darling. How you doing? Have you had a good sleep?” Malambing niyang tanong.

Tumango ako saka ngumiti. “Yeah. How about you?”

Ngumisi siya. “Sinong hindi maayos ang pagkakatulog kung mabango at malambot ang yakap-yakap ko?”

Umirap ako. “Magluto ka na nga lang. Nagugutom na ako, eh.”

“Lagi ka namang gutom.”

“Ano?!”

“Wala. Sabi ko magluluto na ako. Just wait there for a minute.”

Gaya ng sabi niya ay hinintay ko siya na matapos sa pagluluto. Gutom na gutom na talaga ako buti na lang at bacon, itlog, fried rice at corned beef ang niluto niya. Hindi masyadong natagalan.

We immediately started eating after he served the food.

“By the way, will you be busy today?” tanong niya habang kumakain kami.

“Bakit?” tanong ko.

“We’re going somewhere. A surprise,” aniya.

“Akala ko ba surprise, eh, ba’t mo sinabi sa akin?!” Bulyaw ko sa kanya.

He laughed. “Hmm… hindi talaga siya surpise. Sasabihin ko naman sayo kung sasabihin mo sa akin kung hindi ka ba busy mamaya.”

Napalabi ako. “Hindi. May mga kliyente ako pero nandoon naman ang mga empleyado ko tsaka si Diana. Bakit? Saan ba tayo pupunta mamaya? Teka, kasama ba ako diyan?”

Tumango siya saka ngumiti. “Yeah. We’re going somewhere you wouldn’t expect me to bring you.”

“Ay, sure ako hindi ‘yan sa kama! Kasi alam kong patay na patay ka sa akin, eh!” ani ko.

He laughed but then he stared softly at me making me a bit shy. I could even feel my cheeks heating and I could feel the butterflies in my stomach turning my insides upside down.

“You trust me when I told you ‘I love you’, right?” aniya sa malambot na boses.

I nodded. “Yeah. Of course.” Napakagat-labi ako. “Actually, hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na… mahal mo rin ako. Kasi akala ko… naglalaro ka lang tsaka akala ko ‘di mo ‘ko sineseryoso. Kaya no’ng sinabi mo sa’kin kagabi na mahal mo ‘ko para akong nakalutang sa ere.” Ngumiti ako saka tumingin sa kanya. “Sobrang saya ko, Ino. Sobra. Akala ko kasi wala nang magseseryoso sa akin, eh. Kasi nga diba? Palagi akong nasa bar, naglalaro kasama ang mga lalaki. Kaya walang sumeseryoso sa akin.”

Heart of the Sunset (Heart Series #4)Where stories live. Discover now