Like/Follow my Facebook page: Thorned_heartu. Let’s interact there ♡.
Enjoy reading, tiniks 🌹.
…
Should I Keep Hoping?Buong magdamag nang araw na ‘yon hindi ako matigil sa pag-iyak. Impit akong umiiyak, walang ingay, ni-walang maririnig na hikbi. Ni-hindi ko alam kung narinig ba ni Ino ang mga iyak ko dahil sa tabi ko siya natutulog. Pero hindi naging hadlang ang natutulog na Ino sa tabi ko para mapigilan ang hapdi ng puso ko.
It’s so painful to realize and understand the truth. I couldn’t help but ask, why me? Though, I would never wish for someone else; other woman, to experience the same thing with me. Mahihirapan sila, gaya ng kung gaano ako nahihirapan ngayon.
The next morning, trying to not mind my pain, I wake up early and did our breakfast. Nagluto ako ng pagkaing pambahay at tinitiyak kong kahit sa ganitong paraan man lang, maramdaman ni Ino kung gaano ko siya kamahal.
“Good morning, darling! Whoa! You're up very early!” Bulalas niya nang maabutan akong nag-se-serve ng pagkain sa mesa.
Siya naman ay wala pang suot na pang-itaas at naka-boxers lang. Pero pansin kong may mga tumutulo nang tubig mula sa noo niya pababa sa matikas niyang katawan. Siguro ay tapos na siyang maligo.
Ngumiti ako. “Tapos ka nang maligo?” Sa halip ay tanong ko.
He nodded. “Yep!” Masigla niyang sagot saka pumulot ng ulam at kumain. Naupo siya sa upuan saka tumingin sa akin.
“Why did you woke up early? Baka pagod ka pa?” aniya.
I sighed. “Hindi ako pagod. Kaya nga maaga akong nagising, eh. Kasi energized ako masyado. Tsaka, gusto ko rin kasing lutuan ka ng pagkain kaya gano’n. I want you full before going to work.”
Nagkibit-balikat siya. “Well, I’m sure busog ako nitong papasok. Ikaw rin. Kaya kumain na tayo. Wait, naligo ka na ba?”
Tinaasan ko siya ng kilay. “Ano naman ngayon sayo kung hindi pa ako naliligo?”
Tumawa siya. “Wala lang. May ligo o wala, masarap ka pa rin naman.”
Sinamaan ko siya ng tingin. “Ikaw, ah! Nagiging bastos na talaga ‘yang bibig mo, eh!”
“Eh, ikaw? Ba’t hindi ka na yata ngayon nagmumura? Hindi ko na narinig, ah. What’s with the sudden change?” Amused niyang tanong.
Nagtaas ako ng kilay. “Hindi ko napansin. Hindi na talaga ako nagmumura?”
Tumango siya. “Oo. Gusto ko nga ulit marinig, eh.”
Ngumuso ako. Naupo ako sa tabi niya. “Why? Why do you want to hear me cuss again?”
Ngumiti siya. Isang maamong ngiti. Iyong klase ng ngiti na siyang nagpapahulog sa akin.
“Because that’s what made m fell in love with you. And seeing your changes… I don’t know, I just can’t see the woman that I love. Maraming nagbago sayo na hindi ko na nakikita ang babaeng minahal ko.”
I felt a tug on my heart. I sighed. “Masama bang magbago ng kaunti? You’re a policeman, Ino. Of course, people really look up to you. Paano na lang kung malalaman nila na ang girlfriend ng tinitingala nilang pulis ay nagmumura tapos palaging pumapasok sa bar, maiiksi pa ang suot na damit? I will be the reason of your downfall, Ino. I don’t want that.”
He sighed. “They have no right to choose a woman for me. They have no right to tell me who I deserve and who deserves me. No one but me.”
Natahimik ako sa sinabi niya. Napanguso ako. Humapdi na naman ang didbib ko; ang puso ko.
YOU ARE READING
Heart of the Sunset (Heart Series #4)
Romance[COMPLETED] R-18. Read at your own risk. "I'm an ice, willing to melt by your blazing kisses. You're the sunset that colors my dark nights." -Jacinto Hamilton