72

276 4 1
                                    

Malalim ang naging buntong hininga ko habang nakatitig sa ilang tasa ng kape na natimpla ko. Kanina pa ako tumimpla nang tumimpla pero hindi ko naman mainom ng maayos dahil nawawala roon ang atensyon ko dahilan para lumamig lang. Ang totoo niyan hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa pagbabalik niya. Buong mag damag lang yata akong nakatitig sa active now niya umaasa na baka mag chat siya pero wala.

Hindi ganito ang inaasahan ko pag balik niya eh. Buong akala ko ang una niyang gagawin pag bumalik siya ay ang kausapin ako pero sabagay sino nga naman ako sa kaniya para gawin niya iyon? Bahala siya kung ganito ang gusto niya edi sige, tutal wala naman talaga siyang sinabi na babalik siya noon kaya bakit ko ba siya hinintay tapos ngayon ito ako mag mumukmok?

Saffira, tanga.

Walang ganang inayos ko na lang ang mga tasa sa harapan ko at hinugasan 'yon, tsaka ako muling nag timpla ng panibago pero this time ininom ko na at muli akong umupo sa pwesto ko kanina. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan lahat ng social media accounts ko para tignan kung may nag message pero sa huli pabagsak ko lang na binaba ulit iyon sa lamesa dahil sa inis. Tanginang iyan sino ba ang niloloko ko? Oo na, chine-check ko kung may message siya pero wala.

"Saffira, may nag papabigay sa'yo oh." Tumingin ako kay Daddy na kapapasok lang sa kusina habang nag lalakad palapit sa akin habang may dalang bouquet of tulips?

Kumunot ang noo ko at kinuha iyon ng iabot sa akin ni Dad, kanino naman galing ito? Tumingin ako kay Dad ng naguguluhan pero nag kibit balikat lang siya at ngumiti.

"Tignan mo," Sabi pa ni Dad.

Ito ang paborito kong bulaklak at ngayon pa lang ako nakatanggap ng ganito, wala namang okasyon pero bakit kaya? random ba ito? Tinignan kong mabuti ang bouquet at tulips na iyon at tama nga ako hindi ito basta basta dahil may nakita akong sobre na nakaipit dito. Kinuha ko ang sobra at ipinatong ang bulaklak sa lamesa. Binuksan ko ang sobre at kinuha ang papel na naroon para mabasa kung ano ang laman noon.

Saffira,

I'm sorry If I left you moths ago and not telling you that I'll come back. I was not totally healed when you entered my life umaasa pa ako noon na baka bumalik pa siya 'cause I still love her that time but she didn't care at all.

But you? You cared for me, you love me, you understand me nakikita ko iyon tuwing mag kasama tayo o kahit sa chat lang kaya sobra akong naguluhan nung bumalik siya at kinailangan kong umalis para makasigurado para hindi ka masaktan ng sobra, then doon ko narealize ang maraming bagay, hindi totoong hindi ko iniisip ang nararamdaman mo Saffira. Salamat dahil hinintay mo ako...Ngayon ako naman ang mag hihintay sa'yo,

Preston

Tumulo ang luha ko matapos kong basahin iyon. Muli kong chineck ang bouquet dahil baka may laman pa iyon at tama nga ako may isa pa ngang sobre roon, kinuha ko iyon at binuksan.

I'm here outside, Saff. You can talk to me.

Pinunasan ko ang luha ko at tinignan ang paligid pero hindi ko na nakita si Daddy. Tumayo ako at nag lakad palapit sa bintana tsaka hinawi ang kurtina at binuksan iyon at doon ko nga siya nakita, habang nakatayo at deretso lang ang tingin sa'kin. Nagulat siya ng makita ako pero maya-maya lang din ay ngumiti siya.

But I can't talk to him right now.

Umiling ako at muling sinara ang bintana.

You Belong With Me (Pinedez #1)Where stories live. Discover now