PROLOGUE.

4 0 0
                                    

“Pongkan!” masayang bati sakin ni Rayray pagkita namin dito sa garden ng company nila, madalas kami rito ni Kuya dahil ka partner daw nya sa trabaho ang papa ni Rayray

“Rayray! May dala akong saging yung paborito mo” pagkatapos ay ipinakita ko ang saging na nasa plastic na hawak ko, agad naman nya itong kinuha at kinain

“Nga pala meron akong narinig kila papa tungkol sa kasal ni kuya Zwayle” sabi nito habang nakayuko kaya naman ay inangat ko ang ulo nito at pinantay sakin

“Hindi kaba masaya?” tanong ko rito pero umiling lang siya

“Paano na lang kung ako na yung ikakasal? Sayo rin ba ako ikakasal?” lalo akong naguluhan sa sinabi nya

“Pongkan pangako ikaw lang ang papakasalan ko”

“Pangako?”

“Pangako!” pagkatapos ay nag pinky finger kami

─────

“Uy Rayray tignan mo oh! Bili tayo ice cream” sabi ko sabay turo sa ice cream truck na naka pwesto sa gilid ng daan

“Pero wala pa sila Nanny” napasimangot na lang ako at ibinaba ang pagkakaturo ko sa ice cream truck at pumirmi

“Sige na nga tara bili tayo” yaya nito sa akin kaya napatalon ako, kinurot lang nya ang pisngi ako at pumunta sa pwesto ng ice cream truck

“Dalawang strawberry ice cream nga po” Rayray said pero nagulat na lang ako ng biglang may nagtakip ng bibig ko ganun din kay Rayray

“Hmmm! Hmm, hmm!!” ungol ko at pilit na inaabot si Rayray dahil napa bitaw kami sa isa't isa

“Katulad ng inaasahan, madali lang natin madudukot ang Wryzen Tolentino” ani ng isang lalaki pagkatapos ay tinakpan ng panyo ang bibig ni Rayray kaya nawalan ito ng malay

“Paano naman to tol? Isang Mendoza ang kasama nang Tolentino nayan” ani nito at pilit akong pinipigilan, nakakainis dahil kahit isa ay wala man lang nakapansin samin

“Dalhin na natin yan, baka bigyan pa tayo ng pabuya ni boss” tinanguhan lang ito ng lalaking may hawak sakin pagkatapos ay tinakpan ang bibig ko ng panyong may pampatulog, pilit akong hindi humihinga pero diko rin kinaya at tuluyan ng nawalan ng malay

─────

“Pongkan gising!” naramdaman ko ang mahihinang bangga sakin na nagpagising sakin ng tuluyan

“Rayray nasan tayo?” at inilibot ang aking mata pero panay mga bakal at drum lang ang nakikita ko

“Kailangan nating makaalis dito Pongkan, tanggalin mo ang tali ko” sabi nito sabay talikod sakin, tumalikod narin ako at pilit na inaabot ang kanyang mga kamay kung nasaan ang mga tali

Nasa likod kasi ang tali samin, nagsisimula na akong kalasin ito kahit hindi ko klaro kung tama ba ang ginagawa ko pero biglang bumukas ang pintuan at may pumasok

“Masaya akong makita ka Wryzen Tolenti- Teka? Bakit merong Mendoza dito?” sabi nito habang nakatingin sa dalawang lalaki na dumukot samin kanina

“Palagi po kasi naming nakikita ang Tolentino nayan na kasama ang Mendoza” magalang na sabi nito habang nakayuko

“Lintik panigurado akong kapag nalaman ni Mendoza na pinadakip ko ang kapatid nito, masisira ang kumpanya!” kaya naman ay agad niyang kinuha si Rayray sa tabi ko

“Teka ano gagawin mo kay Rayray!!” pero imbes na sagutin ay meron siyang kinuhang kahoy sa gilid at sinimulang hampasin si Rayray, kaya naman hindi ko napigilan ang sarili at tumayo pagkatapos ay lumapit sa kanila

Pero hindi pa ako tuluyang nakakalapit ng bigla akong hawakan ng isa sa mga tauhan nito “Rayray! Ahh bitawan nyoko maawa kayo sa kanya!!”

Pero imbes na tumigil ay patuloy parin nitong hinahampas si Rayray “Huwag nyong saktan si Rayray!! Ano ba!” at pilit na kumawala sa lalaking nakahawak sakin, sumenyas ang matanda na ilayo ako

“Rayray t-tulong ahh bitawan nyoko!!” nang hinila ako basta basta, nakita kong naglabas ng patalim yung matanda at nakita ko rin kung paano nya itinutok kay Rayray ang patalim

Kaya agad kong sinipa sa bandang pinakaiingatan nung lalaki kaya nabitawan nya ako, agad akong tumakbo papalapit kay Rayray at tinulak ito kasabay ng pagkarinig ko ng tunog ng police ay ang pagsaksak sakin

─────

“Arghh!” nagising ako sa isang kwarto na puro puti at amoy gamot

“Pongkan!? Pongkan ayos kana ba? May masakit ba sayo?” umiling lang ako at pilit na umupo, inalalayan naman ako ni Kuya Milon at tinaas ng onti yung kama para makasandal ako

Kaming dalawa lang ang nandito, wala akong nakitang Arkin Rik Nerdi Karl at lalo na si Rayray

Inabutan ako ng tubig ni Kuya na agad ko naman kinuha at ininom “Kuya asan si Rayray?” mahina kong sabi dito pero umiling lang ito at agad na kinuha yung baso na pinag inuman ko

“Magpahinga ka muna tapos ay puntahan mo sya dun sa kwarto nya” 

Mga ilang araw din ako nakaratay, pero pinagbabawalan parin akong kumilos ng maayos dahil baka daw mapunit yung tahi

Kasalukuyan akong nakasakay sa wheel chair kasama ang isang nurse na nagbabantay sakin dahil nasa work sila Kuya Milon

Huminto ang nurse sa tapat ng isang pinto, kaya sinenyasan ko ito na dito na lang ako. Yumuko ang nurse at iniwan ako

Tok! Tok!

Katok ko sa pinto na nasa tapat ko, mga ilang minuto rin akong naghintay bago makarinig ng “PASOK!”

Kaya naman ay pumasok na akoat sumalubong sa akin si Rayray na nakaratay sa kama at may benda ang ulo nito, napansin kong napalingon si Mrs. Tolentino sa akin at napaayos ng tayo

“Tita? Anong nangyari kay Rayray? B-bakit sya may benda sa ulo?” natatakot ako sa magiging sagot ni Mrs. Tolentino kaya naman ay lumapit ako kay Rayray at hinawakan ang kamay nito pagkatapos ay tinitigan sya

“Iha, nang dinala kayo ni David dito sa hospital ay pareho kayong duguan. Pareho kayong sinugod sa ER dahil sa dami ng dugo na nawala pero” napatingin ako kay Mrs. Tolentino ng huminto sya at nagsimula ng umiyak

“A-anong pe-pero?” naguguluhan ko siyang tinignan pagkatapos ay binalik ang tingin ko kay Rayray

“Pero iha, napuruhan ang ulo ni Wryzen dahil sa pagkakahampas dito at pwede siyang ma-magkar-oon ng a-amnes-sia” napatigil ako sa paggalaw at napatitig lalo kay Rayray dahil sa sinabi ni Mrs. Tolentino, ibig sabihin?

“Ma-makakalimutan nya a-ako?”

“Oo”

Napaiyak nako ng tuluyan ng marinig ko iyon galing kay Mrs. Tolentino

“Kung ga-ganon makaka-limu-mutan na-rin nya yu-yung panga-ngako nya sa-sakin?”

“Oo iha”

Lalong napalakas ang iyak ko habang mahigpit na hinahawakan ang ni Rayray, tanging pag iyak namin ni Mrs. Tolentino ang naririnig sa buong kwarto ni Rayray

Ilang buwan narin ng lumabas ako sa hospital, ganun din si Rayray. Nagka malay sya sa kalignaan ng iyakan namin ni Mrs. Tolentino, kaya naman nagplano kami ni Mrs. Tolentino na hayaang makaalala si Rayray at hanapin ang tatlong lalaki na naging dahilan kung bakit ako nasaksak at kung bakit nawalan ng ala ala si Rayray

┈┈┈┈┈┈
📖.

She's The Real Owner [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon