ii.

2 0 0
                                    

Wryzen's Point Of View.

“Ahh! Oum sige good night”

“Aba't hoy Fring!! Ikaw kaya may kasalanan, kakainin ko sana yung ice cream na binigay ni Kuya Nerdi pero tumawag ka!”

“Huwag moko sisihin hoy!”

“ABA'T─ Anak ng pinatayan ako”

Naging tahimik kami lalo ng makitang gumalaw yung kamay ni Dagny papunta sa may lamesa.

Mukang meron siyang hinahanap, at dun namin napansin yung ice cream sa may dulo ng table na sa tingin ko ay dun ang una nyang naging pwesto.

Kinuha ko yon at dahan dahang inilagay sa malapit upang maabot nya, hindi rin nagtagal ay nakapa na ng kamay nya yung ice cream mo.

Pero siya ay nakatutok parin sa kanyang cellphone at may pinagkakaabalahan.

RING!!! RING!!

“Yes hello? This is Dagny Mendoza may I know who is it?”

Napahanga ako sa formal ng pagkakasagot nya sa tawag, parang isang professional call center.

“Ow, ikaw lang pala bago nanaman yang phone number mo no?”

“Naahh, dapat sinasabi mo kay tita... Silly Prinching huwag pasaway!”

Napatingin kami kay Milon ng umupo ito sa isang upuan na nasa tabe ko, pansin ko rin na parang andaming tumatawag kay Dagny.

“Wala namang nag friend request sakin na Emzo.. Yeah! Sabi ko sayo ayaw ko pero ang kulit mo!”

“Oum, call na lang kita bukas iniistorbo nyoko─ Yahh! Nakain kasi ako, oum”

“Pwede naman akong umabsent bukas”

Napatingin ako kay Milon na ngayun ay nakataas ang kilay, kinulbit koto kaya napatingin sya sakin.

'kilala mo?' senyas ko, pero umiling lang ito at sumenyas na 'wala akong kilalang prinching'.

“Magpapaalam na lang ako kay Kuya Milon-- Edi don't bahala ka dyan”

Binaba na nito ang cellphone at sinimulang kainin ang ice cream na ibinigay sa kanya.

“Ano kayang mangyayari bukas”

Narinig kong sinabi nito, may katamtamang lakas kaya sure akong narinig namin iyon.

Tahimik parin kaming anim na nasa likod nya habang siya ay nakatingin sa bukid at kumakain ng ice cream.

Nakalimutan kong sabihin na, isang bukid na pagmamay ari ni Dagny ang naka puwesto sa likod ng bahay ni Milon kaya minsan ay tumatambay kami rito dahil sa aliwalas at preskong hangin.

Malakas din ang internet pero sadyang mas nagugustuhan namin mag laro ng mga pambatang laro.

RING!!! RING!!

“Anak ng bakit ba ang daming tumatawag” nasambit nito sabay kuha ng cellphone nya.

“Magandang gabi Tatay Tonio, may problema po ba?”

“Ahh, pwede naman po akong lumiban sa klase bukas upang mapuntahan kayo dyan”

“Huwag po kayong magalala, magpapaalam po ako kay Kuya Milon pwede ko rin po siyang isama riyan”

“Opo, opo magandang gabi po ulit opo” ibinaba na ni Dagny yung phone pagkatapos ay nagsimula na ulit sumubo, hindi rin nagtagal ay naubos na nya ito kaya tumayo na sya.

Hindi muna kami kumilos kasi alam naming mapapansin rin nya kami naglakad ito papuntang gilid kung nasan merong isang maliit na trash can, pagkatapos ay itinapon nya roon ang basura.

Malinis sa mga gamit si Dagny, matulungin parang Wife material kaso nga lang ay may pagka matigas ang ulo kaya napapagalitan.

Saktong pagharap ni Dagny ay nakita nya kami, bakas sa muka nya ang gulat mga ilang minuto rin ang nagdaan ay unti unting nagsalubong ang kilay nya habang palipat lipat ang tingin sa aming anim.

“Anak ng!?” biglang nagsitakbuhan si Rik at Nerdi, habang si Arkin ay hinila ako habang tumatakbo napansin ko rin na nakasunod si Karl at si Milon.

Nakita ko rin tumatakbo habang nakasunod sa likod nila si Dagny na may dala dalang makapal na stick.

“PONGKAN! IBABA MOYAN!!”

“ANG KAPAL NYONG PUMASOK SA KWARTO KO NG WALANG PERMISSION KO!!”

“PONGKAN WALA KAMING NARINIG PRAMIS!”

“HINDI KO TINATANONG!!!”

“PO-PONGKAN MAAWA KA SA KAGWAPUHAN KO”

Nagtuloy tuloy ang takbuhan namin habang umiikot sa sofa nila, napa takbo na lang kami sa labas ng makitang humakbang patayo sa sofa si Dagny bitbit parin nya ang makapal na stick.

Inabot kami ng 2 oras kakatakbo at kakatago para lang maiwasan sya, ngunit ang ending kanya kanya kaming nakatanggap ng palo sa dalawang kamay galing sa makapal na stick ni Dagny.

“Ayan Matuto kayong huwag pumasok sa kuwarto ko ng walang permission ko!” gigil na sabi nito sabay hataw sa kamay ni Milon, dahil sya ang nasa hulihan.

Kahit nga ako hindi nya pinalagpas, nakakatakot syang babae.

┄┄┄┄┄
📖.

She's The Real Owner [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon