xiii.

2 0 0
                                    

Wryzen's Point Of View.

“Hoy bro, tulala ka nanaman” nabalik ako sa ulirat ng biglang may tumapik sa balikat ko, nang tignan ko ay sila Arkin at Rik pala iyon.

Hanggang ngayon ay binabantayan parin nila ako kahit na nandito na kami sa simbahan, it's already friday today at nandito na kami sa simbahan naka suot nako ng wedding suit habang nakatayo sa tabi ni Father.

Yung mga bisita ay nakaupo na sa mga assigned seat nila, hinihintay na lang namin makarating si Shanaya.

“Ayos na po tayo, nandito na ang bride” sabi ng wedding manager, kaya umayos na ako ng tayo sila Arkin at Rik ay umupo na sa tabi nila Milon na nasa tabi nila Mama. Nagsitayuan narin ang lahat ng bumukas ang pinto ng simbahan at nagsimula ng ipatugtog ang beautiful in white.

Wala pa si Dagny!

Pumasok si Shanaya na nakasuot ng wedding dress, dahan dahan siyang naglalakad habang pinapatugtog ang kantang yon.

Pero bakit parang hindi ako masaya? Diba dapat masaya ako?

Nang nasa harap kona sya ay ngumiti ito ng matamis, kaya nginitian ko rin sya at nilahad ang kamay upang alalayan. Agad naman niya itong hinawakan kaya inalalayan ko sya hanggang sa humarap na kami kay Father at nagsimula na ang kasal.

“Ikaw babae, tinatanggap mo ba ang lalaking kaharap mo bilang iyong asawa at magiging kabiyak ng iyong puso habang buhay?” tanong ni father kay Shanaya.

“Yes, I do” nakangiting sabi ni Shanaya sa akin.

“Ikaw lalaki, tinatanggap mo ba ang babaeng kaharap mo bilang iyong asawa at magiging kabiyak ng iyong puso habang buhay?” tanong naman sa akin ni Father.

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot “I d─.” hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla kaming makarinig ng putok ng baril kaya naman ay napayuko kaming lahat at tumingin sa nagpaputok.

Sino yan.

“Walang gagalaw” maangas na sabi ng lalaking may hawak ng baril, wala itong suot na kahit anong harang sa mukha.

Maraming tattoo ang kanyang muka ganon din ang apat nyang kasamang mga lalaki na nakatutok ang baril sa mga bisita, lumapit sa akin yung lalaki at agad akong hinablot at tinutukan sa ulo.

Nakita kong napalayo si Shanaya pati sila Father, napansin ko naman ang tangkang paglapit nila Arkin sa pwesto namin pero napahinto sila ng makitang nakatutok sa ulo ko ang baril.

Hinila ako ng lalaki at walang nagtangkang lumapit dahil sa mga baril na nakatutok sa kanila, nakita ko kung paano patahanin nina Milon at Kuya Zwayle si Mama habang nakatingin sa amin.

Nang nakalabas na kami ng simbahan ay hinila ako ng mga ito hanggang sa makarating kami sa labas ng gate ng simbahan, pero napatigil kami ng meron kaming nakitang babae na may hawak na baril at nakatutok sa amin.

Madilim ang mukha nito na parang isang leon na handang mangain ng tao “Bitawan nyo sya.” pero hindi natinag ang mga ito.

Tama si Dagny ang nasa harap namin ngayon.

Lalong dumilim ang muka nito at binaril ang katabi kong lalaki, tinamaan ito sa may binte kaya napaupo ito “Sige, subukan mo kundi papasabugin ko ang bungo nito” may halong galit ang boses ng lalaking tinamaan sa binte at pilit na tumayo at tinututok ulit sa akin ang baril.

“Ibaba mo na lang yung baril at sumama sa amin, kayong dalawa ang kailangan namin. Mabuti at nagpakita ka mas napadali ang trabaho namin” sabi ng isa at akmang babarilin sya ni Dagny ng biglang may humintong itim na van sa likod nito.

Bago pa man makaharap si Dagny ay biglang bumukas ang pinto ng van at lumabas ang lalaking may hawak na puting panyo at tinakip sa bibig nito.

Nagpumiglas si Dagny, sa pagkakahawak nito pero natigilan sya ng makitang tinakpan din ng lalaki ang bibig ko ng puting panyo. Meron akong naamoy na kung ano hanggang sa biglang lumabo ang lahat at nawalan ako ng malay.

Arkin's Point Of View.

“Tita kumalma ka, maililigtas natin sila” pagpapatahan namin kay Mrs. Tolentino, nakita namin ang lahat.

Nakita namin kung paano harangan ni Pongkan yung mga lalaki, may hawak siyang baril at pinaputukan yung lalaki. Sa totoo lang hindi ako makapaniwala, dahil sa tagal naming magkasama ni Pongkan ay hindi namin sya nakitang humawak ng baril.

“Arkin, Rik, Nerdi, Milon at Zwayle sumunod kayo may paguusapan tayo” malamig na sabi ni Karl at lumabas ng bahay ng mga Tolentino kaya naman sumunod kami sa kanya.

Nang mawala sa paningin namin sila Wryzen ay tsaka lang nagsidatingan ang mga pulis, chineck muna nila kami bago pauwiin. Dumeretso kami rito sa bahay nila Wryzen para pagusapan at makausap ang tungkol dito.

“Kailangan nating mahanap sila Dagny, nabalitaan ko kay Mr. Tolentino na nagpapadala pala ng mga threats si Mr. Perduge” sabi ni Karl habang nakatingin sa malayo.

“Pero bakit hindi nila sinabi sa atin?” tanong ni Rik na agad namang tinanguhan ni Nerdi “Tayo ang mas malapit kay Wryzen pero bakit wala tayong alam?” sabi ni Nerdi.

Nagpalabas muna ng malalim na buntong hininga si Karl bago sumagot “Ayan ang hindi ko rin alam, kailangan nating makausap si Mrs. Tolentino” nagtaas naman ng kamay si Zwayle na ikina agaw ng atensiyon namin.

“Ako ng bahalang magtanong kay Mom” tumango kami tapos ay napatingin sa mga police na biglang pumasok sa loob ng bahay nila, nagkatinginan kami bago sumunod sa kanila.

Bumungad sa amin sila Mr and Mrs Tolentino na nakaupo sa mahabang sofa na nakatapat sa isang police na nakatayo sa harap nila “I'm chief of police Arnold Palmer, nandito kami para makausap ka” pakilala ng police.

Tumango naman si Mrs. Tolentino habang pinapahid ang mga luha nito gamit ang tissue “Kahapon ay nagpadala ng mga pictures and papers about illegal transaction si Ms. Mendoza, ng tiningnan namin ang mga picture ay nakita namin na sa inyo yon galing”

Nagpadala si Dagny? Napatingin naman kami kay Mrs. Tolentino ng tumango ito “Ipinakita ko ito kay Dagny dahil katulad nga ng nandoon ay nagbanta si Mr. Perduge” sabi nito habang pinupunasan ang pisnge na tinanguhan lang ng Chief.

Tumaas ng kamay si Karl “Galing kay Dagny Mendoza ba?” pagtatanong nito “Yes.” maikling sabi ng chief.

“Paano nya naipadala sa inyo?” dagdag na tanong ni Karl, sakto naman may pumasok na ikinatigil namin.

“Ako ang nagpadala.” sabi ng lalaki, pero saglit pamilyar sya.

“It's been a while Carlo Rossi” teka pano nya nalaman ang pangalan ni Karl?

“Inspector Rafael Mono.” malamig na sabi ni Karl, teka inspector?

“Anong ginagawa mo dito inspector” pero hindi sya pinansin nito at inilibot ang tingin.

“Asan si Dagny?” napataas ang kilay ko bago sumagot “Wala, nakuha nila sila”

“Chief, find Dagny using GPS” sabi nito pagkatapos ay yumuko ang chief at nagsimula ng maglakad, pero hindi pa sya nakakalabas ng magsalita si Karl.

“Hindi nyo sya mahahanap gamit yan” sabi nito pagkatapos ay may inilabas na cellphone na kulay Pink ito “It's her phone, nakita ko ito ng makaalis sila” dugtong nito.

“Check all the CCTV's na nakapalibot sa buong simbahan, hanapin nyo yung van” utos nito ulit pagkatapos ay tumalikod “I didn't expect na makukuha nila sya, lalo na't tinuruan kopa sya kung paano humawak ng baril at makipaglaban” dahil sa sinabi nito ay biglang tumakbo si Karl sa kinaroroonan nya at kinuwelyuhan ito.

“W-WHY DID YOU DO THAT!” sigaw nito pero tinanggal lang ni inspector ang pagkakahawak nito sa kwelyo nya at nagsimula ng maglakad “You didn't know what she can do Carlo” dahil sa sinabi nito ay natigilan kami.

Oo nga naman, wala kaming alam.

“She's so strong, more than anyone else” pagkatapos ay iniwan nya kami na tulala.

┈┈┈┈┈
📖.

She's The Real Owner [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon