vi.

3 0 0
                                    

Wryzen's Point Of View.

Time check: 07:36pm
Gabi na pero papauwi pa lang kami, etong sila Arkin at Rik pagtapos ng arcade ay dumeretso sa McDo akala ko kakain yun pala ay nagsi cr lang ang dalawa. Si Fring naman ay nauna ng makauwi dahil kailangan daw niyang makabawi sa tulog.

Kasalukuyan akong naka sakay ngayon sa kotse ni Arkin, si Dagny ang nagda drive. Bago kasi kami makarating dito ay isang kotse lang ang ginamit namin kaya nagsiksikan pa kami.

RING!! RING!!

“Pa connect nga yung phone ko, thanks” agad ko namang sinunod ang sinabi nito at kinonek yung phone nya sa Bluetooth ng car, pagkatapos ay sinagot kona yung call.

“Dagdag bohai, kili kili pawer!!” nakita kong lumingon si Dagny sa phone nya which is hawak ko, kaya pinakita ko yung screen.

“Problema mo prinching?”

“Punta tayo sa bar, inom tayo”

“Hindi ako pwede, at hindi ako umiinom kaya magtigil ka”

“Naman eh, namimish kita”

“Wala akong free time, puno schedule ko”

“Ayt damot─ Padadalhan na lang kita ng favorite books mo”

“Yay!!! Tenkyuuu wabyuu!!”

“Yep, wabyu too”

Pagkatapos ng usapan nila ay kusang namatay yung call kaya, what's with the word of wabyu?. Mga ilang minuto din kaming tahimik sa byahe pagkatapos ng call, at ilang sandali rin ay nakarating na kami bahay.

Naabutan namin silang lima na kakalabas lang ng kotse kaya nagpark na si Dagny at pinatay ang makina bago lumabas.

“Oh Kuya Arkin, susi” sabay hagis ng susi kay Arkin pero mukang naduling ata toh at hindi nasambot.

Kinuha na sakin ni Dagny yung bag kung saan nakalagay ang regalo nya kay Mom and yung damit nya, pagkatapos ay nagsimula na syang maglakad papasok.

“GUGUTOM NA KAMI PONGKAN!!”

“MAGBIHIS MUNA KAYO!!”

Nagkanya kanya nanaman silang tumakbo papasok sa loob ng mga kwarto nito, kaya sumunod narin ako at pumasok sa loob ng kwarto ko. At nagsimula ng magbihis.

Dagny's Point Of View.

Kumuha ako ng SpongeBob na pajamas, pagkatapos ay inilagay ko sa labahan yung ginamit kong White t-shirts at black jeans. Pumasok ako sa loob ng cr para magbabad, nagsimula na akong maghubad pagkatapos ay lumusong sa bathtub ko.

Mga ilang minuto rin akong ganon tsaka ko napag desisyonan na maligo na. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng cr at tumapat sa human size mirror, kitang kita ko ang buo kong katawan kaya kitang kita ko rin ang isang hiwa na peklat na nasa tagiliran ko.

Nagsimula na akong magsuot ng underwears at pajamas ko, binlower ko na rin yung buhok ko at tinali ng high bun. Nagsuot narin ako ng SpongeBob na medyas at bumaba na, dumeretso ako sa kusina at tinignan ang ref.

Ganto ang palaging gawain ko sa gabi, pinagluluto ko sila dahil tuwing gabi lang kaming nagkakasama. Minsan kapag weekend pumupunta kami sa bukid at doon tatambay.

Napagdesisyunan kong magluto ng adobo naglabas ako ng dalawang frozen whole chicken, limang patatas, isang buong bawang. Nagsaing muna ako ng walong gatang pagkatapos ay inilagay kona sa rice cooker namin at inopen.

“Doon muna kayo sa sala, maglaro kayo” narinig ko kasi sila, paano sobrang ingay. Bigla namang nawala yung ingay at napunta sa sala.

Ibinabad ko muna sa maligamgam na tubig yung dalawang frozen chicken, mahirap hiwain kapag malamig masyado matigas.

“Pwedeng tumulong?” napatingin ako sa gilid ko ng may pumwesto at biglang nagsalita, si Wryzen!!

“Ayaw mo maglaro?” balik kong tanong dito, at ibinalik ang tingin sa chicken.

“Kakalaro ko lang kanina” sabi nito kaya tumango na lang ako.

“Pakicheck kung wala ng frozen yang chicken tapos ay pakihiwa ng pang adobo” agad naman itong tumango, yumuko ako ng konti para kumuha ng dalawang kutsilyo at dalawang sangkalan. Medyo malaki nga lang yung isa.

Inabot ko sa kanya yung kutsilyo at sangkalan na agad naman niyang kinuha, kumuha ako ng kaldero at toyo at suka atsaka ay nagsimula ng magbalat ng patatas. Tahimik lang kami, habang naghihiwa.

“Bunso pahingi ako gatas ah! Nalalasahan ko parin ngayon yung strawberry ice cream mo, hindi ko gusto” tumango lang ako pagkatapos ay inabot yung manok na hiniwa ni Wryzen, pinaghalo halo ko yung manok patatas bawang at toyo at suka. Atsaka ay isinalang na sa kalan.

Umupo muna ako sa isa sa mga upuan dito sa kusina, naka upo din si Wryzen habang nakapanga lumbaba at nagta tap ng daliri.

“Timpla ka ng gatas, 1½ sugar lang akin” tumayo naman si Wryzen at pumunta sa ref kung saan ko nilagay yung gatas ko.

Susyalin gatas ko naka ref pa, aba hindi ko bet yung amoy ng kape nakakasuka. Nagkaka-ubo at sipon ako sa milo, edi maggatas na lang ako.

“Mainit na tubig?”

“Nahh, malamig po” pagkatapos ay kumuha ng sandok at hinalo yung adobo, naaamoy kona ang kabanguhan ng pagkain nakakagutom😋.

Bumalik ako sa pagkakaupo at inabot sa akin ni Wryzen yung gatas. Kapag nandito ako sa bahay, palaging may stocks ng gatas. Kasi yung last na naubusan ng stock ng gatas dito sa bahay ay hindi sila kumain.

Binuksan ko yung phone ko at ni log in yung facebook ko, katulad ng inaasahan ay sumabog ang friend requests, messages, notifications ko. Naghintay pa kami ng ilang minuto at tuluyan ng naluto ang adobo.

Ting! [Tunog po yan ng rice cooker oum]

“Ako na ang magaayos, tawagin mona sila” tanging tango na lang ang naisagot ko at pumunta sa sala.

“Ano nilalaro nyo?”

“Em el”

“Kakain na” sabay sabay nilang sinarado ang mga cp nila at sumabay sakin sa pagpunta sa kusina. Pagdating namin don ay naka ayos na ang lahat, may bago ulit akong gatas tapos ay strawberry ice cream na nakalagay sa pinaka dulo which is yung pwesto ko.

“Thank you papa!” sabay sabay namin sabi pagkatapos ay nagsimula na silang magsilagay ng pagkain, nagaagawan pa nga ang mga ito na akala mo ay uubusan at syempre katulad ulit ng dati ay ako ang huling maglalagay.

Fast forward

Nandito kami sa sala, manonood daw kami ng Squid game. Tsk ilang beses na naming napanood yon.

Nakaupo ako sa single couch na pwesto ko, nananahimik habang nakatingin kila Kuya Milon na namomoblema dahil nakalimutan kung paano iconnect yung wifi sa tv. Ayan kasi timang tinanggal pa sa pagkaka connect.

May naglapag ng isang mangkok ng strawberry ice cream at dalawang gatas, nang tignan ko kung sino yon ay si Kuya Nerdi. Ang pinakatahimik sa balat ng bahay na ito.

“Pongkan ikaw nga dito- Ay wag na pala na connect na namin” pagkatapos ay isinet sa Netflix at nagsimula na kaming manood. Tinatakpan ni Kuya Karl yung mata ko kapag meron mga nagkalat na dugo, or mga nakakadiring scene.

Pero in the end, nilipat din namin sa horror yung movie dahil kahit si Kuya Nerdi ay hindi kinaya. Buti na lang ay hayahay akong kumakain ng ice cream.

┄┄┄┄┄
📖.

She's The Real Owner [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon