xiv.

2 0 0
                                    

Wryzen's Point Of View.

Nagising ako sa isang madilim na lugar, nakahiga ako sa isang malamig na semento pero ang ulo ko ay nakaunan sa malambot na bagay.

Nang tignan ko yon ay si Dagny iyon nakasandal sya sa pader at halatang nilalamig dahil sa manipis na white dress na suot nito, nanginginig din ang balikat nito habang nakatali ang kamay nya sa harap.

“Dagny.” mahina kong sabi habang nakahiga parin.

“Hey, good evening” bati nya sa akin pagkatapos ay ngumiti, tinulungan nya akong makaupo dahil paharap ang pagkakatali nya habang yung akin naman ay palikod.

Parehas din kaming may tali sa paa, nakasuot parin ako ng wedding suit. How I badly want to remove my coat and give to her kaso naka tali kami.

“Nasan tayo?” pagkatapos ay nilibot ang paningin sa paligid, madilim ang paligid at tanging ang sinag ng buwan lamang ang ilaw namin.

Pamilyar ang pangyayaring ito, deja vu?

“Kailangan natin makaalis.” sa sinabi nyang yon ay napatingin ako sa kanya na nakatitig sa akin, nang magtagpo ang aming mga mata ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Dmn, nasa harap kona sya! Ang kababata ko! Ang taong pinangakuan ko!

“We can't, maghintay na lang tayo hanggang sa may dumating na rescue” habang nakatitig sa kanya, tumaas ang dalawang kamay nito at hinawakan ang dalawang pisngi ko.

Hindi nga lang nya mahawakan ng maayos dahil sa pagkakatali pero bigla siyang ngumiti, yung puso ko Dagny!!

“Hindi tayo pwedeng magtagal dito Rayray, dalawang araw na tayo nandito” lumaki ang mata ko dahil sa sinabi nya, da-dalawang araw? Seryoso?

“Dalawang araw narin akong tulog?” tumango lang ito pagkatapos ay binitawan ang pisngi ko, psh bitin.

Nagulat ako ng tumayo ito at nagtatatalon papalapit sa isang nakatayong itak, huminto sya pagkarating maya maya ay biglang tumaas baba ang balikat nito.

Ilang minuto rin ang itinagal niya pagkatapos ay umurong sya ng konti at yumuko, nakita kong natanggal ang pagkakatali ng paa nito kaya umayos sya ng tayo at humarap sakin pagkatapos ay nagsimula ng maglakad papalapit sakin.

Sa bawat hakbang nya ay nakatitig lang ako sa magandang muka nya na merong ngiti, “Meron ka bang cellphone dyan? Nalaglag ko kasi yung akin hehe” natawa ako bigla ng makitang namula ang pisngi nito sabay kamot.

“Kapain mona lang yung bulsa ko” napangiti naman sya pero namumula parin ang pisngi nya, kinapa nya naman ang bulsa ko at lalo siyang napangiti ng makapa nya ang cellphone ko.

Agad nya iyong binuksan pero napasimangot ito at pinakita sa akin ang screen “Ano password?” masungit na sabi nya, meron pang lumabas na usok ng magsalita ito kaya napatawa ako “I love you.” lalong namula ang muka nya kaya napangiti ako.

Dmn, minsan naiisip ko kung paano ko nagawang kalimutan ang isang Dagny Mendoza.

“Ano nga” maktol nito pero hindi parin nawawala ang pamumula “I love you” sabi ko ulit pero sinamaan nya ako ng tingin kaya napatawa ulit ako “I love you is my password” pero inirapan lang ako nito pagkatapos ay tinype iyon.

Lumukot ang muka nya ng bumukas iyon at inirapan ulit ako, nagpipipindot lang sya doon habang ako ay nakatitig lang sa kanya.

Ngayong nakakaalala nako, babawi ako sayo.

“Tara na kailangan na nating umalis, na text kona si Zwayle at nabuksan kona rin ang GPS mo kaya mahahanap na nila tayo” sabi nito pagkatapos ay binaba muna ang phone at tinanggal ang pagkakatali ko.

She's The Real Owner [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon