iv.

2 0 0
                                    

Wryzen's Point Of View.

KINABUKASAN

News Updates
Na bankrupt ang Shipp Company dahil sa hindi malamang dahilan ngunit karamihan sa sabi sabi ng mga empleyado nito ay may ginawa daw na kasalanan si Mr. Alex Shipp kasama ang anak nitong si Ms. Alexandra Shipp, Kasalukuyan silang pinaghahanap ng pulisya dahil lumabas sa pagsusuri ay merong mga kasalanang nagawa si Mr. Shipp katulad na lamang na pilit na binibili ang mga lupang hindi naman binebenta. Ako nga pala si Mikaela Pascal nagbabalita mula sa Balitang Pilipinas.

Napatingin kaming lahat kay Milon na kasalukuyan ngayong nagkakape sa single couch, wala siyang reaction sa narinig na para bang expected na nya ito.

Pero ng napansin nitong nakatingin kami sa kanya ay nagkibit balikad lang ito pagkatapos ay tinuro yung hagdanan, nang tignan namin ang tinuturo niya ay nakita namin si Dagny na halatang kagigising lang pero maayos ang buhok pero gusot gusot ang damit.

Dumeretso ito sa kusina pero hindi rin nagtagal ay lumabas itong may dala dalang gatas pagkatapos ay umupo sa isa pang single couch.

“Pongkan napanood namin yung balita, na bankrupt daw yung Shipp company” napatingin ito kay Arkin pero agad din niyang binawi at humigop ng gatas.

“As what I expected, mabilis kumalat ang balita tsk” sabi nito pagkatapos ay uminom ulit ng gatas.

“Anong nangyari ba, bakit ambilis naman ata” pare parehas lang kaming naguguluhan.

“Kuya Milon”

“Ang lahat ng mga tao at companies na nakikipag partnership sa MiKan company kailangang sumunod sa rules lalo kaming naguluhan sa sinabi ni Milon.

“Anong rules? Atsaka diba partnership lang naman?”

“We have an golden rules in our company, at ito ay huwag gumawa ng ikagagalit ng owner, simple rules pero maraming lumalabag. Nagpa partnership kami ng mga companies at tinutulungan silang lumago kapalit non ay ang pagiging partner nila sa companya habambuhay, katulad ng Shipp company na partner namin but sadly tinangkang kuhanin ni Mr. Shipp ang favorite farm ni Pongkan at bumibili sya ng mga lupang hindi naman pinagbebenta kaya tinanggal namin ang Shipp company bilang partner ng Mikan Company” paliwanag ni Milon na medyo naintindihan namin.

“Nga pala Wryzen, kailan ang party sa Tolentino's company?” nakatulala pa na nagtanong si Dagny sakin.

“Sa monday”

“Ano na ngayun?”

“Sabado─ ANO!?” napatalon kami sa gulat dahil sa biglang pagsigaw ni Dagny.

“Ano bayan Pongkan nakaka gulat ka” pero hindi sya pinansin ni Dagny pagkatapos ay biglang niisang lagok yung gatas at tumakbo papuntang kusina, kaya naman napag isipan namin siyang sundan.

Naabutan namin syang kumakain ng tinapay, meron kasing nakalagay sa mesa na cheese at tinapay pati panibagong gatas meron din.

Hindi pa man kami naupo ay bigla itong tumayo pagkatapos ay mahinang tinulak yung cheese at tinapay kaya napunta iyon sa gitnang bahagi ng lamesa. Katulad ng kanina ay inisang lagok ulit nya yung panibagong timpla ng gatas.

Pagkatapos ay inilagay nya sa lababo yung baso at tumakbo papuntang kwarto, nagkatinginan kaming anim at nagkibit balikat pagkatapos ay naupo na.

Napansin nyo bang halos nandito parin kami sa bahay nila Milon? Meron kasi kaming sariling kwarto dito at halos ginawa na namin itong pangalawang tahanan, pagkagaling sa trabaho ay diretso uwi. Para daw maraming tao dito sa bahay nato na sinang ayunan namin.

Mga isang oras pa bago bumaba si Dagny, naka pang alis ito. Isang black jeans at White t-shirts na tinuck in pagkatapos ay white nike rubber shoes, wala siyang dala kahit anong bag, nasa bulsa nya yung phone at wallet nya pagkatapos ay naka high ponytail ang kanyang buhok.

“Saan ka pupunta?” napalingon ito sa amin.

“Meron kaming plano ni Fring na pupunta kami sa mall para bilhan ng birthday gift ang mommy ni Wryzen”

“Pwede suma─ Magtigil ka nga Kuya, baka imbes na bumili ay sa arcade ang bagsak natin” masungit na sabi nito pagkatapos ay kumuha ng isang tinapay at nilagyan ng maraming cheese, napasimangot naman si Milon ng marinig iyon.

“Alis nako mga kuya, Wryzen” ani nito sabay isa isa kaming hinalikan, pero kila Milon sa pisngi habang ako ay sa buhok. Pagkatapos ay nagsimula na itong maglakad.

“Nga pala Kua Arkin, pahiram ng kotse”

“Sige, ingatan mo yon ah!!”

“OPO!” Classic car lang kasi ang kotse ni Arkin, hindi katulad ng amin ay pang sports car.

Dagny's Point Of View.

“Pongkan ano ba nasan kana kasi!! Kanina pa ako nandito sa mall─ Oo na malapit na saglit lang” hindi ko naman kasalanan na muntik ko ng makalimutan tsk, bakit kasi hindi man lang tumunog yung reminder ko.

“Ikaw bruha ka, ilang beses ko ng sinabi kung kailan at ANONG ORAS!” Kahit kailan talaga hindi nya ako pinapalagpas .

“Andito na ako sa parking lot, magkita na lang tayo sa entrance─ Kanina pa─ Ibababa kona babye” pagkatapos kong ibaba ang call ay sinigurado ko ang maayos na parking at kung nakalock ang kotse ni kuya Arkin.

Ako na lang kasi ang walang kotse dahil nga 17 years old pa lang ako, at kahit na meron kaming pera para makabili ay mas gugustuhin ko yung nagpapa driving test ako. Kaso nga lang ay parang okay na dahil alam naman ng lahat na 17 age pa lang ako pero hindi man lang nila ako sinusuway.

Natanaw kona sa di kalayuan si Fring, naka black croptop ito at black jogging pants na tunernuhan ng black boots. Ewan ko rin sa isip netong babae na ito at ang hilig sa black.

“Hey.” napatingin ito sa gilid which is yung pwesto ko, kanina pa kasi sya nakatingin sa cellphone nya at parang sisirain na dahil sa diin ng pagpipindot.

“Anyare?” sabi ko at sumunod sa kanya, nagsimula na kasi siyang maglakad. “Si Yuno, nabalitaan kong nakikipagkita kay Celestia nakakainis”

Napailing na lang ako at inilibot ang paningin, si Celestia ay ex ni Yuno which is kapatid neto ni Fring. Ilang beses ko rin sila nakikita at ako ang unang nakaalam.

Dumeretso kami sa isang make up cosmetics shop na nakita namin sa first floor “Magandang gabi Lady Freya, Ms. Dagny” bati nila sa amin pagkatapos ay yumuko, tumango lang ako pero ang bruha tuloy parin sa pagpipindot sa phone.

“Dalian mo Fring, pupunta pa tayo sa second floor” napansin kong natigilan ito at napatingin sa paligid, haluh? Don't tell me hindi nya napansin.

Bumalik ito sa pagkakalikot sa phone at di rin nagtagal ay itinapat nya ito sa tenga nya “Sundan mo lang ang lalaking yon at ibigay mo sakin ang bawat ginawa nya naiintindihan mo... Mabuti.” pagkatapos ay inilagay na nya sa pouch nya ang phone.

“Sa tingin mo pongkan? Anong bagay kay tita?” sabi nito habang tumitingin tingin sa mga makakapal na make ups set.

“Bakit ako tinatanong mo eh hindi ko nga alam”

“Opinion mo lang kase hinihingi ko, hindi pagtanggi mo”

“Light make ups, maganda naman ang kutis ni Mrs. Tolentino” totoo naman, parang alagang alaga ang kutis ng mommy ni Wryzen kahit na merong katandaan ay meron paring hawig ng kadalagahan.

“Eh? Bakit piling ko makakapal na make ups ang bagay sa kanya?” bruhang ito, balak gawing clown si Mrs. Tolentino.

“Bruha, dimo ba napapansin na sa tuwing merong pagtitipon ay light make ups lang ang suot nya?” napatingin pa ang bruha sa salamin, akala ko nagiisip pero bigla itong nagpose.

Anak ng.🤦🏻‍♀️

┄┄┄┄┄
📖.

She's The Real Owner [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon