CHAPTER 2

113 6 2
                                    


ALTER

Two heads is better than one ika nga. With the help of Ange ay may nasulat nakong mga ways para akitin ang babaeng yun. I do research but I don't think it's effective so I'll stick to Ange ideas.Cross fingers. I hope this would work.

First to do is get her no. Off course. Kasi dun magsisimula ang panlalandi ko. Eww. I don't wanna use or add her on my social media accounts. Kasi nagkalat ang kabaklaan ko dun. Even though I rarely used it.

"Hi miss. "saad ko na medyo nilakihan ko pa ang boses.

"No."napailing si Ange. " Ayusin mo medyo tigasan mo pa. Tigasan mo din tindig mo para lalaking lalaki tingnan. "komento nito.

Nakakaloka. Kanina pa namin ito pinapractice . Napapagod na ang beauty ko. Matutuyuan na ako ng laway kaka lunok. Ang sakit na ng bunganga ko kakaulit ulit namin para hindi mahalata sa boses ko ang kabadingan. Sobrang hirap para sakin kasi I have this natural soft cute voice kaya. Because I'm so cute.

Tumikhim ako. "Miss can I get your no?"

"Kyaaa!! " sabay kaming napasigaw sa tuwa at naghahampasan sa kamay at nagtatalon talon. "Ano okay na ba yun? "

Tumango tango siya at nag thumbs up. "Para ka na talagang tunay na lalaki. Best!"natutuwang pahayag nito.

Dahil parehas kaming walang pasok e sinamahan nako ni Ange. Gusto niya kasing makita daw yung babaeng gusto ko. Nag-assume na ang gaga. Ang sabi ko lang naman mang aakit ako. Hindi ko sinabing may gusto ako dun sa babae. Well, hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya ang totoo.

I tilt my head and read the sign. Coffee On Time. This is it. Ito yung lugar na sinabi ni Trench na pinupuntahan nung babae. Hinawakan ko ang handle at hinila tiyaka agad na pumasok habang nakasunod sa likod ko si Ange, nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid.
Waley pa ang lola mo.

Umorder muna kami tiyaka naupo at naghintay.

"Oy, darating ba yun? "naiinip na tanong ni Ange sabay subo sa cheesecake na nasa harap niya.

"Wait ka lang best darating yun. Tiwala lang. "pinindot ko ang cellphone ko at tiningnan ang clock display. Gantong oras daw yun madalas dito.

Isang oras ng lumipas pero wala parin. Mukang wala atang balak pumunta dito ngayon.

"Hoy, best ano na?"untag sakin ni Ange.

"Alis na tayo best mukang lulumutin tayo dito sa paghihintay sa wala. Ayokong maging shokoy no. Tara na. "aya ko dito paalis.

I thought this would be easy. Akala ko dahil may plano ako everything will be smooth sailing. Everything will goes to plan na parang katulad sa mga drama na mabilis lang matiyempuhan ng mga nang aakit ang mga aakitin. Shocks! Hindi pala ganurn yun. Hindi pala ganurn sa reality sissy.

Epekto ito ng kakapanuod ko e. Masyado akong nagpapadala sa kalokohan ng mga drama. Hindi maganda.

Ilang araw na kaming tumatambay ni Ange dito. Baka sakaling matiyempuhan na namin. Buti na lang medyo malapit to sa university.

I took a sip on my frappe.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siyang pumasok sa entrance.

"Ange nandiyan na siya. "excited kung wika sa paos kung boses na agad namang ikinalingon ni Ange.

"Saan? "luminga linga ito.

"Nasa counter. Yung naka white long sleeve."pabulong na tukoy ko sa kanya.

Sa wakas sa tagal ng panahon nagpakita din siya. Pinagmasdan namin siyang maupo sa bandang dulo.

"Oh my gosh! Maganda na sa pic higit pa sa personal. Kaya pala. "komento ni Ange na sinamahan ng pagtango tango.

ROSE LAVENDER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon