ALTER
Napabangon ako sa aking pag kakahiga ng may marinig na malakas na pagbagsak ng isang bagay na tila nabasag sa sala.
Agad akong lumabas ng kwarto para alamin kung ano yun.? Lumakad ako palapit kay Ro na nasa kusina.
"Ro, ano yun? Anong nangyari? "
Agad na lumingon si Ro.
"Tumigil ka. "pigil nito.
"Huh? Bakit? "napakunot ang noo ko habang patuloy sa paglalakad palapit sa kanya.
"Sabing tig—"
"Aa.. "agad na napaangat ako ng isang paa ng maramdamang may naapakan akong maliit ngunit matalas na bagay na tumusok dito. Sisilipin ko sana ang paa ko ng bigla na lang ako na-out of balance dahilan para mapaupo ako sa sahig. "Ouch. "agad kong itinaas ang kamay ko na naitukod ko sa sahig nang maramdamang may humiwa dito. Napatingin ako sa sahig at nakita na may mga bubog palang nagkalat galing sa basag na baso na siya ding naapakan ko.
Napangiwi ako ng iharap ko sakin ang kamay ko na may malaki at maliit na hiwa na may nakadikit pang maliit na bubog. Na ngayon ay nagdurugo.
"Ano bang hindi mo maintindihan sa tumigil ka?"napaangat ako ng paningin kay Ro na may bitbit na walis at duspan. "Ang tigas talaga ng ulo mo kahit kailan? "malamig na ani nito.
Napanguso ako. "Hindi naman, dapat sinabi mo may bubog para tumigil agad ako. "reklamo ko.
Napabuga ito ng hangin kasunod ng pag ikot ng mata nito pataas.
Pumuwesto siya sa gilid ko at naupo, nanlaki ang mata ko ng bigla nitong hawakan ang binti ko at humagod ang kamay nito sa likod ko at iniangat ako.
"Te-teka. "pigil ko sa kanya ngunit nagpatuloy lang ito.
Binuhat niya kasi ako na pa bridal style na walang kahirap hirap. Napatitig ako kay Ro at napakurap habang ang kamay koy nasa dibdib ko. Ganun na ba talaga ako kagaan para mabuhat niya ako ng walang kahirap hirap o malakas lang talaga ang merlat na itey? Sabagay, maliit ako at balingkinitan ang sexy kung katawan. So, ganun siguro?
Marahan niya akong binaba sa sofa, I can smell the sweet scent coming from her hair ng dumulas ito paharap.
Bumalik si Ro na may dalang maliit na bag, nang buksan niya yun. First aid kit pala. Iniangat nito ang paa ko at pinatong sa hita niya.
"Ouch. "daing ko ng may hinila siya.
Nilagay niya ang bubog sa tissue na nakalatag sa mesa."Dahan dahan. "maarteng reklamo ko na ikinaikot ng mata nito.
"Ang arte mo. "ganti nito.
Pagkatapos niyang linisan ay nilagyan niya ito ng band aid. Binaba niya ang paa ko bago umurong palapit sakin.
"Akin na kamay mo. "utos nito sakin.
Agad ko namang inilahad sa kanya ang kamay ko na may mga hiwa na dumudugo at may maliliit na bubog.
Na-focus ang mata ko sa mukha ni Ro at biglang napatulala. Ba't ganun mas lalo siyang gumaganda kapag tinititigan. Nabalik lang ako sa ulirat ng bitiwan niya ang kamay ko at tumayo ."Hm? "napakurap kurap ako at napatingin sa kamay ko na may mga band-aid, tapos na pala hindi ko namalayan, kakatitig ko sa kanya. Maganda talaga si Ro hindi biro.
Hindi ko mapigilang pagmasdan si Ro habang winawalis ang mga bubog. Wala sa sarili akong napapangiti na agad ding napalis. Hala? Ba't ako ngumingiti? Baliw. Napatakip ako sa mukha ko na agad kung pinagsisihan dahil nasagi ko lang ang sugat ko.
---
"Best."
"Mm? "
"Best! "
BINABASA MO ANG
ROSE LAVENDER
RomanceAnong kabaliwan ang gagawin mo para lang sa pag ibig? Well, this is another story of a gay. Yeah , you read it right. Baklang desperado sa pag ibig . And that gay is Alter Rose Ignacio. Gusto niyang sumuko pero ayaw niyang bumitiw. Kahit masuka suk...