CHAPTER 4

92 6 0
                                    


ALTER

WAYS TO SEDUCE A WOMAN

1.Be sweet.
2.Be cute
3.Be sexy or hot.

Sa dami ng pwedeng pamamaraan, we end up with that list. We just sum up everything—kasi sabi ni Ange makakapag focus daw ako kapag konti lang. Well, I agree. Diyan nakasalalay ang kapalaran ko. Sa pamamagitan ng tatlong paraan na yan. I'll make that nakakairita tanders na merlat get head over heels sakin. Pagsisisihan niya ang pag snob sakin at pagtataray niya. Tinawag niya pakong bata. Tingnan natin kung sinong parang batang iiyak sa huli. Napa hawak ako sa labi ko at napangiti.

I can already imagine myself laughing in victory.

Dahil nga aware naman siya na interested ako kuno sa kanya, wala ng dahilan magpatumpik tumpik pa . Kara karaka ganurn.

Maaga akong nagising. Sa totoo lang hindi naman talaga ako nakatulog ng maayos dahil naninibago ako.

Napatingin ako kay Roaya na payapang natutulog. Pag tulog talaga mukang mabait ang mga tao. Pero pag..

"Ay! "sigaw ko. Bigla kasi itong nag mulat ng namumula nitong mata at bumangon.

Kaaga aga parang balak na ako lisanin ng kaluluwa ko sa gulat. Shocks, walang takutan! Napahimas ako sa dibdib ko, wala pakong kain tapos ganto? Kaya pala sabi nila masama titigan ang mga babae.  Nakakalerki.

Sinamaan niya ako ng tingin at napailing. Pagkatapos ay tumayo at pumasok sa cr. Ako naman ay lumabas.

Nagluto ako ng almusal syempre dinamay ko na siya kasi nga, be sweet. Isa pa may kasabihang a way to man's heart is through his stomach. Even though she's a wo-man. Man parin so I hope na effective. Tiyaka sino ba ang tumatanggi sa  pagkain, sa gracia? Wala.

Napa angat ang ulo ko ng mapansin ko siyang lumabas sa kwarto. Naka formal attire ito which is sky blue long sleeve tuck in her pencil black skirt.  With her black bag resting on her shoulder.

"Good morning."nakangiting bati ko.
Sa pagkagitla ko kanina hindi ko siya na bati. Ngunit hindi man lang ako nito sinulyapan dire- diretso lang ito patungo sa pinto palabas.

"Teka, hindi ka ba kakain? "habol na tanong ko. Ngunit tanging pagsara lang ng pinto ang narinig ko.

Tss. I rolled my eyes. Meron palang tumatanggi si Roaya. Kung ayaw niya. Edi 'wag.

Consistency is a must, sabi ni Ange —na parang pag e-excercise kailangan mo madalas gawin para makita ang resulta. Kaya kahit hindi niya ako pinapansin ay binabati ko siya sa umaga at sa gabi. Araw araw din akong nagluluto at inaaya siya kahit ako lang umuubos lahat kasi hindi siya kumakain kasi natutulog agad siya. Ganun lang ang nangyayari until weekend comes. Akala ko mag kakaroon na ako ng chance para maka usap siya ngunit ganun parin maaga itong umalis at hindi ko na napansin kung anong oras ito nakauwi kasi nakatulog nako.

Halata naman na ayaw niya sakin. Well, hindi ko siya masisisi. Ikaw ba naman yung makulit na nang hihingi ng number mo ay bigla na lang naging roommate mo ay magiging ilag din ako at maki-creep out.

At least hindi mukang pusit o kung ano man, dapat nga matuwa pa siya kasi ang ganda ng kasama niya. Tss. Andami kayang nagkakagusto sakin kaso mga merlat. Eww lang.

And today is Sunday nagising ako na mag isa sa apartment na'to. Walang Roayang makikita. This is bad . Kung patuloy  na ganto ng ganto, walang mangyayari. Kairita.

"~Cause the players gonna play, play, play, play, play  And the haters gonna hate ,hate hate , hate, hate Baby I'm just gonna shake, shake, shake, shake, shake I shake it off I shake it off. ~"

ROSE LAVENDER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon