ALTERIniangat ko ang kamay ko at kinatok ng tatlong beses ang puting pintong nasa harap ko. Agad naman itong bumukas at bumungad ang isang babaeng may mahaba ngunit magulong buhok na ngayon ay naghihikab sa harap ko, dahilan para mapatakip ako sa ilong ko at mapa salubong ang kilay.
Hindi man lang nahiya. My gosh. Parang hindi babae. Balahura. Halatang kagigising lang.
"Good morning babe. "nakangiting bati nito sakin.
I cringed under my hand. Babe her face.
"Walang good sa morning pag nakikita kita Ella. "pagtataray ko sabay tulak sa kanya patabi at agad na pumasok.
"Babe, kaliit liit mo ang tapang tapang mo. Kaya kita mahal e. "
"Eww. Tigil tigilan mo nga ako Ella. "umakto ako na nasusuka. "Kita mo nasusuka ako sayo. Isa pa maliit nga ako pero mas maganda naman ako sayo duh! Matangkad ka lang. "sabay rolyo ng mata pataas.
"Eh kung halikan kaya kita ngayon? "nagbabantang saad nito na nakangisi.
"Subukan mo para makalbo kita. "matapang na sagot ko. At sinamaan siya ng tingin.
"Ano na naman yan? "reklamo ni Ange na kalalabas lang. At sinusuklay ang kulot niyang buhok na medyo basa pa. Nakabihis na ito at nakasukbit narin ang bag.
"Ito kasing kapatid ni Jax nakakapang init ng ulo. Bat ba kasi ginawa mong roommate yan. "
"Ikaw kasi iniwan mo siya. "sabat ni Ella na ngayon ay nakasandal sa pinto.
"Wala kang paki. "ani ko sabay irap dito.
Kung kanina ako yung may ininis ngayon ako naman ang naiinis. Dahil sa merlat na nagngangalang Ella.
"Teka, bakit nagtatakip ka sa ilong mo? "nagtatakang pansin ni Ange. Hindi ko kasi binababa ang kamay ko mula sa mukha ko."Ang baho kasi ng isa diyan."sabay dapo ng paningin ko kay Ella.
"Babe, maarte ka lang. Tiyaka ang ilong malapit sa bunganga."
Napailing si Ange "Tara na. "aya ni Ange na nauna ng lumabas.''Baka kung saan pa makarating yang mga sinasabi niyo."
Sumunod ako sa kanya at inirapan si Ella. Matamis na ngiti naman ang ganti ng bruha. Nakakairita talaga yun.
-
Pagkarating namin sa mall ay dumiretso kami sa isang fast food chain para kumain muna. Alas dose narin kasi, isa pa mas magandang maglibot kapag busog.
Pagkatapos kumain ay nag-ikot na kami sa department store sa menswear section. Naghahanap ng panregalo ni Ange kay Jax. Dahil 2nd anniversary na nila. Naway lahat talaga strong parin.
"Best, maganda ba? "sabay angat ni Ange sa isang denim jacket namay hood na black.
"Maganda. Bagay yan kay Jax. "napatango ito."Ito na lang ang bibilhin ko. "
Iba talaga si Ange mabilis pa sa alas kwarto mamili. Sabagay maganda naman napili ni Ange tiyak magugustuhan ni Jax.
Pagkatapos namin sa men's section ay lumipat kami sa ladies section naman. Titingin tingin ng maganda pag may nagustuhan syempre bibilhin.
"Best! Bagay to sayo. "sabay taas ng maiksing short na red na red.
"Masyadong maiksi best."reklamo ko. Ito kasi yung tipong short ng mga babae na parang papante na sa eksi. Maganda pa naman sana yung kulay bagay sakin.
"Ano ka ba pambahay mo lang naman tapos partneran mo ng oversized shirt? Pang akit mo kay Roaya malay mo madala. "anito ng nangingiti at ginagalaw galaw ang kilay.
BINABASA MO ANG
ROSE LAVENDER
RomanceAnong kabaliwan ang gagawin mo para lang sa pag ibig? Well, this is another story of a gay. Yeah , you read it right. Baklang desperado sa pag ibig . And that gay is Alter Rose Ignacio. Gusto niyang sumuko pero ayaw niyang bumitiw. Kahit masuka suk...