ALTER
Una kung ginisa ang sibuyas bago ang bawang dahil madali lang itong masunog at dahil yun narin ang nakasanayan ko. Idinagdag ko na ang hipon at hinintay na pumula o maluto bago inilagay ang ginayat kung carrots kasunod ang repolyo at hinalo.
"Kuya Alter. "tawag sakin ni Shana na nasa tabi at kumakain ng apple.
"Bakit baby? "tanong ko sa kanya na saglit siyang nilingon bago kinuha ang mga pampalasa at inilagay sa niluluto ko.
"Dito po ako matutulog? " magalang na tanong nito.
"Yes, baby. "sagot ko at maingat na nilapit ang sandok sa labi para tikman ang niluluto ko.
"Mom say, ikaw daw po mag aalaga sakin while she's working? Tama po? "sunod sunod na tanong nito.
"Oo." tipid kung sagot.
Kauuwi ko lang galing sa school at binubuksan ang pinto ng lapitan ako ni Roxanne bitbit si Shana kanina at nakiusap sakin na baka pwede niyang iwan sakin ang anak niya ngayong gabi dahil papasok na ito sa bagong trabahong nakuha nito at panggabi ang pasok niya. Hindi pa daw kasi siya nakakahanap ng magbabantay dito.
Tapos bigla kung naalala ang sinabi ni Trench nung nakaraang araw, 'Roaya like kids'. At naisip ko na magandang oportunidad ito na baka ito na yung way to draw Ro closer to me. So, I suggested to Roxanne na ako na lang ang mag aalaga kay Shana tuwing gabi. Agad naman siyang pumayag. Buti daw kasi ayaw niya daw talaga ipabantay si Shana sa hindi niya kakilala. Mahirap na daw kasi magtiwala sa panahon ngayon baka kung anong gawin sa bata. Hindi ko rin naman siya masisisi. Maraming napapabalita na yung pinapabantay sa mga bata ay ina-abuse ito.
"Can I call you daddy? "napalingon ako sa hindi inaasahang tanong nito at napakurap kurap.
Ano daw?
"Daddy? "pag-uulit ko sa huling salitang binitawan niya na agad niyang sinagot ng pagtango. Habang tinititigan ako ng hindi man lang kumukurap. Kaloka. "Uhm.. O-kay. "nag aalangang sagot ko. Wala namang masama dun. Mas maganda sana kung mommy tawag niya sakin dibah? Charot!
"Yehey. I have a daddy na! "masayang sambit nito na malawak ang pagkakangiti habang pumapalakpak at tumatalon talon pa. Halatang halata ang tuwa dahil sa sinagot ko.
Habang pinagmamasdan ko si Shana ay hindi ko mapigilang ngumiti bigla akong nahawa sa kagalakan niya. Alam mo yun nakaka aliw si Shanang pagmasdan na akala mo ay nanalo sa isang palarong pambata at nakuha niya ang pinaka magandang premyo. Bigla tuloy akong napa isip kung nasaan ang papa nitong si Shana. Wala naman kasi akong nakikitang dumadalaw sa kanila. Sila lang talagang mag ina ang lagi kung nakikitang magkasama sa apartment at kapag lumalabas.
"Shana saan ba papa mo? "biglaang tanong ko out of curiosity.
Napalis ang ngiti nito at napanguso na sinundan nang pagkibit balikat. "Sabi ni mama, papa don't want us that's why he lives far far away. "malungkot na saad nito na nasa baba ang tingin. I can feel her loneliness and longing for her father.
"Nakita mo na ba papa mo? "sunod na tanong ko na inilingan nito. Tila mas lalo pa itong nalungkot. Bigla akong nakonsensiya, dapat siguro ay hindi ko na binuksan ang topic tungkol sa papa niya. Dapat kay Roxanne na lang ako nagtanong. Napalungkot ko tuloy si Shana. Naupo ako para pantayan ang laki niya. At hinawakan siya sa magkabilaang balikat. "It's okay. Don't be sad. Maybe one day you get to see him. For now, ako muna ang daddy mo. "sambit ko dahilan para mapangiti ito at mapatango. "And, you can call the pretty lady mommy too. Tapos ikaw ang magiging baby namin. "nakangiting sambit ko na nagpa-awang sa labi niya.
"Really? " anito na namimilog ang mga mata. Bakas din sa tono nito ang excitement. Ako naman ang napatango. "Yey! "masayang bulalas nito na pinanumbalikan ng saya.
"So, lets wait for your mommy Ro okay? "
"Okay!"maganang sagot nito.
Tumayo ako at pinatay ang stove. Pagkatapos ay napalingon sa orasan na nakasabit sa dingding malapit sa pinto. Nakaturo ang dalawang kamay nito sa ika-anim na numero. Exactly six o'clock na ng hapon ano mang oras ay darating na si Ro.
Sakto naman ang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Ro. Speaking of..
Nagulat ako ng biglang tumakbo si Shana palapit kay Ro. "Hello mommy!" masayang salubong nito sabay yakap sa may binti na ikinabigla ko.
Nakita ko ang bahagyang pagkagulat ni Ro na tinitigan si Shana na ngayon ay naka angat ang tingin sa kanya. Inilipat niya ang tingin sa akin na may kunot sa noo na tila nagtatanong "Kung sino yung bata o kung bakit may bata?''
Napakagat ako sa ibabang labi bago pinasilay ang ngiti sa aking labi.
"She's our daughter Ro. " nangingiting saad ko.
"What are you talking Alter? "mas lalo pang gumusot ang noo nito na tila hindi nagustuhan ang aking sinabi.
"She's Shana okay, anak ng kapitbahay natin sa tabing pinto na ngayon ay magiging alaga ko. Right Shana? "
"Yes po. "magalang na sagot nito bago kumalas kay Ro." Mommy lets eat together po. "anito na lalong nagpangiti sakin.
Napakurap si Ro at dahang dahang tumango. Hinawakan nito ang kamay ni Ro na may ngiti sa mga labi at sinamahan ito papasok sa kwarto. Sa cuteness na taglay ni Shana alam kung hindi siya matatanggihan ni Roaya.
--
"Mama likes to read books. Do you read books too mommy? "tanong nito kay Ro.
''Yes."tipid na sagot ni Ro.
Kung anu ano pa ang tinatanong nito at kinukwento kay Ro na pinapakinggan ko lang at tinatanguhan naman ni Ro.
"Here, Shana. "sambit ko na ikinalingon nito sakin sabay lapit sa bunganga niya sa kutsarang hawak ko at isinubo ang laman nito sa kanya.
Binalikan ko ang plato ko at sumubo muna. Pagkatapos ay muling sinubuan si Shana. Patuloy lang nitong dinadaldal si Ro kapag wala ng masyadong laman ang bunganga niya. Hanggang sa matapos kami kumain.
Hindi pa ako nakakapag alaga o nakakapagbantay ng bata before. Kasi hindi naman ako mahilig sa mga bata. Pero tingin ko okay lang naman. Hindi naman siguro ako mahihirapan kasi tuwing gabi lang naman iiwan sakin si Shana at hindi naman siya ganun kahyper kumpara sa iba.
Marahan kung sinuklay ang mahabang buhok ni Shana. Ang smooth at ang soft ng buhok niya ang sarap hawakan. Alam mo yun. Ang pino ng grano."Ayan na tapos na. "sambit ko ng matapos kung tirintasin ang buhok niya.
Humarap ito sakin. "Thanks daddy. "malambing na sambit nito. Pagkatapos ay tumayo sa higahan ko at lumapit sakin at hinalikan ako sa pisngi. Napangiti ako. Aww, ang sweet naman.
"Sleep na baby okay?"tumango ito bilang tugon sakin. Akala ko ay hihiga na siya para matulog nang bumaba ito sa higaan ko at umakyat sa kabilang higaan.
Agad akong napatayo at nilapitan ito.
"Baby girl dito ka matutulog sa tabi ko hindi diyan. "
Tinitigan niya ako bago naupo sa gitna ng higaan ni Ro.
"But this one is huge."anito na ini-strech pa ang magkabilaang braso sa higaan.
"Magagalit si mommy Ro mo. "
Matamis itong ngumiti. "Then I'll ask mommy po. "
Maya maya pa'y bumukas ang pinto ng cr at lumabas si Ro.
"Mommy can I sleep here?"
Napatingin sakin si Ro bago binalik ang tingin kay Shana at tumango na tingin ko ay napilitan lang?
Katulad ng ginawad niya sakin ay hinalikan niya rin si Ro sa pisngi bago nahiga."Good night daddy and mommy sweet dreams. "malambing na sambit nito na nakapagpangiti sakin. Ewan ko lang kay Ro. Wala kasing emosyon ang mukha nito.
"Good night baby."sagot ko bago nahiga sa higaan ko.
BINABASA MO ANG
ROSE LAVENDER
RomanceAnong kabaliwan ang gagawin mo para lang sa pag ibig? Well, this is another story of a gay. Yeah , you read it right. Baklang desperado sa pag ibig . And that gay is Alter Rose Ignacio. Gusto niyang sumuko pero ayaw niyang bumitiw. Kahit masuka suk...