"KYAHHH!! "tili ko ng mamulatan ko ang pagmumukha ni Chelsey na nakatitig sakin.
"KYAHH! "tili niya din at napa atras habang sapo ang dibdib.
"My gosh! "bulalas ko at napapikit ng mariin habang pinapakiramdaman ang malakas na kalabog sa aking dibdib.
Parang niliparan ako ng kaluluwa sa kanya. Ka-aga-aga teh! Bakit nandito parin siya?
"Sorry Alter, mukang natakot ata kita. "hingi niya ng paumanhin.
I rolled my eyes internally. Mukang natakot? Baka natakot niya talaga ako, hindi naman ako titili kung hindi diba? Minulat ko ang mga mata at napabuga ng hangin bago bumangon.
"Teh, bakit mo kasi ako tinititigan habang natutulog? Kalerki ka ha! "kunot noong tanong ko.
Napangiti naman siya na nagpa-angat ng kilay ko. Luh?
"Ah, akala ko kasi binabangungot ka kanina umuungol ka kasi. "saad nito na nagpalaki ng mga mata ko. Saglit namang napatiim ang mga labi niya na tila nagpipigil matawa. "Tapos nung lapitan kita para gisingin gumagalaw yung nguso mo kaya napatitig ako sayo. "paliwanag niya. "Hindi ko naman akalaing magmumulat ka ng mga mata at gigising. "natatawang dugtong pa nito.
Napasinghap ako at napatakip ng bunganga.
"Wee? Sa true? "hindi makapaniwalang sambit ko na tinanguhan niya.
OMG! Napatakip ako sa mukha ko at pakiramdam ko umangat ang dugo ko. That's embarrassing! Pano kung nabanggit ko pangalan ni Ro? Pano kung—nakakainis, nakakahiya te!
"Kaya pala yung ungol mo parang kakaiba. Siguro ang ganda ng panaginip mo no? "makahulugang tanong nito na bahagya pang pumitik ang isang kilay bago naupo sa higaan ni Ro na may malokong ngiti.
"Oo—hindi—ay,"naiiling at naguguluhang sagot ko. Hindi ko kasi alam kung masasabi ko bang pangit o ano? "Teka, asan pala si Roaya? " pag iiba ko, baka kung ano pa masabi ko.
"Ah, nasa baba pinuntahan niya si manang nawalan kasi ng tubig."tugon nito.
"Ah. "tugon ko kasabay ang maliit na tango." Anong oras pala kayo nakauwi kagabi? Hindi ko man lang kayo namalayan." usisa ko dito. Gusto ko rin sanang itanong kung bakit hanggang ngayon andito parin siya.
"Mga alas onse na 'yon. Tulog na tulog kana nga e. "
"Ah. " na focus naman ang mata ko sa suot niya.
Naka loose shirt kasi siya na baby blue na may all caps print na ' SOFT ' at naka puting pajama na lahat ay damit ni Ro.
Napaismid ako. Naku-cute - an ako sa damit na yan pag suot ni Ro pero hindi sa kanya. May binabagayan pala ang T-shirt na yan.
Sabay kaming napalingon ng umawang ang pinto at iniluwa si Roaya.
"Bal, okay na pwede kana maligo."saad nito na ang tingin ay nakapukol kay Chelsey.
Napangiti naman ito. "Okay. "tiyaka tumayo at pumasok sa cr.
Napatitig naman ako kay Roaya na naka black sleeveless na hapit sa katawan niya at gray na jogging pants. Anong meron? Ngayon ko lang siya nakitang mag sleeveless panay kasi siya T-shirt pag nandito sa apartment. Bagay sa kanya.
Napakurap ako ng magtama ang mga mata namin na agad kung iniwas pakiramdam ko umangat ulit dugo ko sa mukha, nag iinit na naman kasi.
"Malalate ka na. "wika nito na nagpabalik ng tingin ko sa kanya na siya namang ikinalabas niya ng kwarto.
BINABASA MO ANG
ROSE LAVENDER
RomanceAnong kabaliwan ang gagawin mo para lang sa pag ibig? Well, this is another story of a gay. Yeah , you read it right. Baklang desperado sa pag ibig . And that gay is Alter Rose Ignacio. Gusto niyang sumuko pero ayaw niyang bumitiw. Kahit masuka suk...