Chapter 14

3.5K 183 20
                                    

Flynn

"Ladies and gentlemen, Memalo Airlines welcomes you to Manila. The local time is 3PM. For your safety and safety of those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisle clear until we are parked at the gate." Masayang paalala ng flight attendant na naatasang magsalita sa lahat ng pasahero bago bumaba ng eroplano.

Agad naman kaming sumunod sa mga sinabi ng flight attendant at hindi rin nagtagal ay pinababa na kaming mga pasahero.

Nang matagumpay kaming makababa sa eropano ay agad na bumungad sa amin ang malakas na hampas ng hangin dahilan para mapangiti ako.

Haaay! Ito pala ang simoy ng hangin ng maynila.

"Tigil mo na yang pag-emote emote mo, Flynn. Parang ngayon ka lang nakalasap ng hangin ah!"

Katulad ng tirik na tirik na araw ay ang pagtirik din ng aking mga mata nang marinig ko ang boses ni Dencio dahilan para mapaharap ako sa kanya.

"Alam mo, Dencio ang epal mo talaga ngayon!" tanging nasabi ko lamang rito atsaka ko ito inismiran ngunit pinagpatuloy niya pa ang pang-aasar sa akin nang makita kong mas lumawag pa ang kanyang mga ngisi.

"Ikaw naman alam mo ba, Flynn na ang cute cute mo ngayon!" pang-aasar niya pa sa akin ngunit imbes na mapikon ako sa kanyang mga itinuran ay parang mas nanaig ang pagkakilig ko.

Shuta! Alam ko namang pinagtitripan lang ako ni Dencio at wala siyang magawa ngayon kundi asar-asarin ako pero bakit parang ang big deal sa akin no'ng sinabihan niya ako na ang cute ko raw?

Imbes na sagutin ko si Dencio ay mabilis ko itong tinalikuran dahil nararamdaman kong parang namumula ang mukha ko dahil sa kanyang mga sinabi.

Narinig ko pa ang ilang pagtawa nito dahilan para magmadali ako sa paglalakad ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako nang pigilan niya ako.

"Mali ka ng direksyon, Flynn." rinig kong sabi nito sa akin dahilan para muli ko siyang pagtuunan ng pansin.

"Saan ba kasi ang daan?" agad ko namang tanong rito.

Imbes na sagutin ako ni Dencio ay lumapit lamang ito sa akin hanggang sa laking gulat ko na lang na bigla niyang isinukbit ang kanyang braso sa balikat ko na siyang dahilan upang mapatingin ako sa kanyang mukha.

Nakita kong ngumiti lamang ito sa akin atsaka siya nag-aya, "let's go."

Hindi ko na nagawa pang umangal pa ng magsimula na siyang maglakad dahilan para mapasabay na lamang ako sa kanya.

Hindi ko naman naiwasang mapangiti ng patago dahil ngayon nga ay naka-akbay sa akin si Dencio habang naglalakad kaming dalawa dahilan para maamoy ko rin ang kanyang pabango na sobrang gustung-gusto ng aking pang-amoy.

"Hindi ka pa ba nagugutom, Flynn?" paunang tanong nito sa akin nang makalabas kami ng airport at base sa kanyang mga sinabi kanina ay pupunta raw kami sa kanyang condominium kung saan siya tumira ng ilang taon dito sa maynila.

Agad naman akong umiling kay Dencio atsaka ko siya sinagot, "Hindi pa ako gutom."

Nakita kong tumango ito sa akin bago niya kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa at nang mapasilip ako sa screen nito ay nakita ko ang pag-book niya ng sasakyan.

"Grabe! Ang lalaki at tataas pala talaga ng mga buildings dito sa maynila 'no?" hindi ko na napigilang sabihin habang nililibot ko ang aking paningin sa mga matatayog na gusali na animo'y mga naglalakihang tore sa isang fairytale.

The Governor's Son [BxB] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon