Chapter 26

4K 178 25
                                    


Flynn

"He loves me?" gulat kong tanong sa aking sarili nang laruin ko ang isang di pamilyar na bulaklak na pinatas ko sa malawak na garden ng Walton University.

Nang maisipan ko kasing tumambay sa hardin ng eskwelahan noong magkaroon kami ng vacant na oras ay dito ko naisipang magpahinga hanggang sa patago nga akong pumitas ng isang pirasong bulaklak na kung saan ay hindi ko alam kung anong uri ba ito ng bulaklak at basta ko na lamang nilaro ang mga talulot nito.

Hanggang sa may natira ngang isang pirasong petal sa bulaklak dahilan para sumilay na lamang ang mga ngiti ko ng malaman ang naging resulta sa nilalaro kong 'He loves me o he loves me not?'

Mas lalo pang lumawak ang mga ngiti ko nang muli ko na namang maalala ang binitiwang salita ni Dencio kagabi bago ito mawalan ng malay at lamunin ng kadiliman dahil sa kalasingan.

"I'm sorry. Mahal din kita."

Oh jusko! Halos hindi ako patahimikan ng utak ko kagabi kakaisip sa mga isinambit ni Dencio dahilan para hindi ako makatulog ng maayos sa kanyang tabi.

Napatigil na lamang ako sa aking pagbabalik-tanaw nang bigla ko na lamang marinig ang cellphone ko dahilan upang agad ko itong kunin sa bulsa ng aking pantalon.

Literal na nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang sender ng text dahilan upang buksan ko agad ang mensahe na galing kay Dencio kung saan hindi ko ito inaasahang mag-reply sa aking text kanina.

Good morning, Flynn! Thank you sa breakfast na inihanda mo. Kita tayo mamaya sa labas ng campus may pupuntahan tayo.

Sa pangalawang pagkakataon ay muling napalawak ang mga ngiti ko hanggang sa hindi ko na napigilan pa ang aking sarili na mapatili na lamang kahit na may iilang napapatingin sa gawi ko dahil mas importante para sa akin ngayon ang nakakakilig na mensahe ni Dencio para sa akin.

"Mga kabataan nga naman. Kailangan tumitili pa kapag makaka-receive ng text sa kanilang jowa, tapos habang naghihintay naman ng mensahe sa kanilang kasintahan ay kailangan pang pagdiskitahan ang kawawang bulaklak."

Natigilan na lamang ako sa aking kinauupuan at napatigil din ako sa pagtititili ko nang marinig kong may nagsalita sa harapan ko dahilan upang makita ko na lamang ang isang 'di pamilyar na medyo may katandaan na na isang lalaki. Hindi ako sigurado ngunit sa tingin ko ay nasa edad 50-59 years old na siya.

"Anong pangalan mo, hijo?" rinig kong naging tanong nito dahilan upang mapalingon ako sa magkabilang gilid ko upang siguraduhin kung ako nga ba talaga ang kanyang tinatanong.

"Huwag ka ng magpalinga-linga d'yan sa paligid dahil ikaw ang tinatanong ko." anito dahilan para makumpirma kong ako nga ang kausap niya.

Napakamot na lamang ako sa aking ulo bago ako sumagot sa kanya, "pasensya na ho. Ako po si Justin Flynn Samartino."

Matapos kong sambitin ang buong pangalan ko ay muli niya na naman akong tinanong.

"Anong course mo hijo? Saan ang college department mo?"

"Sa CAFA po. College of Architecture and Fine Arts po." muli kong sagot dito.

Nakita kong tumangu-tango lamang ito sa harap ko dahil sa aking mga naging sagot.

"Last warning na 'to hijo ha. Pagbibigyan kita sa ngayon. Ayoko sa lahat ay pumipitas sa mga bulaklak ko dahil maniwala ka man o sa hindi ay ako ang pumili at nagtanim ng mga bulaklak dito sa university na pinag-aaralan mo kaya sana'y hindi na ito mauulit pa. maliwanag ba?" striktong sabi nito sa akin dahilan para mapatangu-tango lamang ako sa mga sinabi niya.

The Governor's Son [BxB] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon