Chapter 4

5.3K 283 43
                                    


Flynn


"Kumusta naman ang pagkikita niyong dalawa ni Dencio, Flynn?" tanong sa akin ni Jamie dahilan para mapatigil ako sa pagkalikot ko sa aking cellphone.


"Ayos lang naman." simpleng sagot ko lamang sa kanya at muli kong pinagtuunan ng pansin ang pagkalikot ko sa aking telepono.


"Ayos lang? seryoso ka ba sa mga pinagsasabi mo, Flynn?! Tatlong taon kayong hindi nagkita tapos iyon lang 'yon? gano'n lang 'yon?! Sasabihin mong ayos lang kayo?" dagdag pa niyang sabi sa akin dahilan para muli kong itigil ang pagtipa sa aking telepono.


Base sa ekspresyong nakikita ko sa kanyang mukha ngayon ay talagang mararamdamang may galit din ito kay Dencio dahil na rin siguro sa ginawa nga niya sa akin noon.


"E ano bang dapat na kailangan kong gawin? kailangan ko pa bang magpa-party para sa pag-uwi niya ngayon dito sa probinsya? Heto na nga oh birthday niya na nga Jamie at inimbitahan niya pa tayo!" naiinis kong saad rito sabay itinuro ko ang mga bisitang nakaupo di kalayuan sa aming kinauupuan.


Narinig kong napabuntong hininga si Jamie bago muling magsalita.


"Flynn, ang sa akin lang naman ay dapat mong---" hindi ko na pinatapos pa siyang magsalita dahil natitiyak kong alam ko na ang susunod niyang sasabihin.


"ang sayo lang naman ay gusto mong aminin ko pa ang nararamdaman ko para sa kanya? Tama ba ako, Jamie?"


Unti-unti itong tumango sa akin na nagsasabing nakuha niya ang gusto kong sabihin.

Ako naman ay napabuntong hininga ng malalim sa kawalan.

"Masaya siya noong inamin ko kanina na wala na akong nararamdaman para sa kanya." mahina kong sambit ngunit sakto lamang para marinig ito ni Jamie.

Mapait akong napangiti habang humarap akong muli kay Jamie na nasa aking tabi.


"Masaya rin siya nang malaman niyang tanggap ko na magkaibigan na lang kaming dalawa." dagdag ko pang sabi at naramdaman ko na lamang na hinagod ni Jamie ang aking likuran dahil huli na nang mapagtanto kong tumutulo na pala ang aking mga luha.


"Anong magagawa ko Jamie kung heto lang ang paraan para sumaya si Dencio? Na heto yung paraang hindi niya na dapat malaman pa dahil paniguradong kapag matutuklasan pa niya na may nararamdaman pa rin ako sa kanya ay muli na naman kaming babalik sa dati?" patuloy ko pang sabi rito habang hinahayaan ko lamang ang aking mga luha sa pagtulo.


"Pero sa tingin mo ba, Flynn ay ayos lang talaga sayo na magiging magkaibigan na lang talaga kayo ni Dencio?" tanong ni Jamie na aking ikinatigil sa aking pwesto.


Matatanggap ko nga bang hanggang mag-best friend lang kami ni Dencio? Makakayanan ko nga kaya ang ganoong set-up para sa aming dalawa?


"Let's all welcome, ang pagbabalik ng nag-iisang anak ng ating butihing governor dito sa ating probinsya! Let's give around of applause for our birthday celebrant, Mr. Kristoffer Denniz Montefiore !"

The Governor's Son [BxB] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon