Chapter 33

3.9K 138 19
                                    


Flynn

"Maligayang pagpunta sa Laiya!" sabay-sabay na bati ng mga tauhan dito sa hotel na kung saan kami mamamalagi ni Dencio ng ilang araw.

Mababakas sa mga mukha nila ang saya dahilan upang mahawa kami ni Dencio at napangiti rin sa kanilang lahat.

Sa totoo lang ay gustung-gusto ko yung mga ganitong tao. Yung alam mong masaya sila habang ina-acommodate yung mga guest ninyo.

Nilapitan kami ng isang head dito sa hotel upang gabayan kami patungo sa aming kwarto dahilan para magpaalam kami sa lahat at sumunod sa babae.

"Here's your key po. If may problema or concerns po tayo you can call po sa ating receptionist para ma-guide and ma-resolve po natin if may mga kataningan po tayo regarding sa hotels." paliwanag ng head sa amin at kasabay no'n ay ang pag-abot nito ng susi kay Dencio para sa aming magiging kwarto.

Nagbilin pa siya ng kaunti tungkol sa iilang rules and regulations ng hotel at hindi rin nagtagal ay nagpaalam na ito sa amin dahilan para pumasok na kaming dalawa sa aming magiging silid.

"Ang ganda!" hindi ko napigilang sambit nang makapasok kami ni Dencio sa kwarto na pagtutuluyan namin.

Sa katunayan ay nabighani ako sa mala-aesthetic na disenyo ng kwarto kung kaya't nasabi ko ang dapat na nasa isipan ko lamang.

"Nagustuhan mo ba yung room?" naging katanungan sa akin ni Dencio dahilan para mapatango ako sa kanya.

"Oo, Dencio. Ang ganda ng kwarto na napili mo. Sobrang nagustuhan ko siya." masayang sagot ko pa rito dahilan para makita kong mapaganti siya ng isang matamis na ngiti sa akin.

"Mas maganda ka pa rin, Flynn." rinig kong sabi nito sa akin at nakita ko pang kumindat pa ito sa harap ko dahilan para mapairap ako sa kanya.

"Ewan ko sayo." tanging nasabi ko lamang rito at bahagya akong lumayo sa kanya upang itago ko ang pinipigilan kong mga ngiti dahil sa kanyang mga sinabi.

Bwisit ka naman, self! Hindi naman nakakakilig yung sinabihan ka ng maganda ha?! At saka lalaki ka pa rin kaya dapat hindi ka magpatawag na maganda! Joke lang!

"Uy ganda! Harap ka naman dito." rinig kong pagtawag sa akin ni Dencio at halata sa kanyang boses na pinagtitripan niya ako ngayon.

Imbyerna talaga 'tong si Dencio! Kainis siya!

Hindi ko pinansin ang pang-aasar niya sa akin dahil mas pinili ko na lamang na ipagpatuloy ang ginagawa kong pagtupi sa aming mga damit habang maayos ko rin itong inilalagay sa cabinet na gawa sa kahoy.

Ang ganda naman nitong wooden cabinet na 'to! Para tuloy ang sarap nitong iuwi sa condo ni Dencio.

"Grabe! Ang snob naman ni ganda. Uy ganda harap ka dali may kiss ka sa akin kapag humarap ka promise!" patuloy niya pang pang-aasar ngunit agad kong pinigilan ang sarili ko na mapaharap sa kanya dahil panigurado akong nakakalokong ngisi lamang ang igagawad niya sa akin at sigurado rin akong mauuwi lang ako sa pagkapikon sa kanya.

Knowing Dencio na ang lakas mamikon katulad ni Jude na nakakainis kapag mang-aasar! Grr!

Hala shocks! Oo nga pala. Kumusta kaya si Jude ngayon? Nakalimutan ko nga pala yung usapan namin noong nakaraan na ililibre ko siya dahil nakapasok siya sa basketball team ng university namin. Hays. Siguro babawi na lang ako sa kanya pagkauwi namin ni Dencio ng maynila.

Napatigil bigla ang pag-iisip ko sa bago kong kaibigan na si Jude nang maramdaman ko na lamang na may yumapos sa aking baywang dahilan para mapalingon ako rito.

"Dencio---

Hindi ko na naipagpatuloy pa ang gusto ko sanang sabihin sa kanya nang bigla niya na lamang sakupin ang aking labi dahilan para mapapikit na lamang ako.

The Governor's Son [BxB] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon