Chapter 30

3.7K 168 15
                                    


Flynn

"Ang aga mo yatang dumating ng campus ngayon, Flynn ha? halos isang oras pa bago ang pasok natin?"

Agad akong napalingon sa nagsalita dahilan para makita ko na lamang si Jude na ngayon ay nakalapit na sa silyang kinaroroonan ko.

"Hindi kasi ako makapag-concentrate sa dorm ni Dencio kaya mas pinili ko na lang na pumasok ng maaga para makapag-review ako rito." tanging naging sagot ko lamang rito at nakita kong nagpatangu-tango lamang ito sa mga sinabi ko.

"Eh ikaw ba? bakit ang aga mo rin yata pumasok ngayon? 'Di ba madalas late kang pumasok sa first subject natin?" balik-tanong ko rito nang makita kong nilaro niya ang bola ng basketball na hawak-hawak niya ngayon.

"Nag-try out kasi ako para makapasok sa basketball team ng campus." sagot lamang nito sa akin dahilan para ako naman ang magpatangu-tango rito.

"Ahh gano'n ba? Eh ano namang nangyari sa pag-try out mo?" usisa ko pa rito kay Jude habang hinihintay ko ang magiging kasagutan niya.

"Syempre.. pasok." simpleng sagot nito sa akin dahilan para ako naman ay mapangiti at mapalakpak sa kanyang harapan.

"Wow! Ang galing mo naman, Jude. Congrats!" pagbati ko rito na kanya namang ikinatango at gumanti ng pasasalamat.

"Libre mo na lang ako ng fishball at kikiam sa labas mamaya okay na ako do'n, Flynn." nakangiting saad nito ni Jude sa akin at talagang nagpalibre pa ito gayong alam naman naming dalawa na mas mapera siya kaysa sa akin.

"Ay grabe! 'Di ba dapat ako ang i-treat mo since ikaw yung nakapasa sa try out? Parang mini celebration kumbaga ganon?" katwiran kong sabi rito ngunit umiling lamang ito sa akin.

"Hindi dapat gano'n, Flynn. Ang dapat na ililibre ngayon ay walang iba kundi ako since ako naman ang nakapasa sa try out kaya ako ang ililibre mo mamaya." pagdispensa nitong naging sagot sa akin at dahil naisip ko namang may punto siya tumango na lamang ako rito.

May point din naman 'tong si Jude since siya nga yung nakapasok sa basketball team ng university kaya deserve niya ring ilibre ko siya kahit na fishball at kikiam lang ang gusto niya.

Okay fine. Dahil medyo mabait naman ako at may kaunti rin akong pera ay ililibre ko na lang din siya nang tig-bebenteng gulaman mamaya.


Naging mabilis ang takbo ng oras hanggang sa mag-umpisa na ang una naming subject ngayon.

"Okay class dahil hindi naman tayo masyadong naghahabol ng lesson ay mayroon akong ipapagawa sa inyo which is a debate na kung saan ay malaya kayong maghahanap ng ka-partner ninyo and magte-team up para sa topic na ibibigay ko." paliwanag ng professor namin dahilan upang mapatangu-tango lamang kami sa kanyang mga sinasabi.

"Partner tayo Flynn ha." rinig kong sabi ng aking katabi na kung saan ito ay walang iba kundi si Jude na ngayon ay ngiting-ngiti habang nakatingin sa akin.

Infairness. Ang puti-puti ng ngipin niya. Pwede siyang maging endorser ng toothpaste.

"May choice ba ako?" natatawa-tawa kong sabi lamang sa kanya dahil as if naman ay tatanggihan ko 'tong balakubak na 'to.

"Sus! Crush mo lang ako e kaya gusto mo akong maka-partner, Flynn e!" pang-aasar nito sa akin dahilan para agad ko siyang irapan.

"Wow, Mr. Jude Montemayor! For your information po ay kayo po kaya hetong nag-aya sa akin na maging ka-partner ako! Naumpog po ba ang ulo ninyo, ginoo? dahil para po yatang nagkaroon kayo agad ng amnesia?" nakataas kilay kong sabi rito na kanya namang ikinatawa lamang.

The Governor's Son [BxB] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon