Chapter 41

1.8K 79 19
                                    


Flynn


"Ma, nag-aalala po ako kay Dencio." lumuluhang sambit ko kay mama habang binabaybay namin ang ospital na sinabi ni ninong Anthony nang makausap ko ito sa cellphone kanina.


Narinig kong napabuntong hininga si mama sa aking tabi


"Anak, huwag ka masyadong mag-alala kay Dencio, alam kong hindi siya pababayaan ng poong maykapal. At huwag ka rin masyadong magpaka-stress lalo pa't may bata d'yan sa sinapupunan mo. Siguro ang mas maganda nating gawin ay magdasal tayo para mapabilis ang paggaling ng nobyo mo." malumanay na sagot lamang ni mama sa akin na siyang ikinatangu-tango ko lamang.


Panginoon, alam kong marami po akong naging kasalanan sa inyo. Marami rin pong naging pagkukulang at pagkakamali na nagawa subalit sana po ay dinggin niyo po ang aking kahilingan at panalangin , nawa'y iligtas niyo po ang ama ng ipinagbubuntis ko, at ang lalaki ring pinakamamahal ko.




ASIAN HOSPITAL AND MEDICAL CENTER


Pagkababa palang namin ng sasakyan ay agad kaming sumama ni mama sa guard na inutusan ni ninong para samahan kami papunta sa kwarto ng aking nobyo.


Habang papalapit kami ay gano'n na lamang kabilis ang pagsilakbo ng dibdib ko dahil sa magkahalong kaba, nerbyos at tensyon na nararamdaman ngayon.


Higit isang minuto lamang ang itinagal ng aming paglalakad nang makarating kami sa pinto na itinuro ng gwardya ni ninong. Magalang lamang akong nagpasalamat dito at hindi nagtagal ay nagpaalam na rin ito dahil may aayusin pa raw siya.


"Anak.." rinig kong sambit ni mama habang nakatingin sa akin at hinihintay ang susunod kong ikikilos.


Nang tignan ko ang aking ina ay tumango lamang ako rito at payak na ngumiti.


Ramdam na ramdam ko ngayon ang sobrang kaba ngunit mas importante na malaman ko kaagad ang kalagayan ng pinakamamahal kong lalaki.


Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at agad ko nang binuksan ang pinto ng kwarto na pinaglagyan ni Dencio.


"N-Ninong?" pagkumpirma kong tanong sa nakatalikod na lalaki.

Hindi nga ako nagkamali dahil nang humarap ito ay nakita ko si Ninong Anthony Montefiore.

"Flynn.. hijo!" anito nang makita niya akong lumalapit sa kinaroroonan niya.

Nang makalapit ako rito ay agad akong nagmano. Nilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto upang hagilapin kung nasaan ngayon si Dencio.


"Anak, wala rito si Dencio. Kalilipat lang niya roon sa bago niyang kwarto." turan sa akin ng kanyang ama dahilan para muli akong mapaharap sa kanya.


"Maayos na po ba ang kalagayan niya, ninong?" hindi ko napigilang tanong dito dahil gusto kong malaman kung maayos na ba ang kalagayan ng nobyo ko.


Nakita kong tumango si ninong Anthony sa akin dahilan para guminhawa ang paghinga ko at tila rin ba sa isang iglap ay nawala ang nakabaon na tinik sa dibdib ko.


"Mabuti naman po na okay na si Dencio, ninong. Uhmm.. kung gano'n po na maayos na ang kalagayan niya, pwede ko na po siguro siyang makita 'di po ba?" nakangiti kong sabi rito at mababakas sa aking boses ngayon ang sigla dahil sa napakagandang balita patungkol sa aking nobyo.


The Governor's Son [BxB] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon