"Bakit hindi mo ipasyal ang mag-iina mo rito sa buong hacienda, Aeon hijo. Sigurado akong masisiyahan sila."
Kasalukuyang pababa ng hagdan si Tadz nang maulinigan ang boses ni Lola Celestia buhat sa kusina.
Eavesdropping wasn't her thing but at that moment, she stopped and decided to listen to her boss' answer. She also wanted to observe his behaviour when he's around his family. She just wanted to validate her assumptions about him. That's all.
"I really will, Lola. In fact, I'm planning to do that today." There was an excitement in his voice.
Nang maingat na sumilip si Tadz buhat sa pinto, nakita niyang nakangiti ito habang may inahahandang kung anong pagkain. He was carefully putting the food containers in the basket.
Katabi nito ang lola nito na umiinom ng kape.
Yeah, she was sure it was coffee his grandma was drinking base pa lang sa masarap na aroma na naaamoy niya mula sa tasang hawak nito.
"Kaya pala maaga kang gumising para maghanda ng inyong pagkain."
"Yeah, 'la. I'll surprise them with a picnic." Hindi pa rin mapuknat ang ngiti ng amo niya habang kausap ang nakangiti ring lola nito.
"You really are a nice man, apo. Sigurado akong proud ang lolo't lola mo habang nakatingin sa iyo mula sa kalangitan. Sayang nga lamang, kung buhay pa sana sila, magiging masaya sila sa mga magagandang pagbabago sa buhay mo."
"Huwag ho kayong mag-alala, lola. Nandito pa naman kayo eh kaya parang kasama ko rin si Lola Catarina. Eh magkamukhang-magkamukha kaya kayo. Pareho kayong maganda."
Alam ni Tadz na hindi ito nagbibiro nang sabihin iyon. Kahit medyo kulubot na ang balat ng lola nito ngayon dulot ng katandaan, mapapansin pa rin ang bakas ng gandang taglay nito. Sigurado siyang noong araw ay pinipilahan ito ng maraming kalalakihan dahil sa taglay nitong ganda at alindog and true enough, kamukhang-kamukha ito ng lola ni Aeon na tanging sa larawan sa mansion niya lang nakita.
"Ikaw talagang bata ka!"nakatawang turan ni Lola Celestia.
"Totoo naman po. 'Di ba nga't sumasali pa nga ho kayo noon ni Lola sa beauty contest?"
"Tama nga 'yon, hijo. Madalas pa ngang ako o kaya ang lola mo ang nagwawagi." Lola Celestia was smiling as tho she was reminiscing those happy moments of her life.
"Uhm, ikaw ba, Lola, if you were Lola Catarina, would you be proud of me too?"
"Aba'y oo naman!" mabilis na sagot ng matanda. "Tinatanong pa ba 'yan? Alam mo naman kahit noong bata ka pa, ipinagmamalaki na kita."
"Really?" His face lit up.
"Oo naman. Proud ako sa'yo dahil naging isang mabuting tao ka sa kabila ng mga pinagdaanan mo magmula pa noong ika'y bata pa. Hindi naging madali para sa'yo ang mabuhay at lumaki na ang lolo't lola mo lang ang 'yong madalas na kasama pero nagawa mo. Pinagkaitan ka ng tadhanang magkaroon ng ama at maramdaman ang pagkalinga at pagmamahal mula sa kaniya ngunit napatunayan mong ganoon pa man, hindi iyon hadlang upang maipadama mo sa mga anak mo ang paglingap, pag-aalaga, at pagmamahal na ipinagkait sa'yo ng mga taong inaasahan mong magpapadama sa'yo niyon."
Mula sa kinatatayuan ni Tadz, napansin niya ang pagkislap ng mga mata ni Aeon habang matamang nakikinig sa sinasabi ni Lola Celestia.
And she if could clearly see it right, she even saw a tear that escaped his eye or pawis lang ba 'yon?
BINABASA MO ANG
Wanted: Perfect Nanny for the Heir's Babies
RomanceHindi makapaniwalang pinasadahan ng tingin ni Aeon Grae de Dios ang bagong yaya ng kanyang mga anak mula ulo hanggang paa. By just looking at her, he could easily say that the woman who was sitting on his visitor's chair was totally different from h...