Chapter 4

514 9 1
                                    

Unti-unti nang nawawalan ng pag-asa si Hana. Ilang kompanya na ang napasahan niya ng resume pero ni isa sa mga iyon ay walang tumutugon sa application niya.

Nahihiya na rin siya sa kaibigan dahil isang linggo na siyang namamalagi sa condo unit nito. Bukod sa nakikitira siya rito ay hindi pa nito hinahayaang siya ang gumastos sa pagkain. Katwiran nito'y ganoon naman dapat ang isang kaibigan, walang hinihinging kapalit sa mga bagay na ibinibigay nito. Sabi pa nito'y isipin niyang pambawi lang nito iyon sa mga panahong hindi niya ito nakakasama. Pero kahit na, nahihiya pa rin siya rito.

Kaya naman maaga siyang gumayak nang araw na 'yon. Maghahanap ulit siya ng trabaho. Kahit ano, basta marangal na trabaho ay papatusin na niya para lang hindi siya maging pabigat sa kaibigan habang naroroon siya sa Maynila.

Isang simpleng casual red dress na pinatungan ng cardigan ang isinuot niya. Pinaresan niya iyon ng kulay silver niyang stilletos. Pagkatapos ay nag-apply siya ng konting make up sa mukha at itinali nang pa-ponytail ang buhok. Hinayaan niyang nakatakas ang ilang hibla nito.

Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Nang makitang mukhang ayos naman na at presentable ang kaniyang itsura, nagdesisyon na siyang magsimula nang maghanap muli ng trabaho.

May nabasa siya sa internet nang magbrowse siya kagabi na isang job vacancy sa isang malapit na establisyemento. Isang sakay lang iyon buhat sa condo unit ni Maze kaya naman nag-abang muna siya sa gilid ng highway ng jeep na masasakyan.

She was still there, waiting for a jeepney to pass by when she suddenly noticed a little girl crossing the street. Kaagad siyang naalarma nang mapansin ang isang kotseng padaan at posibleng makabangga sa inosenteng batang babae na hindi aware sa maaaring mangyari sa kaniya. Kaya naman kaagad siyang lumapit sa kinaroroonan nito at walang sabi-sabing hinatak niya ito palayo sa kalsada bago pa man ito tuluyang mabangga ng kotseng parating.

Naramdaman ni Hana ang sakit sa kaniyang katawan nang pareho silang bumagsak sa sementadong daan. Pero hindi niya ininda iyon. Ang mahalaga kasi ay naligtas niya ang bata sa nakaambang panganib.

"Okay ka lang ba, baby?" may pag-aalalang tanong niya sa batang babae na tila ba nalilito pa sa nangyayari.

"Hey, Miss, are you okay? Nasaktan ka ba? I'm sorry I didn't notice that that little girl was crossing the street."

Napatingala si Hana sa lalaking bigla na lang sumulpot sa harap nila. Napansin din niya ang kotseng nakahinto sa gilid ng daan.

Hana looked at the guy. He was wearing a suit. Mukha itong mayamang businessman kahit pa nga tingin niya'y nasa late 20s pa lang ito. Nakasuot man ito ng shades ay masasabi niyang gwapo ang lalaki. Matikas din ito at kung titingna'y para itong isang respetadong lalaking hinugot sa isang business magazine.

"I'm okay, Sir," magalang na tugon niya rito.

Parang walang nangyaring tumayo siya at inalalayan niya ring tumayo ang bata.

"Diyos kong bata ka! Muntik ka ng mabangga. 'Di ba sinabi ko sa'yong kumapit ka lang sa'kin!" bulalas ng isang 'di katandaang babae na kasalukuyang humahangos palapit sa kinatatayuan nila. Mayamaya'y bumaling ito sa kaniya."Maraming salamat, Miss sa pagsagip mo sa anak ko."

"Wala pong anuman 'yon."

"Maraming salamat po talaga. Kung hindi mo siguro napansin 'tong anak ko, siguradong nasagasaan na siya."

"Okay lang po 'yon. Sa susunod po, pakibantayan niyo na lang siyang mabuti," nakangiting sagot niya.

Ilang sandali pa'y nagpaalam na ang babae sa kanila.

"Miss, okay ka lang ba talaga?" concerned na tanong ng lalaking estranghero. "May sugat ka oh."

Napatingin si Hana sa itinuro ng lalaki.

Wanted: Perfect Nanny for the Heir's BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon