Katulad ng dalawang nakaraang mga gabi, hating gabi na'y dilat na dilat pa rin ang mga mata ni Aeon.
No matter how hard he's been trying, he can't get himself to sleep peacefully. Lagi na lang hindi kumpleto ang tulog niya dahil madalas ay nagigising siya sa kalagitnaan ng gabi, makakatulog muli ng ilang minuto pagkatapos ay muling magigising.
Bukod sa hindi siya komportable at hindi sanay na mahiga sa matigas na higaan, marami ring tumatakbo sa isip niya. Scary thoughts kept on running in his mind. Lalo pang pinapasidhi ang takot at kilabot sa katawan niya dahil napakadilim ng silid. Gaya ng kanilang pinagkasunduan ng yaya, pinapatay nito ang ilaw bago matulog. Gustuhin man niyang magreklamo, hindi niya magagawa dahil isa iyon sa kundisyon nito na dapat niyang tuparin.
Aside from cockroaches, he hated total darkness too. To be honest, hindi siya nakakatulog mag-isa kapag nakapatay ang ilaw. Kung madilim man, he could only sleep soundly kapag may katabi siyang matulog. Tulad na laang noong gabing masakit na masakit ang ulo niya dahil sa migraine at inutusan niya ang yaya na imasahe ang ulo niya. Sadyang pinatay niya noon ang ilaw dahil lalong tumitindi ang sakit kapag nakabukas iyon. It was such a good thing that he slept peacefully even when the lights were off. That's of course because the nanny has miraculous hands. It has the power to ease the pain in his head. Bonus pa na nakatulog ito sa tabi niya at nakasama sa pagtulog hanggang umaga.
Truth be told, it should be a weird thing for him to share a bed with a woman that he didn't even f*ck. Madalas kasing ang mga babaeng nakakatabi niyang matulog sa kama ay ang mga babaeng pinagpaparausan niya. The nanny was a first. It didn't feel weird tho. In fact, he felt much more comfortable just sleeping next to her.
Naudlot ang pagmumuni-muni niya nang biglang marinig ang pag-ingit ng mga bintana kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin. Wala sa loob na napatingin siya sa mga bintana. Na-iimagine niyang tila ano mang oras ay bubukas iyon at mula sa labas ay papasok ang isang engkanto o di kaya'y manananggal.
Alam niyang imposible iyon lalo na sa panahong ito pero hindi niya maiwasang isipin iyon simula pa noong unang gabi nila sa ancestral house na iyon.
"Sh*t!" mahinang mura niya nang maramdamang nagtaasan ang lahat ng balahibo niya sa batok nang muling yumakap sa katawan niya ang malakas na hangin na dumadaan sa siwang ng mga bintana. Hindi rin nakakatulong ang narinig niyang mumunting paghakbang ng kung sino sa labas ng silid.
"Geez!" usal niya nang mapasadahan ng tingin ang four-poster bed na hinihigaan ng yaya ng kambal. She was sleeping peacefully while he was there still wide awake and scared as f*ck. Maging ang mga kambal ay mahimbing din ang tulog sa crib.
Aeon tried so hard to close his eyes at sinubukang hindi bigyang pansin ang mga naririnig na kaluskos buhat sa mga bintana.
Ilang segundo ang lumipas at tiningnan niya ang oras sa kaniyang cellphone.
"F*ck! It's just 12:30 am."
Mahaba-habang oras pa ang kaniyang hihintayin bago mag-umaga.
Sinubukan niya muling ipikit ang mga mata. Naisipan niyang kumanta para kahit paano'y ma-distract ang isip niya at hindi mag-isip ng mga nakakatakot na bagay.
🎶"I love you You love me
We're a happy family
With a great big hug and a kiss from me to you.
Won't you say you love me too!" 🎶 pagkanta niya. Ewan niya nga ba kung bakit iyon ang bigla na lang naisip niyang kantahin. Siguro'y na-LSS siya dahil ang nursery rhyme na iyon ang paboritong i-play ng kambal.
BINABASA MO ANG
Wanted: Perfect Nanny for the Heir's Babies
RomansaHindi makapaniwalang pinasadahan ng tingin ni Aeon Grae de Dios ang bagong yaya ng kanyang mga anak mula ulo hanggang paa. By just looking at her, he could easily say that the woman who was sitting on his visitor's chair was totally different from h...