Chapter 31

154 3 4
                                    

"How have you been doing? I've been gone for just three years tapos ngayon, I've heard na may twins ka na. What happened to your "I hate kids" motto in life?"

Mula sa mga kabayo, ibinaling ni Sahara  ang paningin kay Aeon.



Kasalukuyan silang naroroon sa stable ng mga kabayo. Bukod sa gusto siya nitong makita at makipagkumustahan dahil nabalitaan nito na naririto siya sa hacienda, gusto rin daw kasi nitong makita ang mga kabayo roon.


Since she was still a kid, she's so fond of horses. May sarili rin itong stable sa hacienda ng pamilya nito na karatig lang ng malaking lupain ng kaniyang pamilya. She's freakin' good at horse riding. Sa kaniya nga siya natutong mangabayo. Noong bata pa kasi siya ay bumibisita siya at ang lolo at lola niya rito sa hacienda tuwing bakasyon. Nakilala niya ito nang minsang maligo sila sa water falls na matatagpuan sa hindi kalayuan mula sa hacienda. She was just 10 years old back then, siya naman ay 8. Na-amaze talaga siya noong unang pagkakataon na makita niya itong nakasakay sa kabayo nang mag-isa kaya naman kinulit talaga niya ito para turuan siya. Luckily, pumayag naman ito. Madalas nga ay dumadalaw din siya sa hacienda ng mga ito.


They become close friends. Nawalan na nga lang sila ng komunikasyon nang manirahan siya sa ibang bansa. Simula naman nang mapunta sa pamamahala niya ang kompanya na naiwan ng lolo niya, hindi na siya nakakabisita rito sa hacienda.


"Well, ito, kinain ko rin 'yong sinabi kong I don't want to have kids," nakatawang sagot ni Aeon.


"What made you change your mind then?" tanong ni Sahara habang hinihimas ang ulo ng kulay kayumangging kabayo. Nasa tabi lang siya nito at pinapanood niya lang ang ginagawa nito.

Kung alam lang nito ang totoong dahilan kung bakit napilitan siyang magkaroon ng anak.



"I guess I got tired of being a handsome bachelor. Besides, hindi na ako bumabata. I needed an heir."


Kumunot ang noo niya nang makita ang lumarawang ekspresyon sa mukha ni Sahara. Kung makatingin kasi ito sa kaniya ay parang hindi ito naniniwala sa sinabi niya.



"You? Of all people? Come on, AG! 'Wag mo akong niloloko. You're telling me you got tired of being a bachelor? Well, I  don't buy that."

Sabi nga ba niya eh. Hindi talaga ito naniniwala sa sinabi niya.


"Maniniwala pa ako kung sinabi mong nabuntis mo lang 'yong nanay ng kambal kaya ka nagkaroon ng mga anak. Sa dami ng mga babae mo, posible  'yong sinasabi ko, 'di ba?"


"Aww.. You're too harsh on me, Ara babe." Yeah, he calls her babe, short for baby. Ang tingin niya kasi rito ay tulad ni Zephyrine na bunsong kapatid na babae kahit pa nga sabihing mas matanda ito sa kaniya ng dalawang taon. Hindi naman kasi halata sa mukha nito dahil baby face ito. Astig lang itong pumorma pero babaeng-babae ito.


"Kilala kasi kita, lovey,"nakangising saad nito. Lovey talaga ang tawag nito sa kaniya mula pa noon dahil patay na patay ito sa kaniya noon. Ewan niya lang kung hanggang ngayon ay super crush pa rin siya nito. Aminado naman ito. "You f*ck every girl na matipuhan mo. Ako lang naman yata ang babaeng t-in-urn down mo eh."



"Grabe ka na naman sa akin,"reklamo niya. "Hindi naman lahat ng babae kinakama ko. Pero sila kasi madalas ang lumalapit kaya pinapatulan ko na. Sayang naman,"nakangising pagpapatuloy niya.

"Napaka-playboy mo talaga!" Talaga namang p-in-inch pa nito ang magkabila niyang pisngi.

Tinawanan lang niya ito.


Wanted: Perfect Nanny for the Heir's BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon