Before going back to the hospital, Tadhana decided to drop by a convenience store to buy some pads. Naubos na pala kasi 'yong stocks niya kaya dumaan muna siya sa malapit na store para bumili.
While she was busy searching for the pad that she likes to use, she overheard a baritone voice near her.
Hindi niya alam kung bakit pero kaagad na napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig na 'yun. There she saw a guy talking to someone over his phone. He was wearing a black cap, black pants, black combat boots and black leather jacket. Hindi niya makita ang kabuuan ng mukha nito dahil nakatalikod ito mula sa kaniyang kinatatayuan.
Ilang hakbang lang ang pagitan nito sa kaniya kaya naman rinig na rinig niya ang sinasabi nito sa kausap sa telepono.
"Hey there, Mr. Attorney. What's the catch again if I find the girl you're looking for?" narinig ni Tadz na saad ng lalaki sa kausap.
She didn't know why but she felt kinda suspicious about that mysterious man. Para bang may balak itong gawin or something. Basta masama ang kutob niya rito lalo pa't sila lang dalawa ang tao sa pasilyong iyon ng convenience store.
Kaya naman nang matagpuan niya ang hinahanap sa istante, kaagad siyang tumalikod at handa na sanang ihakbang ang mga paa para maglakad patungong counter pero bigla siyang natigilan nang marinig ang pangalang binanggit nito sa kausap sa telepono.
Bumalong ang kaba sa puso niya dahil doon. She got nervous. Nanlamig ang katawan niya.
Sino ba naman ang hindi makakalma kung narinig mo ang buo mong pangalan sa isang estranghero?
And what?
That stranger even told that unknown Mr. Attorney he was talking to that he finally found her?
Gosh! Why is someone looking for her? May nagawan pa siya ng mali or something?
Hell no!
Napamura pa siya nang bigla na lang lumitaw sa isipan niya si Rudyard. Hindi kaya ito ang nagpapahanap sa kaniya since isang abogado ang kupal na 'yun?
Oh my God!
Hindi maaring . . . God! No!
She has to save her life!
Kaya naman binitiwan na niya ang pads na hawak at nagmamadaling tinungo ang labasan. Wala na siyang pakialam kung mabangga man niya ang mga taong papasok sa loob. Ang mahalaga ay makalayo siya sa lugar na 'yun.
She ran so fast hanggang hindi na abot ng kaniyang paningin ang convenience store. She was breathing heavily dahil sa ginawang pagtakbo kaya naman saglit na tumigil siya para magpahinga.
"Miss! Sandali!"
Tadz panicked when she heard the same baritone voice from behind her. Mukhang malapit lang ito sa kaniya kaya naman kaagad niyang pinara ang jeep na padaan saka nagmamadaling lumulan doon.
Nakahinga siya nang maluwag nang muling umandar ang jeep at maiwan ang lalaking humahabol pa rin sa kaniya.
---
Panay ang tingin ni Tadz sa kaniyang likuran. Kasalukuyan na niyang tinatahak ang pasilyo ng hospital kung saan naka-admit si Baby Thadea. Sinisigurado niya kasing hindi siya nasundan ng misteryosong lalaking humahabol sa kaniya kanina. Nang masigurong hindi siya nito nasundan, nakahinga siya nang maluwag pagkatapos ay nagpatuloy na sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Wanted: Perfect Nanny for the Heir's Babies
RomanceHindi makapaniwalang pinasadahan ng tingin ni Aeon Grae de Dios ang bagong yaya ng kanyang mga anak mula ulo hanggang paa. By just looking at her, he could easily say that the woman who was sitting on his visitor's chair was totally different from h...