"Cheska, this is not a race!" I scolded Cheska, nasa gitna na 'ata kami ng bundok pero ang dami niya pa ring energy! Kanina pa ako tumitigil para uminom ng tubig at tumitigil din siya para hintayin ako. She's so competitive, gusto niyang mauna!
"Para makapagpahinga tayo agad kapag nasa top na, tsaka para maabutan natin sunrise!" Masiglang sabi niya at tumatalon talon pa na parang bata.
"You can go first, hintayin mo nalang ako sa tuktok" I said, hinahabol pa ang paghinga.
"No, not without you" Madrama niyang sinabi at kumapit sa braso ko. Pinunasan pa 'yung mukha ko, amp! Hindi naman siya kumain ng chocolate kanina pero ang hyper niya!
"Sasamahan ko si Nathaly, Cheska" Biglang lumapit sa amin si Miko. Saan naman nanggaling 'to? Hindi naman namin siya kasunod kanina, ah?
"Alagaan mo 'yan boss Miko, ha" Sabi niya habang nag aayos ng ipit ng buhok bago tumakbo ulit paakyat.
"Tara?" He said and I nodded as response, lakad lang kami. Mabuti nalang at chill umakyat 'tong si Miko, hindi tumatakbo... hindi rin umiimik, amp! Weird niya, jusko!
"Sunrise na!" Sigaw ko, wala pa kami sa tuktok pero tumigil na ako at nagabang ng sunrise. "Dito muna tayo, please" I said, lumingon ako sa kaniya na umiinom ng tubig.
"Malapit na naman tayo pero ang ganda na kasi ng view dito" Sabi ko pa para ma-convince siya na tumigil muna kami dito kasi mag uumaga na! Hindi ko pwedeng malampasan 'to!
"Pahinga ka muna." Sabi niya at pinagpagan 'yung bato na parang bangko. Tumabi naman siya sa akin at ipinatong ang isang kamay sa likod habang ang isa ay pinapaypayan ang sarili.
Kinuha ko ang phone ko para maghanda sa pag take ng picture, sobrang excited na ako! Chineck ko muna kung may teacher ba o tour guide na nakabantay at mabuti nalang dahil wala, bawal daw kasi mag cellphone habang umaakyat, eh.
"Ang ganda!" Sigaw ko habang kumukuha ng video. Tumayo pa ako at umikot para makita ang buong view. Nahagip si Miko sa camera at nag smile lang siya.
"Hey, ingat" Sabi pa niya at tumayo para higitin ako papalapit sa kaniya.
Nagulat ako sa paghigit niya, he was so close! Nag flash sa isip ko 'yung mukha niya noong gabi na tumakas ako, "Ang... g-ganda kasi" lumayo na ako sa kaniya.
"Ang ganda nga" Sabi niya, hindi ko alam kung 'yung sunrise ang tinutukoy niya o... ako, kasi nakatingin siya sa akin, eh! Ayaw ko naman mag assume pero sa pinapakita niya, parang ako talaga, eh.
Lumingon ako sa kabilang side, aakyat na sana pero hinawakan niya ang braso ko at hinawakan ang baba ko, pinatingin sa kaniya, "Ang ganda mo"
Fuck.
"Boss, akyat na raw" Sabay kaming lumingon nang tawagin kami noong isang ka-blockmate namin. Hay, thank god.
Tumingin ako sa kaniya tapos sinenyasan niya lang ako na maglakad na kaya nag una na ako. Nakasunod lang siya sa likod ko hanggang sa makaakyat na kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/279088901-288-k212589.jpg)
BINABASA MO ANG
Heaven's Cloud (EDITING)
Genç KurguThe class president and a transfer student at their university. Who would have guessed that they would get along? Miko planned to assist Skye in stepping beyond her comfort zone after their project together. His only goal is to help her and not to f...