"Gregor,kanina ka pa tulala dyan. Sino ba ang natitipuan mo? Ang principal ba?" Pang-aasar ng isang ka-preso ni Gregor sa kanya. Mag-iisang oras na nang dumating ang mga estudyante. Medyo malayo ito sa kanila. Tanging ang guards laman ang lumalapit sa bawat selda upang ibigay ang pagkain ng mga preso.
"Para akong asong naglalaway sa isang napakasarap na buto Tonyo." Hindi niya pa rin inaalis ang pagkakatitig niya sa isa sa mga estudyante.
"Pwede bang pashare sa buto na iyan ha Gregor?" Pagbibiro ng isa pang preso.
"Hindi. Akin lang ang butong ito. Wala akong ititira." Sagot ni Gregor na ngayn ay mahigpit ang pagkakahawak sa rehas.
"Lumapit ka ineng at nang mabusog naman ang asong si Gregor." Sambit ni Tonyo. Tumawa ang iba pang preso. Habang abala ang mga estudyante. Tila aalis na sila.
"Paano ba yan, aalis na ang pagkain mo Gregor. Ang bango siguro niyan."
"Lasang imported." Dagdag ng isa.
"Amoy downy." Sabi ni kuya na mukhang muscle na tinubuan ng mukha.
"Sarap ng feeling!" Sabi ni manong na parang Sumo Wrestler.
"Hahanapin ko iyan at gagawin kong asawa ko." Sagot ni Gregor sa kanilang lahat.
"Sige subukan mong hanapin sa loob ng preso." Pang-aasar ni Tonyo.
"Alam ninyo ba kung anong gagawin ko sa kanya kapag nakuha ko na siya?" Tanong ni Gregor sa mga kasama niya.
"Ano?"
"Ano ba ang ginagawa ng aso sa buto?" Tanong muli ni Gregor.
"Eh ano ba?"
Nilapit ni Gregor ang kanyang bibig sa bakal at dinilaan ito.
"Sige gawin mo iyan sa iyong panaginip!" Sabay halakhak ng mga preso.
Hindi nakatulog si Gregor. Nais niyang makalabas dito. Labing-isang taon na siya nakakulong ngunit hindi lamang kalayaan ang nais niya. Nais niya rin makuha ang babaeng iyon. Kailangan niyang makatakas. Kailangan niyang makuha ang babaeng iyon!
Sa kabilang banda, hindi naman makatulog si Mikaela. Marahil ay may insomnia na siya. Ilang gabi na siya ganito. At malimit din siyang kabahan kahit walang dahilan. Bigla na lamang bumibilis ang tibok ng puso niya. Sabi nila siya ay nagpapalpitate lamang. Ngunit bakit ganito? Hindi siya mapakali? Maganda naman ang kinalabasan ng pagpunta nila sa City Jail. Ligtas sila.
Hindi ka ligtas sa piling ko binibini. Naisip ni Gregor ang mga gagawin niya sa babae. Bigla siyang naglaway.Literal na naglalaway.
Parehas pa rin pala ako sa dati. Naglalaway sa pagkain.
Ilang buwan na rin ang lumipas. Hindi pa rin nakakatakas si Gregor. Araw-araw niya pa rin naiisip ang babaeng iyon.Kung swerswertehin nga naman, isa pala sa preso ay dating kapitbahay ng babae sa probinsiya kaya batid na ngayon ni Gregor ang pangalan ng pagkain niya. Ang pangalan ng butong nais niyang sakmalin mula sa inosenteng mundo nito.
Sa kasabikan niya sa babae ay nagpatattoo siya. Ang pangalang "Mikaela" ay permanenteng nakaguhit sa kanyang dibdib.At balak niyang ipakita ito sa babae pagdating ng araw.
Ang isa sa mga problema ng lugar nila ay ang kawalan ng pondo kaya isang ordinaryong sasakyan lamang ang ginagamit sa paghahatid ng preso sa ibang presuhan. Nakatakdang ilipat si Gregor at Tonyo sa isang mas malaking presuhan sa kabilang lungsod kaya maaga pa lang ay hinanda na sila. Sa kalagitnaan ng paglalakbay ay nasiraan ng makina ang sasakyan. Tila sumasang-ayon kay Gregor ang mga pangyayari. Dahil sa kanyang pagkademonyo ay nakatakas siya at napatay niya ang gwardiyang kasama nila. Kahit si Tonyo ay pinatay niya. Bakit niya pinatay si Tonyo? Dahil lang sa sobrang panggigigil niyang makita si Mikaela.
"Mamamasko ako sa bahay ng bago kong alaga." Sabay ngisi niya sa mga bangkay.
----------------
Dedicated kay Ladysnowdrop_Elm na mahilig magtravel x_O Matagal na tyo hindi nakakapm.Naalala mo pa kaya ako at ang kwento ko? Haha.
Take care everyone :)

YOU ARE READING
Takas
RandomTumanggap ng estranghero si Mikaela sa kanyang tahanan.Subalit ang hindi niya alam ay isa pala itong pugante-kriminal, halang ang bituka, isang takas mula sa preso. Makakatakas kaya si Mikaela?