Sa Tahanan Namin

332 27 25
                                        

Umupo si Gregor sa sofa habang hawak-hawak ang kanyang tyan. Nakatitig pa rin kay Mikaela.

Akala ni Mikaela ay may sasabihin ito nang bumuka bibig nito.

Ngunit ito ay dumighay lamang nang napakalakas. Sabay ngiti sa babae.

"Ang sarap mo-este ang sarap ng luto mo asawa ko." Usal ni Gregor.

"An-A-"

"A-A? Nabubulol ka yata asawa ko."

"Ano pa po ba ang kailangan ninyo?"

"pera. Lahat ng pera mo."

Pumanhik si Mikaela sa kanyang kwarto. Dali-dali niyang kinuha mula sa drawer ang pera na tinabi niya para sa kanyang tuition sa susunod na semester. Aalis na ang lalake na iyon kung ibibigay niya ang pera niya.Sampung libo rin iyon.Dugo't pawis iyon ng kanyang ama.

Ngunit mali ang kanyang inakala.

"Sampung libo? Pwede na ito para sa atin."

"Sa atin?"

"Magpipisan na tayo diba?"

"Ha??"

"Live in. Tayo ay mamumuhay nang tahimik."

Hindi na nakasagot si Mikaela. Nasusuka na siya sa kanyang naririnig mula sa lalake.

"Ayaw mo ba baby?" Tanong ni Gregor habang hinihimas niya ang hawakan ng itak na niya na nakapatong sa sofa.

"Andyan na po ang pera ko.Nakakain na rin po kayo. Kung gusto ninyo pati alahas ko ibibigay ko at mga natirang pagkain sa ref. Parang awa ninyo na po hayaan ninyo na po ako. Hindi po ako magsusumbong kahit kanino! " Pagsusumamo ni Mikaela kay Gregor na ngayon ay abala sa pag-alis ng tinga mula sa kanyang ngipin gamit ang kanyang hintuturo.

" Asawa ko hindi ka pala matalino? Sa tingin mo mgpapatattoo ako kung bibisitahin lang kita dito? Aba, papanagutan kita. Pangako ko iyan mahal ko."

Dinilaan ni Gregor ang kanyang hintuturo. "Napakasarap talaga. Kahit tinga yummy."

"Gusto mo ako halayin?Gusto mo ng sex? Gawin mo na lahat sa akin pero parang awa mo na lubayan mo na ako pagkatapos mo sa akin. At kung maaari lamang huwag mo akong patayin."

Pipilitin kong mabuhay kahit na ma-rape ako. Mabubuhay ako at babangon muli. Tatanggapin ko ang lahat huwag lamang ako mamamatay. Alam kong hindi iyon kakayanin ng aking mga magulang. Hindi iyon kakayanin ng pamilya ko.Wala akong pagsasabihan. Walang makakaalam. At nang sa gayon ay ako lamang ang masasaktan. Ako lamang ang maghihirap. Mahal ko ang aking pamilya at mga kaibigan. Naisip ni Mikaela.

"Kunin mo na lahat ng mga gamit mo. Aalis na tayo sweetheart."

"No!!! Please huwag mo ito gagawin sa akin binibigay ko na lahat tuition ko, pagkain ko gamit ko huwag mo lamang ako kunin mula sa pamilya ko. Huwag mo ito gawin sa akin. Maawa ka!"

"Naaawa ako sa iyo. Kaya aalagaan kita. Hindi ka pa ba maghahanda? You needs help?"

Gusto kong isaksak sa bunganga niya ang lahat ng libro ko. Nagawa pang umingles ng demonyo!

You NEEDS help.

Halimaw!!!

Demonyo!!!

"Hindi ka pa ba maghahanda?!?" Nagulat ako sa sigaw ng lalake.

"Please po huwag -"

Hindi ko na natapos ang pagmamakaawa dahil bigla siyang tumayo at mabilis na pinuntahan niya ako.

Hawak-hawak niya ang ulo ko at hinila niya ako. Pakiramdam ko mapuputol ang leeg ko.

Niyugyog niya ang ulo ko, nanghina ako kaya hindi ko kinaya ang katawan ko kung hindi niya hawak ang ulo ko malamang ay nasa sahig na ako.

"Matigas ang ulo mo! Palalambutin ko nga!"

Sabay hampas ng ulo ko sa pader.

Isa

Dalawa

Tatlo

Apat

Lima

Anim

Lalo niyang binibilisan hindi ko na mabilang kung ilang beses tumama ang ulo ko sa pader.

Tila nabingi na ako.

Unti-unti akong nilamon ng kadiliman.

Ilang oras din na walang ulirat si Mikaela.

Dinidilaan ng alagang aso ni Mikaela ang mukha niya kaya unti-unti siya nagising.

"Momo. Tama na..." Nakangiti si Mikaela. Nakangiti habang nakapikit. Nananaginip.

"Gustung-gusto mo ang ginagawa ko babes?" Tugon ni Gregor.

At muling bumalik ang alaala ni Mikaela. Ngayon ay gising na gising na siya. Wala siya sa kanilang bahay sa probinsiya. Hindi si Momo na alagang aso niya ang gumigising sa kanya. Ang laway ngayon sa mukha niya ay laway ni Gregor. Ang dilang kanina pang naglalakbay sa bawat parte ng mukha niya ay dila ni Gregor. Ang estrangherong pinayagan niyang makapasok hindi lamang sa bahay niya ngunit sa buhay niya rin.

Napaupo siya. Hindi na pamilyar ang silid kung nasaan sila. Nasaan na  ba siya? Saan siya dinala ng lalaking ito? Ilang oras ba siyang tulog? Ano pa ba ang mga ginawa sa kanya ng lalake habang tulog siya?

"Babes nagustuhan mo ba ang bagong bahay natin? Tayo lamang ang naririto. Wala tayong kapitbhay. Ako lamang at ikaw. Ako lamang ang meron ka. Habambuhay kitang aalagaan."

"Kailangan ko ang pamilya ko Gregor! Palayain mo na ako!"

"Sige kung hahnapin ka nila ibibigay naman kita. Ngunit alam mo ba hinding hindi ka na nila hahanapin pa. Makakalimutan ka rin nila Mikaela. Habang ang pagmamahalan natin magiging tulad ng tattoo ko . Habambuhay."

Pinilit ni Gregor na hawakan ni Mikaela ang kanyang tattoo sa dibdib. Ngayon lamang napansin ni Mikaela na parehas silang hubad.

"Home sweet home." Sabay ngiti ni Gregor kay Mikaela.

TakasWhere stories live. Discover now