Nauupos Na Diwa

413 27 28
                                    

"Magbihis ka na nga asawa ko. Malamig pa naman ngayon."



Dinampot ko ang damit na nasa tabi ko. Hindi ko ito damit. Maluwag at may kalumaan na ang mga ito.

Naisip ko tuloy, hindi ba ako ang unang babae na kinuha ni Gregor?

Ilang babae na ba ang sumuot ng damit na ito?

May pinatay na ba siya?

At eto yung damit ng babae?

"sit here asawa ko." Utos sa akin ni Gregor. Nais niya akong kumandong sa kanya.

"Kailan mo ako pauuwiin?"

"Nasa bahay naman tayo ah?"

"Kailan mo ako papalayain?"


"Kapag hinayaan mo akong palayain ang alindog at init mo asawa ko."

"wala ka bang awa?"

"Kung wala akong awa buntis ka na ngayon pa lang." Sagot ni Gregor sa akin. Bigla rin tumulo ang laway niya.

"Maawa ka sa akin."

"Ang bango ng buhok mo." At unti-unti niyang pinasok sa bibig niya ang buhok ko. Nginunguya niya. Habang hawak-hawak ng kaliwang kamay niya ang mukha ko. Nakakandong na ako sa kanya sa oras na ito.

Nilabas niya ang buhok mula sa bibig niya. Naramdaman ko ang basang buhok ko na dumapo sa aking balat. Basang basa ito ng laway niya.

"Wet look ka na mahal." Bigla siyang tumayo kaya napasubsob ako sa sahig. Walang kama ang silid kaya sa sahig lamang kame.Akala ko aalis siya. Ngunit hindi naman pala. Dumapa siya.

Gumapang palapit sa akin. Napahiga ako.

"Dito kaya wet look na rin?" Tanong ni Gregor sa akin habang nasa may hita ko na ang kanyang magagaspang na mga kamay. Tanging maluwag na T-shirt lamang ang suot ko kaya ramdam na ramdam ko ang paghawak niya sa akin.

Pataas ng pataas ang kanyang kanang kamay.

Nakatitig siya sa akin.

Nakangiti.

Naglalaway.

Napakalapit na ng kanang kamay niya sa aking pagkababae. Nararamdaman ko ang kanyang mahahaba at maruruming kuko sa aking singit.

"Mikaela." Bulong ni Gregor. Napapikit na lamang ako sa sobrang kaba. Sa pandidiri at sa takot.

Napahiyaw ako nang bigla niyang pinaghahampas ng kapirasong kahoy ang kanang binti ko. Nakapatong pa rin malapit sa singit ko ang kanang kamay niya habang ang kaliwang kamay ay panay hampas sa binti ko.

Nanggigigil siya. Hindi tumitigil. Nais niya siguro pagpipirasuhin ang aking binti.

"Kailangan ko ito gawin para hindi ka magtangkang tumakas!!!" Sigaw niya habang hinahampas niya ang binti ko. Sa sobrang panggigigil niya ay tumatalsik sa akin ang pawis at laway niya.

"Tama na!!! "

"Please!!!!!"

"Hindi ako tatakas pangakooo!!!!"

"Tama naa!!!!"

"Hindi ko na kayaa!!!"

At bigla siyang tumigil.

"Okay." Sagot niya sa akin habang nakangiti.

Nahuli ko siyang nakatingin sa duguan kong binti. Nakangiti siya para siyang nakatingin sa isang masterpiece na nagawa niya.

"Gagamutin natin iyan.Teka." Lumabas si Gregor. Napapikit ako sa hapdi ng binti ko. Nais ko na lang na makatulog.

Ako ay dinadala na ng antok sa isang lugar na walang sakit...walang Gregor. Ngunit hinila ako agad ni Gregor sa realidad nang binuhusan niya ng petrolyo ang aking binti. Napasigaw at mura ako sa sobrang sakit.

"Makakabuti yan para madisinpek ang binti mo. Baka magkauod yan sige ka."

"Hayop ka!!!!!!!!"

Inapakan niya ang binti ko.

"Ikaw na nga ang tinutulungan ikaw pa ang galit?!!"

"Tama na!! Tama na!!!"

"Say sorry pers."

"Sorry!!!Sorryyy!!!!"

Inalis na ni Gregor ang kanyang paa. Ngumiti.

"Maghahanda na ako ng makakain natin. Magpahinga ka lang. Okay?"


Sana ay matapos na ito. Ilang araw ko pa lamang siya nakakasama eto't unti-unti na ako namamatay.

Hindi ko rin mapaliwanag pero may mga sandaling bigla bigl kong naririnig ang mga tinig ng aking pamilya.

Naririnig ko ang paghele ni inay sa bunso kong kapatid.

Naririnig ko ang kwentuhan ni itay at ng mga kasama niya sa pagsasaka.

Naririnig ko ang mga huni ng ibon. Ang pagdaloy ng ilog.

Naririnig ko lahat. Umaalingawngaw ang tunog ng aking tahanan

Ngunit hindi ko naririnig ang pagtibok ng aking puso

Isa ba itong senyales na ako ay malapit na mamaalam sa mundo?

Isa pa pong pagkakataon.

Kung sino man ang may kakayahang makabasa ng aking isipan...

Hanapin ninyo ako...

Tulungan ninyo ako...

Nais ko pang mabuhay...

Ikaw, naririnig mo ba ako?

TakasWhere stories live. Discover now