Pasalubong ko po?

369 35 16
                                    

Magiging pamilyar sa inyo ang susunod na mga pangyayari ngunit ipagpatuloy ninyo lang ang pagbabasa. Yan po ay sadyang kagustuhan ng may-akda.

Uulitin ko po hindi po ito tulad ng mga bedtime stories o mga kwento ni Lola Basyang. Ito po ay tila isang silip sa mundo ng imoralidad.

Read if your heart can take it and then forget it. Stop if it traumatizes you.

----------------------





Hindi ako makatulog dahil sa sobrang lakas ng ulan at kulog. Maghahating gabi na, walang signal,walang kuryente. Wala akong kasama sa bahay. Dalawang taon na rin ako nangungupahan kina Aling Felisa.Nakakalungkot dito sa lungsod. Tatapusin ko lang ang pag-aaral ko at babalik na ako sa lugar namin. Doon, tahimik. Naroroon ang tahanan ko.

Mainam siguro ang gatas upang ako ay makatulog na.Magtitimpla na lamang ako ng gatas at magbabasa ng libro upang dalawin ng antok.

Nang ako ay nasa kusina na ay may narinig akong kaluskos.

Ano iyon?

Saan iyon nanggaling?

Baka naman si Romela lamang iyon...

Si Romela ang anak ni Aling Felisa, schoolmate ko na rin siya at naging matalik na magkaibigan na kame. Ano naman ang ginagawa niya sa labas?

Pumanhik ako patungong sala. Hindi ako mapakali sa narinig ko eh.

Nang nasa sala na ako ay tila may kumatok.

Napatigil ako at nakatingin lamang sa pinto.

"Romela? Ikaw ba iyan?" Tanong ko.

Kumatok na naman.

"Romela? Umuwi ka na. Malamang hinahanap ka na ng nanay mo."

Panay katok na lamang ang aking naririnig.

Hindi na pagkakatok... tila hinahampas na ang pinto ko.

Diyos ko, sino ba iyon?



Hindi ko alam kung kaya kong dumungaw sa bintana. Takot ako sa maaari kong makita..

Ngunit kung ito ay isang masamang tao, bakit pa siya kakatok diba?

Mikaela, dapat matapang ka. Nag-iisa ka lang kaya dapat matapang ka. Sambit ko sa aking sarili.

"Tao po..."

Isang lalake?

Isang lalake ang nasa labas. Pagbubuksan ko ba ng pinto?

"Tao po... wala po akong matutuluyan, hindi po ako makakauwi sa amin dahil sa bagyo. Parang awa ninyo na...tulungan ninyo po ako..."

Hindi na lamang ako tutugon. Aalis din siya. Aalis din siya. Hindi ako makagalaw. Nanatili akong nakatayo. Hinihintay na lumisan na siya.

"Hindi po ako masamang tao. Nais ko lang po sana manatili hanggang humina na ang ulan..."

Huwag kang tutugon Mikaela.

Bumahing siya. Marahil ay dahil sa sobrang lamig.

Papapasukin ko na lang siguro. Nakakaawa naman.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para sa isang pagkakamali.



"Salamat, pinagbuksan mo ako ng pinto. Pasensya ka na wala akong matutuluyan sa gabing ito. Malayo pa ang bahay ko at lubhang masama na ang aking pakiramdam." Bungad sa akin ng lalake na basang-basa dahil sa ulan. Hindi ko ugaling magpapasok sa aking inuupahan ngunit nakokonsensya ako. Hindi naman din tama na hayaan natin ang tao na maulanan gayong nilalagnat na ito diba?

Tumango na lamang ako at hinayaan siyang makapasok.

"May isang T-shirt po ako dito. T-shirt ho ng tatay ko. Medyo luma na ho pero mas mabuti yun kesa dyan sa basa ninyong damit,manong."

"Gregor na lang. Hindi naman ako ganoon katanda." Sabay ngiti niya sa akin. Hindi ako natutuwa sa ngiti niya. Kinabahan pa nga ako eh. Eh ba't pa ako nagpapasok kung kakabahan lang naman ako diba? Kaya pilit kong inalis ang kaba sa aking dibdib. Kinuha ko ang lumang damit ni itay. Mabuti na lamang ay naiwan ni itay damit niya noong huling bisita nila ni inay.

"Nag-iisa ka lang dito?" Tanong sa akin ni Gregor. Nakatalikod ako kaya hindi ko siya nakikita ngunit sa tingin ko ay naghubad na siya ng T-shirt. Naiilang man ako ay sinagot ko siya. Nagsinungaling pa nga.

"Uh. hindi ho. May kasama ho ako dito. Na-stranded lang dahil sa ulan. Maya-maya ay darating din siya."

Humarap ako sa kanya habang hawak-hawak ko ang T-shirt ni tatay.





Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang nakita ko ang kanyang dibdib.





May tattoo siya...







Sa dibdib....







May tattoo siya...







Isa lang. Isa lang ngunit...







Mikaela



Tila nahulog ang puso ko sa pagpupumiglas









Humihinga ako pero tila walang hangin









Malamig ngunit pinagpapawisan ako









Tumingin ako sa pinto. Malayo sa akin. At nasa likuran niya.



Tumingin ako sa bintana.



May grills.





Wala akong mapupuntahan diba?







Makakatakas ba ako?









Nagsalita siya.



"Nagustuhan mo ba,Mikaela?"

TakasWhere stories live. Discover now