Tuloy Po Kayo

655 39 8
                                    

Ang ilang bahagi ng kwentong ito ay mababahiran ng karahasan. Sana nga po ay itong mga eksenang ito ay bahagi lamang ng imahinasyon ng manunulat at kahit kailan ay hindi magiging bahagi ng realidad. Panatilihin po natin ang kabutihan sa mundo. 

Dedicated kay MaritaClarita dahil sa suporta niya sa akin since the beginning kahit ako po ay baguhan pa lamang. Ang Takas po ay idededicate ko sa bawat mambabasa na pumansin po sa aking kwento. At gagawin ko rin pong tauhan ang ilan. Salamat.

--------------------------------------------------------------

Hindi ako makatulog dahil sa sobrang lakas ng ulan at kulog. Maghahating gabi na, walang signal,walang kuryente. Wala akong kasama sa bahay. Dalawang taon na rin ako nangungupahan kina Aling Felisa.Nakakalungkot dito sa lungsod. Tatapusin ko lang ang pag-aaral ko at babalik na ako sa lugar namin. Doon, tahimik. Naroroon ang tahanan ko.

Mainam siguro ang gatas upang ako ay makatulog na.Magtitimpla na lamang ako ng gatas at magbabasa ng libro upang dalawin ng antok.

Nang ako ay nasa kusina na ay may narinig akong kaluskos.

Ano iyon?

Saan iyon nanggaling?

Baka naman si Romela lamang iyon...

Si Romela ang anak ni Aling Felisa, schoolmate ko na rin siya at naging matalik na magkaibigan na kame. Ano naman ang ginagawa niya sa labas?

Pumanhik ako patungong sala. Hindi ako mapakali sa narinig ko eh.

Nang nasa sala na ako ay tila may kumatok.

Napatigil ako at nakatingin lamang sa pinto.

"Romela? Ikaw ba iyan?" Tanong ko.

Kumatok na naman.

"Romela? Umuwi ka na. Malamang hinahanap ka na ng nanay mo."

Panay katok na lamang ang aking naririnig.

Hindi na pagkakatok... tila hinahampas na ang pinto ko.

Diyos ko, sino ba iyon?

Hindi ko alam kung kaya kong dumungaw sa bintana. Takot ako sa maaari kong makita..

Ngunit kung ito ay isang masamang tao, bakit pa siya kakatok diba?

Mikaela, dapat matapang ka. Nag-iisa ka lang kaya dapat matapang ka. Sambit ko sa aking sarili.

 

"Tao po..."

Isang lalake?

Isang lalake ang nasa labas. Pagbubuksan ko ba  ng pinto?

"Tao po... wala po akong matutuluyan, hindi po ako makakauwi sa amin dahil sa bagyo. Parang awa ninyo na...tulungan ninyo po ako..."

 

Hindi na lamang ako tutugon. Aalis din siya. Aalis din siya. Hindi ako makagalaw. Nanatili akong nakatayo. Hinihintay na lumisan na siya.

"Hindi po ako masamang tao. Nais ko lang po sana manatili hanggang humina na ang ulan..."

 

Huwag kang tutugon Mikaela.

Bumahing siya. Marahil ay dahil sa sobrang lamig.

Papapasukin ko na lang siguro. Nakakaawa naman.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para sa isang pagkakamali.

Ako si Mikaela. At hindi ko alam kung makikita ko pa ang pamilya ko muli.

TakasWhere stories live. Discover now