III

19 2 0
                                    

THE MAFIA EMPRESS WANTS TO LIVE PEACEFULLY

|| CHAPTER THREE ||

Astrea Martinez

ISANG ARAW na simula nang makulong ako dito sa basement. Puno nang galos at pasa. Tanging hikbi lang ang magagawa ko, nakagapos sa kadena ang dalawa kong kamay. Nakaluhod ako at tanging kanang mata lang ang nakakakita dahil bugbog sarado ang kaliwa.

"Young Lady, si Patricia po ito. May dala po akong pagkain." Naaninag ko ang isa sa mga katulong namin dito na binuksan ang gawa sa metal na pinto. "Kumain ka muna Young Lady, para sa ganon ay bumalik ang lakas mo."

Nginitian ko nalang si Patricia at sinubuan niya nalang ako. Pagkatapos kong kumain ay uminom agad ako ng tubig. Bigla akong nahilo at tinignan ko si Patricia, nakita ko ang ekspresyon niya na parang alam na alam kung ano ang mangyayari.

"P-patricia??"

"Magpahinga ka muna, Young Lady. Gagamutin ko lang ang mga sugat mo."

Pero bago pa man ako mawalan nang malay ay narinig kong may binulong siya.

"Kamukhang-kamukha mo talaga siya."

メメメ

Zyrex Deveraux

PAGKABUKAS NG main gate ay agad kaming napanganga dahil sa malapalasyong bahay na nakatayo sa mismong harapan namin. Sa gitna ay may fountain at sa gilid ay may mga bulaklak.

Habang ang mga katabi ko naman ay—kabado bente, tss. Sinenyasahan ko sila na sumunod lang sakin.

"Dito lang muna kayo, tatawagin ko lang siya." Sabi nung lalaki at iniwan kami sa sala.

"Pre, kinakabahan talaga ako—."

Naputol ang sasabihin ni Darren at bigla ako nitong siniko at ngumuso sa hagdan na parang may tinuturo nang nilingon ko ito ay bigla bumagal ang oras.

"So what's the plan, Emperor? Hmm?" Kanina pa kami nagdidiscuss tungkol sa Daybreak Gangs. Sinabi ko lahat sa kaniya at nagplano kami then sumang-ayon naman siya.

"I'll take care of everything, protect your School." Saad niya."Meeting dismissed."

Nagpaalam kami sa kanya at habang nagmamaneho kami ay hindi ko maiwasang magtaka dahil sa asal ng Mafia Empress. Ang sabi nila ay malamig itong tumitig at magsalita. Pero yung kaharap namin ay hindi. Siguro haka-haka lang yun. O hindi ang Mafia Empress yung kausap namin.

"Hindi ko akalaing makakalabas tayo nang buhay don."

"Ako nga rin eh, pero ang sabi nila sexy ang Mafia Empress eh yung nakausap natin hindi."

"Yun nga rin ang ipinagtataka ko eh."

Samot-saring sabi nila. Napailing nalang ako, basta babae talaga ang topic. Tsk.

Napatingin ako sa wrist watch ko. Pasado alas Syete y medya na. Kailangan ko ng pumunta kila Tito Charleston. Ibinababa ko ang mga gungong sa bar at pumunta na sa Mansion at naligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at nagmaneho papunta sa Mansion ni Tito.

"Sino ho sila?" Tanong nang guard.

"Deveraux." Maikli kong sagot. Agad naman nilang binuksan ang gate at pumasok na ako. Pagkababa ay sinalubong agad ako ni Tito Charleston.

"Iho! Wow it's been awhile since I've seen you." Agad ako nitong niyakap at tinapik ang balikat.

"Long time no see, Tito."

"Come, come inside. Tungkol ba sa School itong pag-uusapan natin." Tumango lang ako atsaka nagkwento kami sa mga buhay namin. Nalaman ko rin na may tatlong anak siya. Ang isa ay nasa abroad at ang dalawa naman ay nadito. Pero sa narinig ko ay apat ang anak niya. May tinatago ba siya?

"Sorry to interrupt your conversation, Señorito. Nandyan na po siya sa labas." Saad ng maid.

"Okay." Tumingin muna sya sa akin at nagpaalam. "Feel at home, iho. Mag-uusap lang kami nang kliyente ko."

Nagsimula akong maglakad-lakad at kung saan-saan rin ako napadpad. Pero isa ang nag agaw pansin sa akin. Hagdan na pababa at sa baba naman ay mayroong pinto na gawa sa metal. Bigla akong na curious at nagsimula ng naglakad papunta sa pinto. Nang buksan ko ito ay maraming alikabok kaya hindi lo maiwasang mapaubo. Ang dilim ng lugar. Pero may naaninag akong isang babae. Nakaschool uniform at sariwa pa ang mga sugat. Akmang lalapit na ako rito nang biglang may tumawag sakin.

"Iho!" Mabilis na tumakbo ako palabas pero bago paman ay sinulyapan ko muna ang babae. Isinarado ko ang pinto at pumunta na sa kitchen para hindi mahuli. Kumuha ako nang tubig at prutas para hindi ka hinahinala.

"Oh, iho andito kalang pala. Akala ko kung saan-saan ka napadpad." He said.

"Aalis na po ako,Tito. Nag aya kasi ang tropa, atsaka maghahanda pa ako ng gamit pagpasok sa University." Pagdadahilan ko.

"Hala,sige. Mag iingat ka sa daan." Nagpaalam ako at nagmadaling umalis sa lugar na iyon. Parang may mali. Yung babae kanina. Nangsinulyapan ko ang ID nito ay nalaman ko ang pangalan niya.

Astrea Martinez

May may sinabi din siya.

"T-tulong..."

Sa kalagitnaan nang pag iisip ko ay biglang nagvibrate ang cellphone. Kinuha ko ang cellphone at sinagot ang tawag. "Hello? Sino to?"

Walang sumagot akmang ibabababa ko na ng...

"Wag kang magpakasaya, Emperor. Malapit na malapit kana naming pabagsakin."

メメメ

Unknown

NAPATAWA NALANG ako sa reaction niya. Wag kang mag alala, Emperor. Nag uumpisa palang kami.

"Red, akin na nga yung isa." Utos ko.

Binigay niya sakin ang isang USB at pinlay ko ito.

"Fvck this. How can we supposed to defeat them if lumalakas na sila."

Ganyan nga. Magalit ka.

"There's only one way we can defeat them."

Bigla akong sumeryoso nang marinig ito.

"What?."

"Deal with the—."

Hindi na nito natapos ang pagsasalita nang biglang nagloko ang laptop.

"Did you enjoyed the show?" Nanlaki ang mata nang makita ang isang mukha sa latop."Oh, you didn't expect na magpapakita ako sayo?"

"Ito lang ang masasabi ko sayo. Galingan mo ang pagplano at pagtago. Dahil kung hindi, wawasakin ko ang lahat nang sa inyo, Blue. By the way pakisabi nalang sa boss niyo na wag siyang tatanga-tanga. Gawin niyong intense ang laban hmm?"

Sumilay ang malademonyong ngiti sa kanyang labi."Dahil kung hindi..."

Nanginig ako sa takot. Malamig na may pagkalambot itong magsalita.

"Gagawin kong miserable ang buhay nyo."

Mafia Empress...

P S Y C H O G I R L X X X

| R E A  L I B A N D O |

The Mafia Empress Wants To Live PeacefullyWhere stories live. Discover now