THE MAFIA EMPRESS WANTS TO LIVE PEACEFULLY
|| CHAPTER EIGHT ||
Astrea Martinez
"YOU READY?" Aniya. Napabuntong-hininga muna ako bago tinanggap ang kamay niya.
"Baby Ashiro!!!!"
"Asawa ko!!!"
"Umay gulay, bakit kasama nila si Miss Loser?!"
"Oo nga 'no??"
"Slut."
"Ang kapal ng mukha."
Sari-saring komento ng mga istudyante ng makalabas ako sa kotse ni Zyrex. At sa kamalas-malasan pa ay ang pangit na mukha ni Charlotte ang bumungad sa akin. Binigyan nya ako ng matalim na tingin pati na rin ang mga istudyante.
"Don't be nervous." Bulong ni Zyrex sa akin.
"No i'm not."
He chuckled. "Kaya pala nanginginig yung kamay mo at kumapit sa akin?"
Mahiya-hiyang yumuko ako at inaya syang pumasok na sa Classroom. By the way magkaklase pala kaming lahat.
"Mauna ka na, susunod ako." Tinalikuran nya ako at hindi pa man sya nakahakbang ay hinila ko sya.
"K-kasi ano eh..." Tinuro ko ang mga istudyanteng matalim na nakatitig sa akin gamit ang nguso ko. Nakuha nya agad kung ano ang ibig kong sabihin kaya napatawa nalang ng mahina.
Sinamahan nya ako patungo sa classroom pagkarating naman namin dun ay iniwan nya agad ako. Hindi ko nga pala nasabi na isa syang SSG OFFICER at may meeting sila ngayon. Nakaupo ako at sinubsob ang mukha sa desk at nakikinig sa mga chismosang nasa harapan ko.
"Alam mo bang dumating na si Pres?!"
"Yung gwapong SSG President natin?"
"Galing daw sya sa Baguio diba?"
"Yes,yes,yes! Kararating lang nya kahapon."
"Grabe 'no? 5 months syang nandon. Ayan tuloy, hindi ko na nakikita ang gwapo nyang mukha."
"Gurl baka taken na sya?"
"Tas taga-baguio yung jowa nya."
"No way hindi talaga ako papayag!"
Nakabalik na pala si Aron. Our ssg president.
Well it's not my business anymore. Since Grade 7 ay nakatuon lang ang atensyon ko sa pag-aaral at wala akong panahon makisabay sa uso. Dumating na rin ang Professor namin at nagturo na.
Nangmatapos ang klase ay dumiretso na ako Cafeteria. Hindi ko makakasabay ang mga 6 kings kasi busy sila at okay na rin yun dahil ayaw ko ring maging center of attention. Bumili lang ako ng juice at tinapay pagkatapos ay pumunta sa garden at doon kumain at tumambay.
2 minutes nalang ang natitirang oras para bumalik sa klase kaya nagmadali akong tumayo pero ng papunta na ako sa Classroom ay may humigit sa akin at hinila papuntang C.R.
"Well, well, well nakatsamba nga naman."
Nanlaki ang mata ko ng makita ang grupo nina Charlotte, napapalibutan ako ng mga alagad nya. "A-anong gagawin niyo sakin?!!"
"Awww, natatakot ka ba? Shhh don't worry, sisiguraduhin ko na hindi ka makakalabas dito na walang pasa." Saad nito at pinalo ang ulo ko. Napasigaw ako dahil sa sakit, tumama sa tiles ang ulo ko kaya unti-unti akong nanhina.
"Patahimikin nyo yan." Nilagyan nila ng panyo ang bibig ko at pinagsisipa't pinagsasampal. Nang makuntento sila ay nilock-an nila ako sa loob ng banyo.
Tahimik akong umiyak pero natigilan ako ng maramdamang kumirot ang puso ko.