THE MAFIA EMPRESS WANTS TO LIVE PEACEFULLY
|| CHAPTER FOUR ||
Astrea Martinez
BALOT NA balot ang buong katawan ko dahil ayokong may makakita sa mga pasa ko, dahil paniguradong kaawaan na naman ako ng mga plastic don. Nakasuot ako ng jacket na may hoodie, at pantalon. Nagmedyas na rin at nag gloves,nagsapatos,nagmask at nagshades. Nagmadali akong naglakad papunta sa School, ininda ko nalang ang sakit at nagpatuloy sa paglakad. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kahapon basta nagising nalang ako nang may mga pasa.
Napabuntong-hininga nalang ako dahil alam na alam ko kung anong nangyari kahit hindi maalala. Kada pagkatapos ng grounded ko ay ito ang mangyayari. Pero kagabi ay may kunti akong natandaan. Isang lalaki. Lalapit sa yun sa akin ng may biglang sumigaw. Blurred ang lahat kaya hindi ko matandaan ang mukha. Pero naamoy ko siya—.
"OMG!! Darren i love you!!."
"Kita mo yun,girl kinindatan ako ni Baby Ashiro!."
"Assuming much? Ako kaya yung kinindatan niya."
"Ang gwapo talaga ni Primo noh? Lalo syang gumagwapo pag nakasuot ng eyeglasses."
"Ang gwapo rin ni Klein, walang pinagbago."
"Hala gurl, kita mo yun. Tinignan ka ni Cazer!!"
"F-feeling mahihimatay na ata ako, ang init-init dumagdag pa sila, SUPER HOT NILA."
Nagtaka ako dahil sa mga sigawan nila. Anong nangyayari?
"Wala talagang kupas ang kgwapuhan ni Zyrex!"
"Yeah lalo na pag nakaserious look!"
Hindi ko mabilang kung ilang studyante ang nag kukumpulan sa hallway. Ang iba naman ay nakipagsiksikan para lang makita yung nasa gitna. Ano bang meron? Nakipagsiksikan din ako para makita kung ano ang kinakabaliwan nila.
Nang makapunta ako sa harap ay nakita ko na ang pinagsisigaw nila at ang masama pa don ay nagkatitigan kami nung nasa gitna.
Nakikita nya ba ang mata ko?
May nakipagsiksikan rin sa likuran ko kaya hindi sinasadyang may tumulak sa akin. Nanlaki ang mata ko at napapikit dahil paniguradong mamumodmod ako sa lupa. Pero nagulat nalang ako nang may kamay na sumalo sa akin.
"Are you okay, miss?"
Nagtama ang paningin namin kaya hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Narinig ko rin ang mga bulongan sa paligid.
"Mygosh girl, sana ako nalang yung tinulak. Hindi yang loser na yan."
"Is that Miss Loser? Bakit balot na balot sya?"
"Takot sigurong umitim, HAHAHAHA."
Napayuko nalang ako. "Pakibitaw na, salamat sa pagsalo."
メメメ
Zyrex Deveraux
PINAGMASDAN KO ang babae na naglalakad papalayo. She's so familiar to me. Nawala na rin ang mga taong nakapalibot sa amin dahil tumunog ang bell na senyales ng klase. Pumasok na rin si Cazer sa classroom dahil nauna syang nagenroll.
"Ehem, baka matunaw." —Klein.
"Aba'y si Emperor natin pumapag ibig na." —Ashiro.
"I wonder who's that lucky girl." — Primo.