Page 23

269 10 0
                                    

Selena's Sentiment

_____________________________


Weeks passed so fast. Magaling na si Blagden, and pinipilit niyang kausapin ako but he never forced me to talk to him, of course, he won't. Minsan, lumalapit lang siya sa akin para magpaalam na pupunta sa company or sa site, hindi ko naman pinapansin.






I continued tutoring Kairo, magaling siya and fast-learner. Si Blagden, daan ng daan sa study room kapag nag aaral kami, medyo nahihiya tuloy si Kairo. Sinabi ko nalang na wag niyang pansinin, tumango naman ito.






During mealtime, nasa kabisera pa rin si Blagden, same spot with me but Kairo is sitting beside me and ang kaharap ko sa lamesa ay si Fatima na pilit pa ring nilalandi si Blagden. Ang ipinagtataka ko, kapag nagdadasal kami, pare parehas na sila ng posisyon, magkakahawak ang kamay kaya wala akong choice kundi hawakan din yung kamay ni Blagden. Sometimes, I felt him moving his thumb while we are praying. Agad agad ko namang binabawi yung kamay ko after kumain, and the same reaction, he's hurt.







He is still consistent on asking me before the day ends. Kakatok siya sa pintuan ko and ask if mahal ko siya, he will receive the same answer from me and bagsak ang balikat niyang babalik sa kwarto niya. I can't blame myself, I felt so used and betrayed. Kung sinabi nila sa akin ng mas maaga, baka natanggap ko pa, but I only trust myself na plinano niya lahat ng 'to, pati yung pagpapainlove sa akin.







Morning came, Blagden is out. Kaya after ng lunch ay pumunta na kami ni Kairo sa study room. We are busy studying dahil isang month nalang ay bar exam na rin kaya aligaga ako. Napakunot ang noo ko nang pumasok si Blagden, naka formal suit pa ito at buhat buhat niya si Pen, yung kuneho niyang lalaki.






"We are studying." puna ko dahil mukhang di niya kami nakita.






Sa wakas ay tumingin ito sa akin at ngumiti, his smile faded when his gaze moved to Kairo who's looking at him too. "Stop scaring him." mataray na sabi ko dahil yumuko itong si Kairo.






"I'm not." seryosong sabi nito. "Anyways, continue studying. I'm just here to teach our son."





Gulat akong tumingin sa kaniya. Tinatago naman ni Kairo yung pagkagulat niya dahil sa narinig. "Anong anak ang sinasabi mo?!" asar kong tanong.






Inosente itong tumingin sa akin. "Why? He addressses you as his mom. So, I think the appropriate word is 'our' son, right?" walang bahid ng hiya niyang sabi, parang kami lang yung nandito.






"Tinatanggi mo ba yung anak mo?" he added.






Hindi ako makapaniwalang tumingin sakaniya. Nakahithit ba 'to ng katol? Mukhang malala na topak nito. Nakikitang galit ako sakaniya tapos magpapapansin dito.






Bumalik sa pagiging seryoso yung mukha nito. "Continue studying. The bar exam is next month." he said and put down Pen. The bunny immediately hopped towards me and bit the tip of my sweatpants.






"Pen, come here. Your momma is studying." hindi ko na maitago yung pagkahiya ko sa sinasabi nitong si Blagden. Kinuha niya si Pen sa may silong ng lamesa saka binuhat ito papunta sa mga shelves ng books.






Tumingin ako kay Kairo na hindi na yata malunok yung nangyayari at naririnig niya. Jusko, lagi nalang siyang naiipit. Kagaya nalang kapag nagdadasal, galit na galit yung mukha ni Blagden kapag magkahawak kami ng kamay ni Kairo e nagdadasal lang naman. Jusko talaga.






Tutorial for MarriageWhere stories live. Discover now