"Toni!! nanalo tayo sa lotto!!!! gumising ka nga! tingnan mo, tingnan mo!!" masayang pukaw sa akin ng bestfriend/partner in crime ko at laging maasahan 'pag naglalayas ako.
"ano ba! ke aga-aga nambubulahaw ka! magpatulog ka nga! pwede!?.." sabi ko saka bumaligtad ng pagkakahiga. Dahil sa inis nito, sinigawan ako ng ubod lakas sa may tenga.
"SUNOG!!!" sigaw nito sa akin.
"Ano ba ang ingay mo!" naiiritang sabi ko..
"e, di nagising karin.!"
"putcha! makapanggising ka, wagas!" sabi ko saka kinusot-kusot ang aking mga mata. "o, ano na!?,, siguraduhin mong maganda yang sasabihin mo., kung hindi, mata mo lang ang walang latay.!!"
"e kasii,, kasii,,,"
"ano ba! nanggigising ka 'tas wala ka palang matinong sasabihin naka-drugs ka'ba?,, makatulog na nga ulit! "
"nanalo tayo sa lotto!"
"weh.. di nga!?"di makapaniwalang turan ko.
"Totoo nga!! tingnan mo!,, diba!!! mayaman na tayo girl!!!!,, ay mali, matagal kana palang mayaman... MAYAMAN NA AKO!!" masayang sigaw nito na tila sarili ang kausap.
.
.
Pagkatapos makuha sa PCSO ang napanalunan ko,dumaan muna ako sa bilihan ng tinapay. Dahil malapit lamang ang bahay ng kaibigan ko, nilakad ko nalang para makatipid sa pamasahe. Hindi ko napansin ng papasok ako sa eskinita ay may nakasunod na pala sa akin. Madilim sa parting iyon at malimit lamang ang dumadaan na tao at sasakyan. Naalerto agad ako ng hinarang ako ng dalawa sa tatlong lalaki. Nag-palinga-linga ako para sana humingi ng tulong pero walang dumaraan."holdap to miss, ibigay mo nalang yang bag mo." intrada ng isa sa tatlo
"mamang holdaper, huwag naman po please, wala po akong pera,,,, m-maawa na po kayo. m-marami pa po akong binubuhay" pag-mamakaawa ko. Naisip kong libangin muna sila para maka-isip ng paraang tumakas
"andami mong sat-sat akin na nga!" sapilitan nitong kinuha sa akin ang bag. putang ina! sandali ko lang nahawakan, kukunin na agad!. Nagmatigas ako pero masyadong malakas ang lalaki.
"mama please, wag naman po" lumuhod na ako para lang mag-makaawa. Nang biglang may sasakyang bumusina. Sa aking pagkagulat, hindi ko namalayang nagsi-takbuhan na pala ang mga ito. Hahabulin ko na sana ng may pumigil sa balikat ko.
"ang bag ko,,,ang pera ko,,," naiiyak ng sambit ko.
"are you crazy!?! gusto mo bang mamatay!" sigaw sa akin ng estrangherong lalaki. Hinarap ko ito at binulyawan rin.
"kasalan mo 'tong gago ka!! kundi ka sana dumating at nakialam,di sana nahabol ko sila, di sana mawawala ang bag ko! hindi sana mawawala ang pera ko!" Nagulat ito sa galit ko.
"wala na bayang laman ang utak mo, kundi pera!" patuyang na sabi nito.
"oo., oO,,OO!! wala nangang ibang laman ang utak ko kundi pera!!" hinihingal na sigaw ko. "nang dahil sayo, nawala ang lahat. kaya BAYARAN MO YON!!, bayaran mo!"
"are you mad!?!" galit na bulyaw rin nito. "ah,, siguro kasabwat ka ng mga yon,, nakita nyo ang kotse kong paparating kaya kunwari na-holdap ka, tapos pababayaran mo sa akin at voila! May pera na kayo!. Ang galing naman ng modus nyo! pasensya kana toto hindi nyo ako maloloko dadalhin na kita sa presinto!!"
Biglang nagpanting ang tenga ko sa sinabi nito. "how dare you, call me toto! maiksi lang ang buhok ko, pero maganda ako!"
"wala akong paki-alam! sa presinto ka nalang magpaliwanag." mabilis siya nitong nai-sakay sa at dinala nga sa presinto.
.
"miss laya kana." sabi ng pulis na nag-bukas ng selda. Paglabas ko, sinalubong agad ako ng mga bodyguard ng aking ama. Agad akong pina-gitnaan ng mga ito. Alert sina kuya!
"Ma'am, wag nyo na pong subukang tumakas pa"
"At sino namang nag-sabing tatakas ako?, teka lang nadyi-jinggle ako,, Kuyang pulis, 'san banda ang cr rit--" bigla akong kumaripas ng takbo palabas ng presinto. Dahil sa pag-mamadali muntikan na 'kong masagasaan. Nilapitan ko ang hood ng kotse saka pinag-babayo.
"hoy gago bumaba ka nga dyan! mag-usap nga tay---- p-papa" nagulat ako ng makita ang aking ama na nakasakay sa kotse.
"get in the car!" mariing sabi nito. Nagtaka ako kung bakit andun ang aking ama at take-note it ang unang pagkakataon na sumama siya sa pagsundo sa akin mula sa presinto. Tahimik lang ako sa boung biyahe. Pinakikiramdaman ko lang ang aking ama. Alam kong pag-dating sa bahay ay lulutuin na'ako..
BINABASA MO ANG
marry me, if you dare
Romance"IKAW!!" gulat na sabi ni Toni at ng lalaking nagdala sa kanya sa presinto. Napag-bintangan kasi siya nitong kasama ng mga sindikato, at nais nila itong hut-hutan. "You must do everything to stop the wedding." mariing sabi nito. Hindi nito alam bini...