" hindi ka pa ba tapos mamili? " Mababanaag sa boses nito ang iretasyon, bakit hindi nga naman, pagbit-bitin ko ba naman ng lahat ng binili ko.Lalo lamang akong na-tutuwa kapag nakikita ang hindi maitago nitong eritasyon sa'kin. Dahil naisipan ko narin naman siyang inisin lulubos-lubusin ko na.
"Hindi pa po, hanggat hindi nauubos ang laman nitong card ko. " alam kong impossibleng mangyari iyon, dahil ama ko mismo ang nagbabayad ng credit card. Nagpalakad-lakad pa ako sa hallway ng mall ng mapansin ang estante ng nagbebenta ng mga alahas. Agad akong lumapit rito at tiningnan maigi ang pares ng hikaw na perlas.
" Hon, gusto ko to'o "sabi ko sa malambing na boses.
"E di bilhin mo" pagpaparinig nito.
Binulungan ko ito "i dont have enough cash and they dont accept card." sabi ko at dinilatan ito.
" i also didnt bring cash.".
"hindi ko naman tinatanong kung may papel kang pera dyan, ang sa akin gusto ko to. " diniinan kong bawat salita. "hon,, gusto ko talaga to,, " pa-sweet na sabi ko habang nakaharap sa tindera.
" ok,, i got it. Hintayin mo na lang ako rito at magwi-withdraw ako." Kinikilig naman ang tinderang kanina pa nakamasid, Hindi nag-tagal ay bumalik rin ito at binayaran ang hikaw. Nang magyaya na itong umuwi ay hindi na ako komontra. Nag-taka ako kung bakit ito pumara ng taxi samantalang may sasakyan naman itong dala. Pagkatapos nitong kausapin ang driver ay agad nitong ipinasok ang mga pinamili ko.
" ano to? iiwan mo kong mag-isa? maaatim mo bang sumakay ako sa taxi? " pagda-drama ko. Tila hindi ito tinablan, wala akong nagawa kundi ang sumakay at ibahin ang deriksyon na ibinigay rito. BWISIT naisahan ako! may araw ka rin sa'akin hudas ka!maghitay ka lang,, hindi pa ito ang sukdulan! hahhaha nakatawang kausap ko sa sarili.
" oi, ganda nitong hikaw! akin nato bess!" Agad akong napabaling rito at inagaw ang hikaw. "Damot mo! para sa hikaw lang, di pa maibigay!"
" wag to,, nasayo na nga lahat ng pinamili ko. Pati ba namab to." pinag-masdan akong maigi nito bago muling nagsalita.
" may senitimental value yan noh!! ii oii,, " malisyosang tanong nito.
"wala!!,, alam mo yang isip mo,, masyadong madumi! pakilinis nga at malapit ng masira,, pwede?! " tumawa lamang ito..
" sabihin mo na sa 'kin ang totoo, pangit ba talaga siya,, o, pinag-tripan mo na naman ako!,,"
"Pangit nga talaga siya! SWEAR!". Bigla itong nag-labas ng magazine na mayroong larawan ni William sa front cover.
" Eh bakit, iba ang sinasabi ng larawan! aber,,?,," nakapameywang na tanong nito.
"eh,,, bakit?,, hindi ba tootoong para siyang b-bakulaw sa laki? kapre pa nga! "
"dae! 5'11 ang height niya!! hindi yan bakulaw! lalong hindi KAPRE!!, at sabi mo maitim at mataba siya!, tingnan mo ngang maigi," sabi nito na idinut-dot sa mukha ko ang larawan. "Tingnan mong maigi!,,, ang hunk! ang sexy! godness!,, and look, moreno siya! hindi maitim!! ang yummy!,alam mo mas kailangan mo ang doctor na, susuri dyan sa mata mo!, mali sa utak na pala!,,, pakunwa-kunwaring ayaw,, yun pala papakasal na pala!oii.."
"Tumigil ka nga! sino bang kaibigan mo sa'min?"
" ikaw! "
"yun naman pala eh,, kaya tigil-tigilan mo'ko"
Alas dyes na ng gabi ng maisipan kong umuwi. Masyado akong naaliw sa doon. Pagdating sa amin nagtaka ako na kompleto ang lahat ng pamilya ko.
" i tought na nag-layas kana naman! " sabi ng ate Abegail.
"bukas ay pana-uhin natin ang mga Andrada kaya nais kong umasal ka ng mabuti hanggat sa makakaya mo. Wag mo sana akong bigyan ng panibagong sakit ng ulo. At Abegail ikaw na ang bahalang dumisiplina dyan sa kapatid mo. Bukas ay pag-uusapan natin ang tungkol sa kasal." pinal na sabi nito.
" papa wala bang engagement na magaganap muna bago ang kasal?,, you know,, tradition na ang engagement bago kasal,, " baka mag-bago pa isip mo... plsss..
" napag-kasunduan namin na ideretsyo agad sa kasal, tutal doon rin naman ang paroroonan at mas makakatipid pa tayo kung iisahin na lang ang lahat, isa pa hindi na kami bumabata, gusto narin naming magka-apo. "
Kinabukasan, bandang hapon ay panauhin nga namin ang pamilya Andrada pati si William ay kasama rin ng mga ito. Hindi ko alam pero tila na-excite at kinakabahan ako sa maaring mapag-usapan at mapagkasunduan ng aming mga magulang. Tahimik lamang si William habang naka-upo sa katapat kong silya samantalang magiliw akong kina-kausap ng ina nito. Gusto ko ang ina nito marahil dahil nangungulila lang sa ako sa mama, bigla akong nakaramdam ng lungkot at selos kay William.
" Hija! lalo ka yatang gumanda sa pag-lipas ng panahon, syanga pala, gusto ko ang gupit ng buhok mo, tamang-tama para sa summer." tukoy nito sa buhok kong maiksi. Nakita ko ang pigil na tawa sa mukha ni William dahil sa sinabi ng ina.
" Salamat po," Mahaba rin ang oras na itinakbo ng pag-uusap dahil puro tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan ng mga ito. Naging alerto lamang ako ng mapag-usapan ang tungkol sa kasal na magaganap.
" Well, hija tulad nga ng narinig mo, napag-usapan namin na gaganapin ang kasal mga tatlo o dalawang buwan mula sa ngayun, ano sa palagay?"
"Mm ba't di----
" Mama, hindi ba't parang minamadali nyo ang kasal sa lagay na yan? ano bang imina-madali natin, isa pa hindi pa kami masyadong mag-kakilala ni Antonnete, siguro mas maganda kung mag-kakilala muna kami bago magpakasal." Paliwanag nito.
" tama nga naman ang anak nyo kumpadre, mas mabuti ngang mag-kakilala muna sila bago mag-pakasal."Sang-ayon ng papa.
" Papa,, bakit pa natin patatagalin ang kasal? mas mabuti sigurong gawin natin ang kasal ngayung buwan o sa susunod, mas mabuti sigurong kasal na kami para mas makilala namin ang isat-isa, diba tita?" suggestion ko.
" Tama hija! mabuti nga iyang sinabi mo, sige, wag mo nang alalahanin ang kasal, ako na ang bahalang mag-handa and i would assure you that you would be the most beautiful bride of the year." Halos lumabas ang mata ni William sa naging desisyon ng ina nito.
" kung ganun, tapos na ang usapan tungkol sa kasal , gaganapin ang kasal sa susunod na buwan." pinal na sabi ng ama nito.Nagtaka ako ng hindi man lang ito kumontra sa ama at agad akong binalingan ng masang tingin, bilang ganti ngumiti lamang ako. I know i might regret it later but i dont care.
Kasama ko ang ina ni William para tumingin ng gown na isusuot ko raw. Pagdating namin inistima kami agad ng mga tao roon. Marami naman talagang magagandang gown pero, parang wala talaga ako mapili. Pagliko ko napansin ko ang gown na may mahabang manggas, umaabot ito hanggang sa may kamay at ang disenyo nito ay tila ginawa para sa isang conservative na babae. Itinuro ko agad upang isukat. Dahil nakatakip pa naman ang kurtina masusi kong pinag-masdan ang sarili sa salamin, hindi ko namalayan ang biglang pagbukas ng kurtina.
" how do you think hijo? bagay ba sa kanya? " tila ito natulala saglit.
"Hindi ba't bawal isukat ang gown? "
"bakit natatakot kabang hindi matuloy ang kasal niyo? " nanunuksong tanong ng ina.
" How i wish." mahinang sambit nito pero hindi nakaligtas sa tenga ko. Mabuti na lamang at wala ang ina nito dahil lumabas na.
" kala mo ikaw lang! ayoko rin noh! " pag-paparinig ko saka umupo. Naglakad ito patungo sa akin at ikinulong ako sa upuangamit ang ma kamay. Agad akong sinakluban ng takot. " a-anong ginagawa mo-o? Umalis ka nga dyan, ang init."
" alam mo ba kung bakit tayo nandito sa sitwasyon natin? " Nakangising tanong nito na titig na titig sa aking mga mata.
"aba! malay ko T-ta-tanungin mo na lamang ang m-mama m-mo" Hindi ako makapag-salita ng maayos dahil inilalapit pa lalo nito ang mukha sa akin hanggang sa maramdaman ko na ang hininga nito sa aking mukha.
" naninibago ata ako sa'yo ngayun? asan na ba ang tapang mong kilalanin ako matapos ang kasal?" Dahil sa kaba at iretasyon, itinulak ko nalang ito, at lumabas. Naririnig ko pa ang malutong nitong tawa. Bwesit.
BINABASA MO ANG
marry me, if you dare
Romantiek"IKAW!!" gulat na sabi ni Toni at ng lalaking nagdala sa kanya sa presinto. Napag-bintangan kasi siya nitong kasama ng mga sindikato, at nais nila itong hut-hutan. "You must do everything to stop the wedding." mariing sabi nito. Hindi nito alam bini...